|
||||||||
|
||
Ang pinakamahalagang pangyayari ngayon dito sa Tsina ay, walang duda, ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), na tumatagal mula ika-3 hanggang ika-14 ng Marso.
Ayon sa konstitusyon ng Tsina, ang National People's Congress o NPC ay kataas-taasang pambansang organo ng kapangyarihan at lehislatura ng bansa. Ang Chinese People's Political Consultative Conference o CPPCC ay isang political advisory organization na binubuo ng ibang mga partido, samahan at kilalang tauhan sa iba't ibang sektor. Sa unang kalahati ng Marso ng tuwing taon, idinaraos ang mga seyong plenaryo nito.
Ang bawat taunang sesyon ng NPC at CPPCC ay nakakatawag ng malawak na pansin sa loob at labas na bansa. Kasunod ng pag-unlad ng Tsina at paglakas ng impluwensiya nito sa daigdig, nais ng ibang mga bansa na mas maging malalim ang kaalaman hinggil sa Tsina; sa kabilang dako naman, sa sesyong plenaryo ng NPC, itinatakda ang mga pambansang patakaran sa bagong taon at hakbanging nakatugon sa mga mainit na isyung panlipunan. Kahit ang CPPCC ay isang advisory organization, ang mga kinatawan nito ay mga matagumpay at kilalang tauhan na galing sa 8 ibang partido liban sa naghaharing partido na Partido Komunista ng Tsina o CPC, mga pambansang minorya, sektor na panrelihiyon, at iba't ibang industriya, ibig-sabihin, malaki ang impluwensiya nila sa Tsina at ang kanilang palagay ay nakakaapekto sa pagbabalangkas ng pamahalaan ng mga patakaran at hakbangin.
Pero kumpara sa parliamento ng ibang mga demokratikong bansa, ang sistema ng NPC at CPPCC ay may mga kakaibang katangian.
Unang una, ang malaking representasyon ng NPC. Ang pagiging kinatawan ng NPC ay dapat hinahalal. Ang mga kandidato ng kinatawan sa NPC ay dapat ang sibilyan ng Tsina at may edad na 18 taong gulang pataas at mula sa iba't ibang lahi, kasarian, trabaho, edukasyon, relihiyon, ari-arian at lugar. Pero, hindi ito maaring lahukan ng mga tao na kinansela ang kuwalipikasyon batay sa batas.
Sa katotohanan, upang maigarantiya ang pinakamalaking representasyon ng NPC, espesyal na ginawaran ng mga quota ng kinatawan ng NPC ang bawat lahi, lugar at industriya sa Tsina.
Ikalawa, sa ilalim ng pamumuno ng CPC, tinitipon ang partisipasyon ng lahat ng mga sector ng lipunan. Ang katangiang ito ay hindi lamang ipinakikita sa NPC, kundi sa CPPCC. Dahil madaling nakikitang ang mga kinatawan ng CPPCC ay mga kilala at nangungunang personahe ng iba't ibang industriya. Ang kanilang palagay at atityud ay nakakaapektong malaki sa kani-kanilang industriya.
Kahit ang CPPCC ay isa lamang advisory organization, ito rin ay isa pang plataporma para sa pagsusuri at pagmumungkahi ng buong lipunan sa gawain ng pamahalaan at CPC.
Kaya sa madaling salita, ang sistema ng parliamento sa Tsina ay parang magkahiwalay ng sistemang pamparliamento ng ibang mga demokratikong bansa sa 2 nagsasariling sistema.
Pero sa kasalukuyan, kinakaharap ng sistemang pamparliamento ng Tsina ang mga hamon, lalo na sa NPC.
Unang una, kulang sa mabisang pagsusuperbisa sa pagsasagawa ng mga itinakdang patakaran pagkatapos ng sesyon. Dahil sa Tsina, ang lahat ng mga kinatawan ng NPC at CPPCC ay hindi full time na mambabatas, at mayroon silang ibang mga propesyon o trabaho. Hindi nila kayang isagawa ang pagsusuperbisa sa proseso ng pagsasagawa ng mga patakaran sa mahabang panahon.
Ikalawa, kulang sa kaalaman ang mga kinatawan ng NPC sa kalagayan ng ibang industriya. Tulad ng nabanggit kanina, ang mga kinatawan ng NPC at CPPCC ay hindi full time na mambabatas at galing sa iba't ibang lahi, industriya at lugar ng buong bansa. Pero ang mga panukalan na tinalakay nila ay ang hinggil sa mga pambansang patakaran at hakbangin.
Ikatlo, di-balanse ang bilang ng kinatawan ng NPC sa pagitan ng iba't ibang sektor ng lipunan, lalo na sa pagitan ng mga kanayunan at lunsod. Sa Tsina, dapat lumahok ang mga tao sa halalan ng kinatawan ng NPC sa kanilang lugar kung saan sila rehistradong naninirahan. Ito ay mahirap para sa mga migranteng manggagawa sa lunsod, dahil sa araw ng halalan, wala silang bakasyon pauwi sa sariling bayan. Ayon sa isang estadistika, ang bilang ng mga migrant workers ay umabot sa 242 milyon, ibig-sabihin, nagiging kakaunti ang kinatawan na galing sa ganitong malaking grupo o kinatigan ng grupong ito.
Bilang ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ang kasaysayan ng People's Republic of China ay 63 taon lamang. Kasinhaba din ang kasaysayan ng sistemang pamparliamento ng Tsina. Pero ang NPC at CPPCC ay naging mahalagang bahagi ng sistemang pulitikal ng Tsina. Dahil pagharap sa mga malaking isyung panlipunan ngayon sa Tsina, umaasa pa rin ang mga karaniwang mamamayang Tsino na mas mabisang maisasakatuparan ng NPC ang tungkulin nito na kumakatawan sa hangarin ng mga mamamayang Tsino at mapangalagaan ang kapakanan ng buong sambayanang Tsino.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |