Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Pangangalaga sa kapaligiran at malayang kalakalan

(GMT+08:00) 2012-03-19 17:52:42       CRI

Isinumite kamakailan ng Estados Unidos (E.U.), Unyong Europeo (EU), at Hapon, ang kahilingan sa World Trade Organization (WTO) para paluwagin ng Pamahalaang Tsino ang limitasyon sa pagluluwas ng mineral na rare earth.

Kaugnay nito, ipinahayag ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na nananatili ang pakikipag-ugnayan ng Tsina sa iba't ibang may kinalamang panig, at maayos na sasagutin ng Tsina ang mga kahilingan, batay sa tadhana ng WTO.

Kasabay nito, ipinaliwanag ni Shen Danyang, Tagapagsalita ng nasabing departamento, ang mga paninindigan ng panig Tsino hinggil sa patakaran ng pagluluwas ng yamang mina.

Sinabi niya, na ang mga patakaran sa pagluluwas ng yamang mina ay naglalayong pangalagaan ang yaman at kapaligiran, at isakatuparan ang sustenableng pag-unlad. Binigyang-diin niya, na ang naturang mga patakaran ay itinakda alinsunod sa tadhana ng WTO, at hinding hindi nililimitahan ng pamahalaang Tsino ang kalayaan sa negosyo.

Ipinatalastas ni Pangulong Barack Obama ng E.U. na isinumite ang kahilingan sa WTO para paluwagin ng pamahalaang Tsino ang limitasyon sa pagluluwas ng mineral na rare earth

Di-umano, ay sinabi ng E.U., EU, at Hapon sa WTO na ang patakaran ng Tsina sa paglilimita ng bolyum ng pagluluwas ng naturang mineral ay nagdudulot ng pagiging mas malaki ng gastos nila sa pagbili ng mga ito.

Sa katotohanan, mabilis na bumaba ang presyo ng rare earth mula sa Tsina, sapul noong huling kalahati ng taong 2011, at ang tunguhin ng pagbaba ng presyo nito ay nananatili hanggang sa kasalukuyan. Pero ayon sa estadistika ng Ministro ng Komersyo ng Tsina, ang itinakdang bolyum ng pagluluwas ng rare earth sa ibang bansa noong 2011 ay 30184 na tonaleda, at ang aktuwal na bolyum ng pagluluwas nito ay katumbas ng 49% lamang ng inaasahang target.

Isinapubliko ng nasabing departamento noong katapusan ng taong 2011 ang unang pangkat ng itinakdang bolyum ng pagluluwas ng rare earth sa taong 2012. Ang bolyum na ito ay umabot sa 24566 na tonelada, katumbas ng 80% ng kabuuang bolyum sa buong taon. Ibig-sabihin, hindi pinababa ng pamahalaang Tsino ang bolyum ng pagluluwas sa taong ito para pasulungin ang pagtaas ng presyo, at ang bolyum ng pagluluwas ng Tsina ay nakatugon sa pangangailangan ng pamilihang pandaigdig.

Kahit itinakda ng pamahalaang Tsino ang bolyum ng pagluluwas ng rare earth, hindi nitong nililimitahan ang pagkakataon para sa mga dayuhang kompanya na bumili ng yamang ito. Masasabing malaya pa rin ang negosyo sa yaman ng rare earth.

Sa katotohanan, ang bolyum ng reserba ng rare earth sa Tsina ay katumbas ng 36% ng kabuuang boyum nito sa buong daigdig, samantalang sa E.U. ay 13%. Pero, ang taunang output ng Tsina sa yamang ito ay katumbas ng halos 90% ng output sa buong daigdig, at sero ang bolyum ng produksyon ng E.U. Ayon sa estadistika, kung mananatili ang ganitong kalagayan, mauubos ang lahat ng rare earth sa Tsina sa loob ng darating 15 hanggang 20 taon.

Bakit lumitaw ang kalagayang ito? Dahil malubha ang polusyon na dulot ng pagpoproseso ng naturang mineral at ayaw ng ibang bansa na iprodyus ito sa kanilang nasasakupan. Bukod pa riyan, mura ang yamang ito sa Tsina, dahil hindi masyadong pinag-tutuunan ng pansin ng pamahalaang Tsino ang pangangalaga sa kapaligiran noong mahabang panahon.

(2 larawan sa ibaba ay ukol sa isang planta ng paggagalugad ng rare earth sa Lalawigang Jiangxi, south China)

Subalit, sapul nang isagawa ng pamahalaang Tsino ang patakaran sa pagluluwas ng yaman ng rare earth. Aktibong hinahanap ng mga bansang kanluranin ang bagong pinagmumulan ng yamang ito. Itinayo kamakailan ng isang kompanya ng Australia ang isang planta ng rare earth sa Malaysiya, kapag naisaoperasyon ito, tinatayang maari itong magkaloob ng 22 libong toneladang rare earth na makakatugon sa halos 20% ng pangangailangan ng buong mundo. Pero matinding tumututol ang mga mamamayang lokal sa pagtatayo ng plantang ito, dahil sa malubhang kapinsalaan sa kapaligiran.

(2 larawan sa ibaba ay ukol na pagpoprotesta ng mga mamamayan ng Malaysiya sa pagtayo ng planta ng rare earth ng LYNAS, kompanya mula sa Austrilya)

Sa katotohanan, ang paggagalugad at produksyon ng malaking bolyum ng rare earth ay nakapinsala ng malubha sa kapaligiran ng Tsina. Bukod dito, malubha ang iligal na paggagalugad ng rare earth sa Tsina at pagpupuslit nito sa ibang bansa.

(3 lawaran sa ibaba ay ukol sa malaking kapinsalaan sa kapaligiran ng Tsina na dulot ng paggagalugad ng malaking bolyum ng rare earth)

Sa katotohanan, kahit pinuna ng E.U., EU at Hapon, ang patakaran ng pamahalaang Tsino sa pagluluwas ng rare earth, para sa panig Tsino, ang mas mahalagang tungkulin ay ang pagsasagawa ng mga hakbangin na gaya ng pagpapahigpit ng pagsusuperbisa, pagdaragdag ng espesyal na buwis para sa kapaligiran, pagbibigay-dagok sa iligal na paggagalugad at pagpupuslit, para mas mabisang pangalagaan ang kapaligiran sa proseso ng produksyon ng rare earth. Ito rin ang makakatulong sa pagbalik ng presyo ng rare earth ng Tsina sa isang makatwirang lebel, kasama ang gastos sa pangangalaga sa kapaligiran.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>