Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Pagtaas ng presyo ng langis, malaki ang epekto sa Tsina

(GMT+08:00) 2012-03-26 18:18:48       CRI

Noong ika-20 ng buwang ito, nadagdagan nang 600 Chinese yuan o RMB bawat tonelada o 44 cents kada litro ang presyo ng diesel at gasoline ng Tsina. Ito ang ikalawang beses na nagtaas ang presyo ng petrolyo sa taong 2012. Noong ika-8 ng nagdaang Pebrero, tumaas na nang 300 RMB bawat tonelada ang presyo ng petrolyo sa Tsina.

Presyo ng Petrolyo, madaling araw ng ika-20 ng Marso

Kaugnay ng pagtaas ng presyo ng petrolyo, ipinahayag ng Pambansang Komisyon ng Pagunlad at Reporma ng Tsina na ang kapasiyahang ito ay dulot ng mabilis na paglaki ng presyo ng mga petrolyo sa pamilihang pandaigdig. Dahil sapul nang unang beses na pataasin ang presyo ng mga petrolyo sa Tsina, hanggang sa kasalukuyan, ang bahagdan ng paglaki ng presyo nito ay lumampas sa 10%.

Nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng mabilis na pag-unlad ng Tsina, mabilis ding lumalaki ang konsumo ng petrolyo ng Tsina. Noong 2011, ang bolyum ng konsumo ng petrolyo ay umabot sa 243 milyong tonelada, pero noong 2000, ang bolyum ay umabot lamang sa halos 110 milyong tonelada. Ang proporsyon ng mga inaangkat na petrolyo sa bolyum ng konsumo ay umabot sa 56% sa taong 2011 mula sa 30% sa taong 2000.

Nakabilang mga motorista sa isang gasolinahan sa Lianyungang, Jiangsu Province, noong gabi ng ika-19 ng Marso, bago ipatupad ang pagtaas ng presyo ng petrolyo

Kaya anang pahayag ng nasabing misyon na ang agarang pagbabago sa presyo ng petrolyo ay naglalayong mapigilan ang labis na bilis ng paglaki ng konsumo ng petrolyo at mapasulong ang pagtitipid ng enerhiya. Ito rin aniya ay napakahalaga sa paggarantiya ng supply sa pamilihang panloob at seguridad ng enerhiya ng bansa.

Sa katotohanan, ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay nakakaapekto nang malaki sa pamumuhay ng mga karaniwang mamamayang Tsino.

Unang una, lumaki ang gastusin ng motorista. Ngayon sa mga lunsod sa Tsina, maaring bumili ang mga karaniwang tao ng isang kotse, at para sa kanila, ang pagmamaneho ay isang pangunahing paraan para pumasok sa opisina. Pagkatapos ng pagtaas ng presyo ng petrolyo, parami nang paraming tao ang nagsimulang pumili ng ibang mga paraan papunta sa opisina na gaya ng bus at subway, dahil mas mura ang bayad nito. Para sa ibang mga tao na nais bumili ng kotse, ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay nagdulot ng pagtatakwil ng ideya nila sa pagbili ng kotse o pagbabago ng pagpili nila sa mga kotse na mababa ang konsumo ng petrolyo.

Nakabilang mga motorista sa isang gasolinahan sa Nantong, Jiangsu Province, noong gabi ng ika-19 ng Marso, bago ipatupad ang pagtaas ng presyo ng petrolyo

Ikalawa, lumalakas ang presyur sa mga industriya ng komunikasyon at transpotasyon. Madaling maiintindihan ang paglakas ng kanilang presyur, dahil may malalimang kaugnayan ng ganitong industriya sa pagbabago ng presyo ng petrolyo.

Halimbawa, tumaas ang bayarin ng express delivery service. Ayon sa pagtaya ng mga tauhan sa industriyang ito, tataas ng 10% hanggang 20% ang bayad ng mga express delivery company. Dahil hindi nagbabayad ang mga pribadong express delivery company sa gastusin ng kanilang staff sa pagmamaneho, ibig-sabihin, ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay magdudulot ng pagbaba ng kanilang kita. Kaya, kung daragdagan ang suweldo nila, dapat pataasin ng mga kompanya ang kanilang singil sa kliyente.

Ang pamasahe sa taxi ay itinakda ng pamahalaang Tsino, kung walang mga hakbangin para tulungan ang mga taxi driver na makatugon sa pagtaas ng presyo ng petrolyo, walang duda, maaapektuhan ang kanilang pamumuhay. Sa kabilang dako, kung pahihintulutan ng pamahalaan ang pagtaas ng pamasahe, lalaki rin ang gastusin ng mga pasahero.

Ikatlo, lalaki ang gastusin ng mga tao sa pang-araw-araw na pamumuhay. Para sa mga lunsod, lalo na sa mga malalaking lunsod, ang mga pang-araw-araw na pangangailangan na gaya ng prutas, gulay, bigas, karne at mantika ay dapat ihatid mula sa ibang lugar, higit pa sa mga malalayo. Pagkatapos ng pagtaas ng presyo ng petrolyo, ang pagtaas ng gastusin sa transpotasyon ay posibleng magdudulot ng pagtaas ng presyo ng mga paninda. Kung ganoon, ang pamumuhay ng mga karaniwang Tsino ay siguradong maaapekuhan nang malaki.

Sa katotohanan, naitatag na ng Tsina ang mekanismo ng subsidy tungkol sa presyo ng langis, halimbawa, magbibigay ang pamahalaan ng subsidy sa agrikultura, pangingisda, panggugubat, transportasyong pampubliko at iba pang sektor.

Pero para sa pamahalaang Tsino, hindi pa tiniyak ang aktuwal na halaga ng naturang subsidy, at ang silbi ng naturang mga hakbangin ay hindi pa nakakaranas sa pagsubok ng panahon, lalo na sa aspekto ng pagpapahupa ng presyur sa mentalidad ng mga mamamayan. Bukod dito, ang mas malaking hamon ay posibleng magdudulot ito ng mas malaking inflation. Dahil nitong ilang taong nakalipas, palagiang kinakaharap ng kabuhayang Tsino ang banta ng inflation, labis na bilis ng pag-unlad at pagtaas ng CPI.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>