Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Pagpapatatag ng presyo ng mga paninda, malaking hamon para sa pamahalaang Tsino

(GMT+08:00) 2012-04-16 21:03:28       CRI

Sa Government Work Report na inilahad ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina sa taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC noong Marso, binigyang-diin ng Premyer Tsino na sa taong 2012, dapat mapanatili ang presyo ng mga paninda at kontrolin ang bahagdan ng paglaki ng CPI sa loob ng 4%.

Pero kinakaharap pa rin ng nasabing target ang malaking hamon. Sapul nang pumasok sa taong ito, mabilis na tumataas ang presyo ng mga gulay. Halimbawa, ayon sa estadistika ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang presyo ng shallot ay mabilis na tumataas. Noong ika-19 ng Marso, ang presyo ng pamamakyaw ng mga shallot ay umabot sa 4.99 Chinese yuan o RMB bawat kilo, pinakamataas sa taong ito, Noong ika-4 ng buwang ito, ang presyo ng pamamakyaw ng mga nasabing paninda ay bumaba sa 4.2 Chinese yuan bawat kilo, doble sa presyo nito noong nagdaang Disyembre, 2011.

Kaugnay ng pagtaas ng presyo ng mga shallot, ipinahayg ng nabanggit na departamento na, unang una, dahil mababa ang presyo ng mga shallot sa taong 2011, lumiit ang saklaw ng pagtatanim ng mga ito at dahil naman sa masamang panahon sa taglamig na gaya ng pagyeyelo at pagniyebe, mahirap ang kondisyon ng paghahatid ng mga shallot. Kaya bumaba ang bolyum ng pagsuplay ng mga shallot at saka tumaas ang presyo.

Ang kasong ito ay hindi lamang sa shallot, kundi sa presyo din ng iba pang mga produktong agrikultural na gaya ng gulay, prutas at karne, na tumataas nang mabilis nitong ilang taong nakalipas.

Pero sa kabilang dako, malaki din ang agwat sa pagitan ng presyo ng pamamakyaw at retail sales. Halimbawa, ang presyo ng kalahating kilo ng shallot sa supermarket noong ika-15 ng Marso ay umabot sa 8.99 Chinese yuan, halos 4 na ulit na mataas kumpara sa pinakamahal na presyo ng pamamakyaw.

Ang larawang ito ay nakuha sa isang supermarket sa Beijing, ika-15 ng Marso, presyo ng shallot dito ay 8.99 Chinese Yuan o RMB kalahating kilo.

Ayon sa kasalukuyang proseso ng sirkulasyon ng mga produktong agrikultural, dapat dumaan ang mga produkto sa mga antas ng pamamakyaw, mula mga magsasaka hanggang sa mga retailer. Sa bawat antas, ang presyo ng mga produkto ay tumataas nang halos 5% hanggang 10%. Bukod dito, para sa mga pribadong retailer at supermarket, tumaas ang upa ng puwesto, suweldo ng mga trabahador, at presyo ng petrolyo, ito ay nagdudulot din ng pagtaas ng presyo ng mga produktong agrikultural.

Sa isang dako, ang pagbaba ng presyo ng mga produktong agrikultural ay siguradong nakakaapekto sa pamumuhay ng mga magsasaka, sa kabilang dako naman, ang mataas na presyo ng mga produkto ay nakakaapekto sa pamumuhay ng mga residente ng mga nayon at lunsod.

Sa katotohanan, dahil mayroong mga antas ng mamamakyaw, hindi alam ng mga magsasaka ang pagtaas-baba ng mga produktong agrikultural sa pamilihan, ibig-sabihin, kung bababa ang presyo ng mga produktong agricultural, hindi nila kayang bawasan ang saklaw ng pagtatanim para maiwasan ang mga kapinsalaan sa ari-arian. Bukod dito, hindi din nila kaya ang pagbebenta ng kanilang produkto sa isang magandang presyo kahit kulang ang pamilihan sa mga produkto, dahil hindi silang direktang nakikipag-ugnayan sa mga retailers o supermarket.

Kaya para sa pamahalaang Tsino, malaking hamon ang target na ito sa pagpapatatag ng presyo ng mga produktong agricultural.

Unang una, dapat maigarantiya ng pamahalaan ang sapat na suplay ng mga produktong agrikultural para sa pangangailangan ng pamumuhay ng mga residente sa mga lunsod at kanayunan.

Ikalawa, dapat maigarantiya nito ang kita ng mga magsasaka mula sa pagtatanim ng mga produktong agricultural.

Ikatlo, dapat mapigilan nito ang kapinsalaan sa ari-arian ng mga magsasaka kung magkakaloob sila ng labis na dami o suplay ng mga produkto.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>