Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Diplomasya ng Tsina

(GMT+08:00) 2012-04-23 21:04:44       CRI



 

Sa kanyang pakikipagtagpo sa delegasyon ng India noong katapusan ng 1953, kauna-unahang iniharap ni dating Premyer Zhou Enlai ng Tsina ang limang prinsipyo ng mapayapang pakikipamuhayan, pambansang patakarang panlabas ng Tsina na umiiral hanggang sa kasalukuyan.



Nakipagtagpo si dating Premyer Zhou Enlai ng Tsina sa delegasyon ng India noong 1953


Ang mga prinsipyong ito ay kinabibilangan ng di-pagsasalakayan; di-pakikialam sa suliraning panloob ng isa't isa; mapayapang pakikipamuhay; paggalang sa kabuuan ng teritoryo at soberanya ng isa't isa; at pagkakapantay-pantay at kapakinabangan ng isa't isa.

Ang nasabing mga prinsipyo ay sumikat at tinanggap ng ibang mga bansa pagkatapos ng Bandung Conference na idinaos noong 1955 sa Indonesiya. Ang nasabing pulong ay isang pulong na kauna-unahang nilahukan ng mga umuunlad na bansa lamang. Ito rin ang kauna-unahang beses na paglahok ng People's Republic of China sa isang pandaigdigang pulong pagkatapos ng pagkakatatag nito. Mangyari pa, ang aksyon at pananalita ni Premyer Zhou Enlai ay nag-iwan ng malalim at magandang impresyon sa mga kalahok na kinatawan, higit pa sa buong daigdig.


Sa Bandung Conference, 1955, Indonesia, si dating Premyer Zhou Enlai ng Tsina ay mainit na tinatanggap ng mga kalahok na kinatawan


Pero sa pananaw ng mga mamamayang Tsino, ang diplomasya ng Tsina batay sa nasabing 5 prinsipyo ay kinakaharap ng dumaraming hamon, pagkatapos na pumasok sa ika-21 siglo.

Ang mga hamon ay kinabibilangan na una, ang puna na kulang ang Tsina sa pagpapatupad ng sapat na responsibilidad na pandaigdig, ikalawa, ang Tsina ay kinakaharap ng dumarami nang dumaraming hidwaan sa kabuhayan, negosyo, at teritoryo ng iba't ibang mga bansa.

Ang naturang mga hamon na ikinababahala ng mga Tsino ay bunga ng pagbabago ng kapaligirang pandaigdaig at ng sariling kalagayan.

Sapul nang matapos ang Cold War sa buong mundo noong 1991, malaki ang pagbabago ng kalagayang pandaigdig. Walang komprontasyon ang ideolohiya ng communism at capitalism, lumitaw ang mga magkakaibang ideya at kahilingan sa karapatang pantao, demokrasya at relihiyon; walang banta ng ika-3 World War, lumitaw ang hidwaan at sagupaan sa pagitan ng mga bansa, dahil sa di-pagkakasundo ng oposisyon sa mga aktuwal na benepisyo na gaya ng negosyo, enerhiya, at teritoryo.


Kaya ang kapaligirang palabas na kinakaharap ng diplomasya ng Tsina ay nagiging mas masalimuot at mahirap. Hindi tulad ng kalagayan noong panahon ng Cold War, tatlo lamang ang pagpili, Unyong Sobiyet, Estados Unidos, at ang ika-3 landas sa pagitan ng naturang 2 superpower.

Liban sa ilang ekstrimistang bansa, wala na ang komprontasyon sa pagitan ng ideolohiya ng communism at capitalism, pero ang patakarang panlabas ng Tsina ay dapat makatugon sa kahilingan ng karapatang pantao at demokrasya, dalawang prinsipyo na malawak na tinatanggap ng komunidad ng daigdig.

Dahil din sa pagbabago ng kalagayang pandaigdig, ang diplomasya ng Tsina ay dapat maayos na makatuon sa mga hidwaan nila ng ibang mga bansa sa negosyo, enerhiya, at teritoryo, para mabisang mapangalagaan ang sariling katiwasayan at kapakanan.

Sa simula ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas noong 1980s, walang anumang bansa, maging ang Tsina, ang nakataya ng napakalaking pagbabago ng bansang ito pagkaraang mahigit 30 taong umuunlad.

Dahil sa ganitong napakalaki at mabilis na pagbabago, sa isang dako, umaasa ang kumunidad ng daigdig na isasabalikat ng Tsina ang mas maraming responsibilidad sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, sa isa pang dako naman, mukhang hindi pa handa ang Tsina para gumanap ng sapat na papel sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.


Bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ang impluwensiya ng Tsina sa pulitika, kultura, at militar ay hindi nakatugon sa mga kahilingan ng komunidad ng daigdig, maski sa pangangailangan ng sariling katiwasayan at kabuhayan. Pero sa pagharap sa kahilingan ng daigdig at pangangailangan ng sariling katiwasayan at kabuhayan, dapat mas malinaw na ipaliwanag ng Tsina kung ano ang paninindigan nito sa mga usapin, sa halip na ilahad lamang ang paninindigan nito, at ipakita ang kakayahan at determinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, at pangangalaga sa sariling katiwasayan at kapakanan.

Noong panahaon ni Chairman Mao Zedong, ang Tsina ay isang malaking umuunlad na bansa na hirap sa kabuhayan at pamumuhay ang mga mamamayan. Sa kasalakuyan, mas malakas ang kabuhayan at militar ng Tsina kumpara sa mga karatig na bansa.

Sa ganitong kalagayan, dapat mapawi muna ng diplomasya ng Tsina ang pagkabahala ng mga karatig na bansa sa napakalakas na puwersa nito. Kaya ang Tsina ay dapat maging mas bukas at transparent, sa isang dako, nagpapakita ng tunay na kalagayan sa labas; sa kabilang dako naman, tumatanggap sa mga tamang mungkahi ng ibang bansa, higit pa kung ito mga puna. Kung ganoon, ang Tsina ay mas madaling nakauunawa sa ibang bansa at parehong nakauunawa ang ibang bansa sa Tsina.

Kung ang mga karanasan ng Tsina ay tatanggapin ng mas maraming bansa, ito rin ang bunga ng diplomasya ng Tsina.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>