|
||||||||
|
||
Bilang unang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ang relasyon ng Tsina at Estados Unidos (E.U.) ay mahalaga para sa isa't isa at madaling nakatawag ng pansin ng daigdig.
Kahit may mahalagang komong kapakanan ang dalawang bansa sa kabuhayan, kultura, at pulitika, ang bilateral na relasyon ay mukha pa ring sensitibo, di-matatag, at madaling naaapektuhan.
Mula ika-3 hanggang ika-4 ng buwang ito, idinaos sa Beijing ang ika-4 na U.S.-China Strategic and Economic Dialogue. Ang diyalogong ito ay isang napakahalagang talakayan ng dalawang bansa hinggil sa bilateral na relasyon, mga isyu ng kabuhayan, pulitika, mga suliraning panrehiyon, at pandaigdig. Masasabing ang nasabing diyalogo ay isang regular at mahalagang plataporma para sa pagpapalitan ng dalawang bansa hinggil sa mga mahalagang isyu.
Pero, ang kasalukuyang diyalogo ay nakatawag ng mas maraming pansin. Bago ang pagdaraos ng diyalogo, maraming mga tao ang nabahala at nagtanong kung puwede bang idaos ang diyalogong ito? Kasi, malubha ang hidwaan ng dalawang bansa sa mga isyu na gaya ng negosyo, RMB exchange rate, intellectual property rights, at paglilimita ng E.U. sa pagluluwas sa Tsina. Bukod dito, ang di-pagkakasundo ng dalawang bansa sa mga isyu na gaya ng isyu ng Syria, isyung nuklear sa Korean Peninsula, at isyu ng South China Sea ay nagresulta ng negatibong epekto sa bilateral na relasyon ng dalawang panig. Sa panahon ng diyalogo, ang insidente hinggil kay Chen Guangcheng ay nagresulta rin sa pagkabahala na magkakaroon ng hidwaan ang dalawang bansa sa karapatang pantao.
Sa katotohanan, idinaos ang diyalogong ito sa nakatakdang petsa at isinagawa ng dalawang bansa ang malawak at malalim na talakayan.
Kinilala ng dalawang bansa na mayroon silang komong kapakanan sa rehiyong Aysa-Pasipiko, kinakaharap ang parehong hamon at isinasabalikat ang nagkakaisang target sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan sa rehiyong ito.
Inulit nila ang pangako sa pagsasagawa ng diyalogo sa karapatang pantao at itinakda ang pagdaraos ng ganitong diyalogo sa Washington D.C. pagkaraan ng ilang buwan.
Itinakda rin nila ang pagsasagawa ng regular na pagsasanggunian hinggil sa mga isyung pandaigdig at pagpapahigpit ng kooperasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.
Bukod pa riyan, ipinasiya nila ang pagtatatag ng mekanismo ng mga suliraning pandagat at sisimulan ang mekanismong ito sa darating na tag-lagas.
Alinsunod sa mga bunga ng nabanggit na diyalogo, buong sikap na pinalalalim ng dalawang bansa ang bilateral na relasyon at pinaliliit ang mga di-nagkakasundong posisyon. Ito ay nagpapakita na ang relasyon ng dalawang bansa ay umuunlad patungo sa positibong direksyon.
Hinggil naman sa tanong na bakit ang relasyon ng dalawang bansa ay napakahalaga pero komplikado?
Kumpara sa di-kukulanging 100 taong relasyon at pagpapalagayan ng E.U. sa ibang mga bansa sa Europa at Asya, 40 taon lamang ang kasaysayan ng pagpapalagayan ng E.U. at People's Republic of China, at bago ang pagsisimula ng pagpapalagayang ito, ang relasyon ng dalawang bansa, sa halos 20 taon ay di-pagkakaunawaan.
Kasunod ng mabilis na pagbabago at pag-unlad ng Tsina, lumalaki ang pangangailangan nito. Kaya mahirap na maiwasan ang mga pagkakaibang posisyon ng Tsina at E.U. sa mga isyu. At sa kabilang dako, kasunod ng pagtaas ng katayuan ng Tsina, kailangan ding isaayos ang relasyon ng dalawang bansa, para maari nilang isagawa ang pantay na kooperasyon at pagpapalagayan sa iba't ibang larangan.
Ibig-sabihin, ang relasyon ng Tsina at E.U. ay parang isang lumalaking bata, sa halip ng isang humuhusay at matalinong nasa tamang gulang na tao.
Bumigkas si Pangulong Hu Jintao ng Tsina ng talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng ika-4 na U.S.-China Strategic and Economic Dialogue
Sinabi ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng ika-4 na U.S.-China Strategic and Economic Dialogue, na ang relasyon ng Tsina at E.U. ay isang bagong uri ng relasyon ng mga malaking bansa at kailangan ang pagtitiwalaan, pagkakaunawaan, pagkakapantay-pantay, at paggagalangan sa isa't isa.
Sinabi naman ni Hillary Clinton, Kalihim ng Estado ng E.U., na ang relasyon ng dalawang bansa hinggil sa paggagalangan sa isa't isa na may mutuwal na kapakinabangan ay bagong sibol na uri ng relasyon sa pagitan ng mga malalaking bansa. Sa proseso ng paglaki ng ganitong relasyon, walang dating karanasan na pinagdaanan ang dalawang bansa. Kaya minsan ay maganda at maayos ang bilateral na relasyon, minsan naman ay lumilitaw ang mga hidwaan at kahirapan.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |