Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Mga dayuhan sa Tsina

(GMT+08:00) 2012-05-21 18:42:44       CRI

Ang tangkang panggagahasa ng isang turistang Briton sa isang babaeng Tsino na naganap noong gabi ng ika-8 ng Mayo sa kalye ng Beijing ay nakatawag ng pansin ng buong lipunan ng Tsina.

Litrado ng mga saksi hinggil sa "tangkang panggagahasa" ng turistang Briton sa babaeng Tsino

Sa kasalukuyan, ang nabanggit na dayuhan ay nasa kustodiya ng pulis ng Beijing at sumasailalim sa isang seryosong imbestigasyon. Ayon sa mga saksi, hindi kilala ng babae ang lalaking Briton at pinilit ng naturang Briton ang babaeng Tsino na makipagseks dito. Ayon sa batas ng Tsina, ito ay itinuturing na kasong "tangkang panggagahasa" .

Ang kasong "tangkang panggagahasa" sa batas ng Tsina ay itinuturing na paggamit ng marahas na paraan upang pilitin ang isang babae na makipagtalik, subalit hindi ito matagumpay. Kaya siguro ay pararatangan ang nasabing Briton ng attempted rape at posibleng maibilanggo mula 3 taon hanggang 10 taon.

Pagkaraan ng insidenteng ito, magkakasunod na nanawagan ang mga dalubhasa at media sa pamahalaan, na dapat pahigpitin ang pangangasiwa sa pagpasok ng mga dayuhan at pagsusuperbisa sa kanilang pamumuhay at trabaho para mapigilan ang pangyayari ng ganitong krimen.

Ipinatalastas kamakailan ng panig pulisya ng Beijing na isasagawa ang halos 100 araw na espesyal na aksyon para suriin ang mga dayuhan, para matukoy ang mga iligal na pumasok sa Tsina, iligal na nananatili at iligal na nagtatrabaho sa bansa.

Kaugnay ng aksyong ito, ipinalalagay ng mga dalubhasa, na liban sa nabanggit na insidente, dumarami ang ganitong 3 uri ng mga dayuhan sa Tsina, at nagdudulot ang mga ito ng pagkakaroon ng isyung panlipunan, kaya dapat isagawa ng pamahalaang lokal ang mga hakbangin para lutasin ang naturang problema.

Sinabi ni Xiang Dang, propesor mula sa People's Public Security University ng Tsina, na kasunod ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayang Tsino at pagbubukas sa labas, dumarami ang mga dayuhan na pumupunta sa Tsina para mamuhay at magtrabaho. Kasabay nito, naragdagan ang bilang ng mga dayuhang iligal na pumasok sa Tsina, iligal na nananatili, at iligal na nagtatrabaho. Bukod dito, dumarami rin ang bilang ng mga kaso ng transnasyonal na krimen at paglabag ng mga dayuhan sa batas ng Tsina.

Kaugnay ng isyu ng mga dayuhan sa Beijing, lalo na sa buong Tsina, ang pinakamahalaga ay pabutihin ang mga tadhana at mahigpit na isagawa ang mga ito, para ipagkaloob ang mas maganda at ligtas na kapaligiran ng pamumuhay at trabaho ng mga dayuhan sa Tsina, at mapigilan ang pagsagawa ng krimen ng mga dayuhan.

Bilang kabisera ng ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, kahit bukas na bukas ang Beijing sa labas, kinakaharap din nito ang pagpapatupad ng nabanggit na target.

Halimbawa, sa nabanggit na kaso ng attempted rape, maraming lalaking Tsino ang tumulong na pigilan ang karumaldumal na aksyon ng nabanggit na Briton, at dumating lamang ang mga pulis nang matapos na ang tangka. Bukod pa riyan, ang lugar na pinangyarihan ay nasa Xuanwu Gate, na malapit sa second ring road ng Beijing. Ang lugar na ito ay isang busy place at sa ganitong lugar, naglagay ang pamahalaan ng mga kamera. Kahit ganoon, mukhang mabagal pa rin ang reaksyon ng mga pulis sa insidenteng ito. Kung magaganap ang mga insidente na kinasasangkutan ng mga dayuhan, papaano maigagarantiya ng mga pulis ng Tsina ang kaligtasan ng mga mamamayang kung mabagal ang kanilang responde?

Bukod dito, dumarami ang mga dayuhan ngayon sa Beijing, lalo na sa buong Tsina, papaano titiyakin ng pamahalaan kung sino ang mga ligal na pumasok at sumusunod sa batas ng Tsina? Sino ang iligal na pumasok sa Tsina? Sino ang mga iligal na nananatili at iligal na nagtatrabaho? Ito ang mga katanungang kailangang sagutin ng pamahalaan. Ang kailangan ay isang malawak at mahigpit na mekanismo para pangasiwaan ang mga impormasyon hinggil sa mga dayuhan sa halip na pagsasawaga ng mga pansamantalang espesyal na aktibidad lamang.

Walang duda, dapat sumunod ang dayuhan sa batas ng bansang kinaroroonan nila, pero para sa pamahalaan ng bansang ito, dapat ay pantay-pantay na igarantiya ang lehitimong karapatan at kapakanan, hindi lamang ng mga mamamayan nito, kundi ng mga dayuhan. Ang target na ito ay isang pangmatalagang tungkulin, hindi lamang para sa Beijing, kundi maging sa buong Tsina. Ito ay isang proseso ng pag-unlad patungo sa isang modernisasdong sibilisasyon.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>