Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Isyu ng Visa ng mga gurong Tsino sa E.U.

(GMT+08:00) 2012-05-28 18:17:25       CRI

Mukhang nalutas na ang isyu hinggil sa visa ng mga gurong Tsino na nagtuturo ng mandarin at kulturang Tsino sa mga Confucius Institute sa Estados Unidos (EU).

Si Victoria Nuland, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados

Ayon sa pinakahuling pahayag na ipinalabas ng Kagawaran ng Estado ng E.U. noong ika-25 ng Mayo, tutulungan ng panig Amerikano ang mga gurong Tsino na magkaroon ng angkop na visa, upang hindi na nila kailangang umalis ng E.U. Pagdating naman sa isyu ng accreditation, anito, ang mga Confucius Institutes, na itinatag sa mga kuwalipikadong pamantasan at kolehiyo ay hindi nangangailangan ng accreditation.

Sa katotohanan, ang isyu ng visa para sa mga dayuhan ay madaling makita, hindi lamang sa E.U., kundi rin sa ibang mga mayayamang bansa, na gaya ng Britanya, Pransya, Tsina, Hapon, Timog Korea, Australia, Canada, at iba pa. patuloy na dumarami ang mga dayuhan papunta sa nabanggit na mga bansa para mamuhay at magtrabaho, kasabay nito, ang isyu ng mga dayuhang iligal na pumasok, iligal na nananatili, at iligal na nagtatrabaho sa bansang kinaroroonan nila ay nagdulot ng ilang isyung panlipunan.

Dahil diyan, mahigpit ang pangangasiwa ng naturang mga bansa sa mga dayuhan. Tulad ng ginagawa ng pamahalaan ng Beijing, sinusuri ang mga dayuhan para matukoy ang mga iligal na pumasok sa Tsina, iligal na nananatili, at iligal na nagtatrabaho sa bansa.

Walang duda, ang visa ay isang mahalagang katunayan para sa mga dayuhan na pumasok sa ibang bansa, namumuhay at nagtatrabaho doon. Sa kabilang dako, ang visa naman ay isang mahalagang impormasyon para tiyakin ng mga pamahalaan kung sinu-sino ang mga dayuhang ligal na pumasok, ligal na nananatili, at ligal na nagtatrabaho at kung sino ang hindi.

Masasabing ang visa ay mahalaga para sa mga dayuhan at pamahalaan ng mga bansa na kinaroroonan nila. Halimbawa sa nabanggit na isyu ng visa ng mga Tsinong guro sa E.U., ang insidenteng ito ay nagdulot ng mainit na pansin mula sa lipunan ng dalawang bansa.

Sa katotohanan, ang nabanggit na isyu ng visa ng mga Tsinong guro ay dulot ng isang maling pahayag ng E.U. Noong ika-17 ng Mayo, ipinalabas ng Kagawaran ng Estado ng E.U. na dapat umalis sa bansa ang mga Tsinong guro sa mga Confucius Institute at Class bago ang katapusan ng darating na Hunyo dahil hindi na ipagpapatuloy ang kanilang visa. Ang kapasiyahang ito ay matinding tinutulan ng mga paaralang may Confucius Institute at mga estudyateng Amerikano na nag-aaral ng mandarin at kulturang Tsino.

Pero pagkaraan ng ilang araw, muling nagpalabas ng pahayag ang nasabing kagawaran na nagsasabing nagkamali sila sa pagbibigay ng J-1 visa sa mga gurong Tsino. Sa halip na bigyan sila ng J-1 visa para sa mga dayuhang guro na nag-tuturo sa mga paaralan ng E.U., sila ay napagkaloob ng J-1 visa para sa mga dayuhang dalubhasa at mga estudyanteng nagsasagawa ng mga proyekto ng pagpapalitan at pagbisita. Ipinangako rin ng naturang kagawaran na maayos na malulutas ang isyung ito.

Noong Tag-init, taong 2011, mga batang Amerikano ay pumunta sa Shandong Province, China, para lumahok sa aktibidad ng pagpapalitang pangkultura na itinaguyod ng Confucius Institede sa E.U.

Sapul noong 2004, itinayo ang 81 Confucius Institute at mahigit 300 Confucius Class sa E.U. at liban sa naturang mga klase, hanggang noong katapusan ng taong 2011, mahigit 5000 public school sa E.U. ang mayroong klase ng mandarin at kulturang Tsino. Ayon sa estadistika na ipinalabas ng Xinhua News Agency, mahigit 200 libong estudyante sa E.U. ay nag-aaral ng mandarin at kulturang Tsino.

Ito ang nagpapakita ng pagtanggap ng mga mamamayang Amerikano sa kulturang Tsino at gusto nilang maunawaan ang tunay na Tsina. Sa pamamagitan nito, madaling naiintindihan ang papel ng pagpapalitan ng kultura sa relasyon ng anumang dalawang bansa, kaya ang Confucius Institutes ay mahalagang plataporma ng pagpapalagayang pangkultura ng Tsina at E.U. Kung aalisin ang lahat ng mga Tsinong guro sa Confucius Institute at Class, ito ay makakapinsala sa pagpapalitang pangkultura ng dalawang bansa.

Ang batang Tsino ay dayuhan ay magkasamang nag-aaral ng tradisyonal na painting skill ng Tsina

Dahil idaraos sa katapusan ng taong ito ang halalang pampanguluhan sa E.U., ipinalalagay ng mga media na ang insidenteng nabanggit ay bunga ng pangangailangan na hikayatin ang mga rehistradong botante sa halalan.

Pero noong ika-25 ng Mayo, binigyang-diin ni Victoria Nuland, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos (E.U.), na ang isyu sa visa ng mga gurong Tsino ay isa lamang karaniwang isyu ng visa, at hindi nakatuon sa mga American Confucius Institute sa E.U.

Tulad ng alam ng lahat, ang mainam na relasyon at kooperasyon ng Tsina at E.U. ay nakakabuti, hindi lamang sa dalawang bansa, kundi sa buong daigdig. Pero mayroon ding malaking pagkakaiba sa kultura at sistemang pulitikal ang dalawang bansa, kaya napakahalaga ng pagpapasulong ng pagpapalagayan ng kanilang mga mamamayan, lalo sa kultura. Ito kasi ang nakakatulong sa pagpapawi ng di-pagkakaunawaan at pagpapalalim ng pagkakaibigan ng dalawang panig.

Back To Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>