Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyon ng Tsina at Rusya sa susunod na dekada

(GMT+08:00) 2012-06-11 10:04:36       CRI

Mula ika-5 hanggang ika-7 ng buwang ito, nagsagawa si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ng dalaw pang-estado sa Tsina at dumalo sa ika-12 Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO). Ito ang kanyang kauna-unahang pagdalaw sa Tsina pagkatapos ng kanyang panunumpa sa tungkulin noong nagdaang buwan.

Bukod dito, sa huling hati ng taong ito, mahahalal ang bagong liderato ng bansang Tsina. Magkahiwalay na nakipagtagpo sa Beijing si Pangulong Putin kina Xi Jinping, napipisil na kapalit ni Pangulong Hu Jintao, at Li Keqiang, napipisil na kapalit ni Premyer Wen Jiabao. Kaya ang pagdalaw ni Pangulong Putin ay magpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at Rusya para itakda ang direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Noong unang araw ang pagdating ni Putin sa Tsina, opisyal na itinatag ang pundasyon ng pamumuhunan na magkasamang itinaguyod ng China Investment Corporation (CIC) at Russian Direct Investment Fund (RDIF) para mamuhunan sa mga proyektong komersiyal sa Rsuya at mga bansa ng Commonwealth of Independent States (CIS) at mga proyekto ng Tsina na may kinalaman sa Rusya.

Pagkatapos ng 4 na oras na pag-uusap nina Hu at Putin, nilagdaan ng dalawang bansa ang 11 kasunduang pangkooperasyon sa mga larangan ng enerhiya, industriya, turismo, impormasyon, at pamumuhunan.

Ang ganitong mga kasunduan ay magpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at Rusya sa kabuhayan sa hinaharap. Dahil kumpara sa mahigpit na relasyong pulitikal ng Tsina at Rusya, hindi kalakihan ang palitan ng dalawang bansa sa kabuhayan at kalakalan.

Pagkatapos ng pag-uusap, sinabi ni Hu na naniniwala siyang sa taong 2015, ang kabuuang bolyum ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa ay aabot sa 100 bilyong dolyares at ang nasabing bolyum ay aabot sa 200 bilyong dolyares sa taong 2020.

Ipinahayag ni Pangulong Putin na tinatanggap ng kanyang bansa ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina at ang paglahok nila sa konstruksyong pangkabuhayan ng Rusya.

Sa katotohanan, mula sa malaking delegasyon na pinamumunuan ni Putin, kapuna-punang ito ay nilalahukan ng halos lahat ng mga mataas na opisyal at importanteng mangangalakal sa kabuhayan at enerhiya.

Liban sa kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at Rusya, ang pagdalaw ni Putin ay nagpasulong din ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap.

Pagkatapos ng pag-uusap ng mga lider ng Tsina at Rusya, lumagda ang dalawang bansa sa magkasanib na pahayag para ibayo pang palalimin ang komprehensibong estratehikong partnership. Ito ang nakapaglatag ng pundasyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap.

Kahit noong panahon ng Cold War, hindi maganda ang bilateral na relasyon ng Tsina at Unyong Sobiyet, kinilala ngayong ng Tsina at Rusya na sa ilalim ng kasalukuyang kalagayang pandaigdig, ang kooperatibo at matatag na bilateral na relasyon ay nakakabuti sa dalawang bansa.

Halimbawa sa mga isyung panrehiyon na gaya ng isyung nuklear ng Iran at Korean Peninsula, at isyu ng Syria, Afghanistan, at maging ng South China Sea, mas malapit ang paninindigan sa pagitan ng Tsina at Rusya kumpara sa paninindigan nila sa mga bansang kanluranin na gaya ng Pransya, Alemanya, Britanya at Estados Unidos (E.U.).

Bukod dito, ang kooperatibong relasyon ng Tsina at Rusya ay gumanap ng malalaking impluwensiya sa mga mainit na isyung panrehyong. Sa ika-12 summit ng SCO, napabilang ang Afghanistan sa mga bansang tagamasid. Bukod dito, inulit din ng dalawang bansa ang kanilang paninindigan sa mga isyu na gaya ng Syria at Iran. Ito ang nagpapakita ng kanilang nagkakasundong posisyon sa mga isyung panrehiyon.

Ang bilateral na relasyon ng Tsina at Rusya ay hindi nasa unang puwesto sa kani-kanilang diplomatikong estratehiya. Bilang dalawang malalaking bansang panrehiyon, ang pokus ng Rusya ay nasa Europa at Gitnang Silangan, pero ang Tsina ay nakatuon naman, pangunahin na, sa Silangang Asya at South China Sea.

Kahit natapos na ang Cold War, nananatili pa rin ang impluwensiya nito. Bilang isa sa mga pinakapangunahing bansa sa Europa sa kasaysayan, di kalakasan ang impluwensiya ng Rusya sa Europa kumpara sa impluwensiya nito sa kasaysayan. Ito ay pinalitan ng Pransya at Alemanya sa pamumuno sa Europa. Bukod dito, may hidwaan ang Unyong Europeo (EU) at Rusya sa pagsuplay ng natural gas at pagpapalawak ng North Atlantic Treaty Organization patungo silangan.

Para sa Tsina, kahit mahigpit ang relasyong pangkabuhayan nila sa Estados Unidos at mga bansang Asya na gaya ng Hapon, Timog Korea, at mga bansang ASEAN, kinakaharap din ng Tsina ang presyur ng pagbabalik muli ng E.U. sa Asya at mga hidwaan nila ng mga bansang Asyano sa hangganan na gaya ng Diaoyu Island at South China Sea.

Dahil dito, madaling nakikita ng Tsina at Rusya ang nagkakasundong posisyon sa mga isyung kani-kanilang pinahahalagahan at madali ding mabawasan ang hidwaan at masamang kompetisyon sa naturang mga isyu.

Tulad ng sinabi ni Pangulong Putin sa People's Daily, opisyal na pahayagan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na madaling hanapin ng Tsina at Rusya ang nagkakaisang posisyon at magkasama nilang babalangkasin ang estratehiya at plano.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>