Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Hong Kong, ika-15 anibersaryo ng pagbabalik sa inang bayan

(GMT+08:00) 2012-07-02 17:54:03       CRI

Ang unang araw ng Hulyo ng taong 2012 ay ika-15 anibersaryo ng pagbabalik ng Hong Kong sa Tsina. Nitong nakaraang 15 taon, kinaharap ng Hong Kong ang mga malaking hamon sa pag-unlad na gaya ng krisis pinansiyal noong 1998 at epidemya ng SARS noong 2003. sa kabila ng mga ito, nananatiling maganda ang pag-unlad ng kabuhayan ng Hong Kong at matatag ang lipunan.

Noong gabi ng unang araw ng Hulyo, 2012, nag-fire work sa Hong Kong bilang pagdiriwang sa ika-15 anibersaryo ng pagbabalik ng Hong Kong sa Tsina.

Ayon sa estadistika, ang GDP ng bawat taga-Hong Kong ay umaabot sa 35 libong US dolyares, mula 25 libo bago ang taong 1997. Ang Hong Kong ay itinuturing na pinakamalayang ekonomiya sa buong daigdig nitong nagdaang 15 taong singkad. Lumalakas din ang papel at katayuan ng Hong Kong bilang isa sa mga sentro ng pinansiya, pandaigdigang paglalayag at negosyo.

Sa katotohanan, sumusulong din ang turismo ng Hong Kong dahil mabilis na dumarami ang mga turista na galing sa ibang lugar ng Tsina at ang mga turista ay nagpapasulong ng paglaki ng konsumo nito.

Ang naturang pangyayari ay nagbunga ng mahigpit na kooperasyon at pag-uugnayan ng Hong Kong at ibang mga lugar ng Tsina. Isinapubliko din ng sentral na pamahalaan ang mga patakaran at hakbangin para mapasulong ang pag-unlad ng Hong Kong.

Sa katotohanan, sa panahon ng ika-15 anibersaryo ng pagbabalik ng Hong Kong sa inang bayan, isinapubliko ng pamahalaang Tsino ang mga patakaran sa pinansiya, RMB exchange, at turismo para ibayo pang pahigpitin ang kooperasyon sa pagitan ng Hong Kong at mainland ng Tsina, at pasulungin ang pag-unlad ng Hong Kong.

Si Pangulong Hu Jintao ng Tsina (sa giina), mga opisiyal at artista ng Hong Kong at mainlad Tsina ay magkakasamang pagdiriwang sa ika-15 anibersaryo ng pagbabalik ng Hong Kong sa Tsina.

Para sa Tsina, ang katuturan ng pagbabalik ng Hong Kong ay nagpapatotoo sa patakarang isang bansa dalawang sistema na iniharap ni Deng Xiaoping, dating lider ng Tsina. Ang mga karanasan ng pagsasagawa ng naturang patakaran ay nakapaglatag ng pundasyon sa teorya hinggil sa mapayapang paglutas ng isyu ng Taiwan.

Sa isa pang dako, ang Hong Kong ay napakahalaga para sa pagbubukas ng Tsina sa labas, lalo na sa larangang pinansiyal at pagiging internasyonal ng Chinese Yuan o RMB.

Ang Tsina ngayon ay ang ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig. May mga malalaki at modernisadong lunsod na gaya ng Beijing, Shanghai, at Shenzhen. Mainit ding tinatanggap ang RMB sa pamilihang pandaigdig. Halimbawa, direktang gagamitin ng Tsina at Hapon ang kani-kanilang pera sa pagkukuwenta ng bilateral na kalakalan, at gusto rin ng mga bangko sentral ng iba't ibang mga bansa na bumili ng RMB bond.

Sa pamilihan ng mainland ng Tsina, ang mga pagpapalitang pinansyal sa labas ay inilimitahan dahil sa umiiral na sistemang pulitikal at pakataran. Pero sa Hong Kong, dahil sa mahalagang katayuan nito sa pandaigdigang pinansiya at mas maayos at bukas na patakaran, walang sabagal na kinakaharap ang Hong Kong sa larangang ito.

Masasabing ang Hong Kong ay plataporma ng pagpapalagayan ng industriyang pinansiyal ng Tsina sa labas, at pagiging internasyonal ng RMB.

Sa ibang mga larangan, kasunod ng pag-unlad ng mainland ng Tsina, dumarami ang mga taga-Hong Kong na pumupunta sa ibang mga lugar ng Tsina para mamuhay at magtrabaho. Halimbawa sa mga kompanya, mga pamantasan at kolehiyo, lalo na sa mga pelikula at TV drama. Dumarami rin ang mga tao sa mainland na galing sa Hong Kong.

Magkakasamang naglalaro ang mga batang taga-Hong Kong at mga babaeng kawal na Tsino.

Kasabay nito, marami ring mga mamamayan mula sa mga probinsya ng Tsina ang pumupunta sa Hong Kong para mag-aral at magtrabaho. Ayon sa isang kasunduan na nilagdaan kamakailan sa pagitan ng departamento ng edukasyon ng Hong Kong at sentral na pamahalaan. Dumarami ang pagkakataon ng mga guro at estudyante ng mga pamantasan at kolehiyo ng Hong Kong at ibang mga lugar ng Tsina na magsagawa ng pagpapalitan at pansamantalang pag-aaral sa mga paaralan ng isa't isa.

Bukod dito, ang mga mabisang hakbangin at sistema ng Hong Kong sa pagpigil ng korupsyon at pagtaas ng episyensya sa administrasyon ay magagandang karanasan para sa mga lokal na pamahalaan ng mainland ng Tsina.

Sa katotohanan, ang pagpapalitan at pagpapalagayan ng mga tao na namumuhay sa dalawang uri ng sistemang panlipunan ay magandang paraan para mapasulong ang pag-unlad ng buong bansa.

Nagprotesta ang mga taga-Hong Kong sa iligal na panganganak ng mga babae na galing sa mainlad China.

Walang duda, sa proseso ng pagpapalagayan, lumilitaw din ang mga problema. Halimbawa ang mga turista na galing sa mainland ay nagdulot din ng mga problema sa pamumuhay ng mga taga-Hong Kong na gaya ng iligal na panganganak, mga masamang kaugalian at labis na pagbili ng mga pang-araw-araw na kagamitan na gaya milk powder.

Kahit nagbibigay ng mga tulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng Hong Kong ang sental na pamahalaan nitong 15 taong nakalipas, kasama na ang pagsusuplay ng halos lahat ng mga karne at prutas at karamihan ng tubig-inumin sa mababa at karaniwang presyo, kung papaano mapapalalim ang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga taga-Hong Kong at mamamayan ng ibang mga lugar ng Tsina ay isa pa ring hamon.

Kaya sa panahon ng ika-15 anibersaryo ng pagbabalik ng Hong Kong sa Tsina, ang ibayo pang pagpapasulong ng katatagan at kaunlaran ng Hong Kong at pagpapalalim ng pagkakaunawaan ng mga Taga-Hong Kong at mga mamamayan ng ibang lugar ng Tsina, ay isa pa ring hamon para sa bagong pamahalaan ng Hong Kong at mga liderato ng Tsina, lalo na sa maihahalal na liderato ng sentral na pamahalaan sa huling hati ng taong ito.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>