Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Isyu ng Xijiang ng Tsina

(GMT+08:00) 2012-07-08 21:18:31       CRI

Muling nakatawag ng pansin ng daigdig ang Xinjiang ng Tsina dahil sa insidente ng paghaydiyak ng isang eroplano na naganap noong ika-29 ng nagdaang Hunyo.

Ang nasabing insidente ay naganap sa flight GS7554 habang lumilipad mula Hetian papunta sa Urumqi, punong lunsod ng Xinjiang. Ayon sa imbestigasyon na isinagawa ng panig pulisya ng Tsina sa mga pasahero ng eroplano at 6 na nadakip na haydiyaker, ang layunin ng panghahaydiyak ay magsagawa ng umano'y Yijilate o "Banal na Digmaan," sa sandaling lumabas sa hanggahan ng bansa ang eroplano.

Islamic temple sa Xinjiang

Ang rehiyong awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ng Tsina ay nasa dakong kanluran ng bansa. Ayon sa estadistika ng population census noong 2009, ang populasyon ng lahing Uygur na nananampalataya sa Islam ay katumbas ng 46.42% ng kabuuang populasyon sa Xinjiang, samantalang ang populasyon ng lahing Han, pangunahing lahi ng Tsina, ay katumbas ng 38.99% ng kabuuang populasyon doon.

Maliban sa nasabing insidente, sapul nang naganap ang marahas na insidente sa Urumqi noong ika-5 ng Hulyo ng taong 2009, ang isyu ng Xinjiang ay nakatawag ng pansin sa loob at labas ng Tsina. Halimbawa, kinakaharap ng Xinjiang ang banta ng terorismo at seperatismo, ang pangunahing teroristikong organisasyon na nagbabanta sa kaligtasan ng Xinjiang ay ang Eastern Turkistan Islamic Movement na naitatag noong 1997. Ang target nila ay maitayo ang isang Islamikong bansa sa Xinjiang na may pagsasama ng pulitika at relihiyon. Ang isa pang organisasyon na naglalayong ihiwalay ang Xinjiang at Tsina ay ang World Uyghur Congress (WUC) na naitatag noong 2004.

Bukod sa mga naturang organisasyong teroristiko at seperatistiko, ang isyu ng pangangalaga sa tradisyonal na kultura ay isa ring isyu na pinapansin ng ibang mga bansa. Sa katotohanan, ang isyung panloob ay pangunahing hamon para sa katularan at katatagan ng Xinjiang.

Isang matadang Uygur

Sapul nang itatag ang People's Republic of China, isinasagawa ng sentral na pamahalaan ang patakaran ng pagkakapantay-pantay ng mga lahi ng Tsina, rehiyonal na pambansang awtonomiya ng mga pambansang minorya, at pangangalaga at pagpapaunlad ng mga tradisyonal na kultura ng mga pambansang minorya.

Simula noong nakaraang mahigit 60 taon, ang naturang pakataran ay gumaganap ng malaking papel sa pagpawi ng kontradiksyon at di-pagkakaunawaan sa pagitan ng lahing Han at mga minorya, sa pagitan ng iba't ibang minorya, at pagkakatatag ng nagkakaisang posisyon sa national identity. Bukod dito, inilaan ng pamahalaang Tsino ang mga pondo at bagay para tulungan ang pag-uland ng kabuhayan at pagbuti ng pamumuhay ng mga pambansang minorya.

Mga tradisyonal na miryenta ng lahing Uygur

Sa Xinjiang, pantay-pantay ang pagkakataon ng lahing Han at Uygur sa pagtaas ng posisyon sa mga departamento ng pamahalaan. Naglagay din ng mga kurso tungkol sa lenguwahe ng Uygur at tradisyonal na kultura sa mga paaralan para sa mga Uygur na estudyante. Naglaan din ng pondo ang pamahalaan para mapangalagaan ang mga tradisyonal na kultura at pamanang pangkultura. Sa katotohanan, ang pamumuhay, trabaho, at iba pang mga isyung panlipunan ng mga Uygur ay tumatanggap ng mas malaking pagpapahalaga ng pamahalaan.

Kahit ganoon, kinakaharap pa rin ng Xinjiang ang mga problema, at ang ganitong problema ay madaling nakakatawag ng hidwaan sa pagitan ng iba't ibang lahi. Bakit?

Unang una, kasunod ng pagbubukas ng Tsina sa labas, mas madaling pumasok sa mga lugar sa dakong Silangan ng Tsina na gaya ng Shanghai, Zhejiang, at Jiangsu, ang mga dayuhang pamumuhunan, modernong karanasan, teknolohiya, at ideya, kaysa mga lugar sa kanluran na kinabibilangan ng Xinjiang at Tibet. Ang Xinjiang ay lugar na pinagmumulan ng mga yamang gaya ng langis, bulak, prutas, etc, na kailangan para sa proseso ng intergrasyong pangkabuhayan ng mga nabanggit na lugar sa silangan ng Tsina. Ito ay maihahalintulad sa mga bansa sa Aprika at Timog Amerika na nagiging lugar na pinagsisimulan ng mga yaman at pamilihan ng mga produkto ng mga maunlad na bansa.

Mga babaeng Uygur

Kaya, mas mabilis na umuunlad ang mga lugar sa dakong silangan ng Tsina at lumalaki ang agwat sa pagitan ng mga naturang lugar at Xinjiang. Kumpara sa panahon ni Chairman Mao na may kahirapan, subalit pantay-pantay ang iba't ibang lugar ng buong Tsina, ang kasalukuyang kalagayan ay madaling nagdulot ng kalungkutan sa mga Uygur.

Sa larangan ng mga patakaran ng pamahalaan, kailangang isagawa ang mga pagsasaayos para matugunan ang kasalukuyang kalagayan. Ang umiiral na patarakaran ng Tsina hinggil sa mga lahi ay malalim na naapektuhan ng patakaran ng dating Unyong Sobyet. Ayon dito, ang pamahalaan ay magsasagawa ng pagtatakda ng identidad ng iba't ibang lahi.

Sa katotohanan, ang naturang mga patakaran ay nagdulot, sa isang dako, ng pagkilala ng mga lahi sa kanilang sariling identidad, at mabisang pangangalaga sa kanilang tradisyonal na kultura. Sa kabilang dako, dahil ang lahing Han ang pangunaing lahi sa buong Tsina, na katumbas ng mahigit 91% ng buong populasyon, ang paggigiit ng sariling kultura at katangian ng mga Uygur ay nagsisilbing sabagal sa kanilang integrasyon sa pangunahing bahagi ng lipunang Tsino.

Halimbawa sa mga departamento at organisasyon na ari ng estado, gaano man kaunti ang mga Uygur at ibang mga taong nananampalataya sa Islam, dapat may espesyal na lugar sa kantin para igalang ang kanilang kaugalian sa pagkain. Sa tingin ko, ang mga lugar na pampubliko ay isang plataporma para sa pagpapalitan at pagpapalagayan ng iba't ibang tao, kung maitatatag ang isang espesyal na lugar para sa iilang tao, ito ay hindi nakakabuti sa kanilang pakikipag-ugnayan sa karamihan ng mga tao.

Bukod dito, para sa mga batang Uygur, dapat silang mag-aral ng sariling wika. Walang duda, ito ay nakakabuti sa pangangalaga ng kanilang kultura. Sa kabilang dako, dapat din silang mag-aaral ng mandarin para mas madali silang makipag-usap sa ibang mga bata at mas maginhawang paghahanap ng trabaho sa ibang lugar sa labas ng Xinjiang, dahil ang mandarin ang pambansang wika ng Tsina.

Kung ganoon, mas mabigat ang presyur ng pag-aaral para sa mga batang Uygur. Bukod dito, ang pagkakaiba sa wika ay hindi nakakatulong sa pagpapatibay ng relasyon sa ibang lahi, lalo na sa lahing Han.

Kahit may pagpuna sa patakaran ng Tsina hinggil sa lahing Uygur, sa tingin ko, kasunod ng proseso ng pag-unlad ng Tsina at intergrasyon ng iba't ibang kultura, kinakaharap ng umiiral na patakaran ng Tsina sa mga lahi ang mga bagong hamon., Sa isang dako, dapat igalang at pangalagaan ng pamahalaang Tsino ang sariling katangian ng kultura ng iba't ibang lahi, habang pinapangalagaan din ang nukleo ng pangunahing kultura ng bansa at katatagan ng buong lipunan.

Para naman sa mga Uygur, ang pangunahing hamon ay dapat makisangkot sila sa proseso ng pag-unlad ng Tsina, at sabayang panatilihin ang sariling kultura. Ibig-sabihin, dapat nilang tanggapin ang pangunahing kultura ng Tsina, batay sa sariling kultura.

Bakc to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>