Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Sistema ng pamahalaang Tsino sa pagsusuri sa mga video

(GMT+08:00) 2012-07-16 10:50:23       CRI

Kamakailan sa Tsina, may dalawang balita na nakatawag ng pansin ng lipunan. Una, inutos ng pamahalaan sa mga website na suriin ang mga sariling video bago isahimpapawid. Ito ay batay sa bagong tadhana na itinakda ng State Administration of Radio, Film and Television ng Tsina (SARFT) noong ika-10 ng buwang ito para mapigilan at kanselahin ang mga video na may nilalamang marahas, pornograpiko at ibang mga masamang bagay bago ilagay sa website.

Nauna rito, sa isang programa noong ika-9 ng buwang ito hinggil sa mga kilalang estatuwa noong panahon ng European Renaissance (mula ika-14 hanggang ika-17 siglo), inilagay ng CCTV, national TV Station ng Tsina, ang mosaic sa genital ng estatuwang "David" na inililok ni Michelangelo di Lodovico.

David ni Michealangelo, tinakpan ng mosaic ng CCTV

Bakit ang naturang dalawang insidente ay nakatawag ng pansin ng lipunan? Sa tingin ko, ito ay may kinalaman sa sistema ng pagsusuri sa mga programa ng media ng pamahalaang Tsino.

Ayon sa batas, ang kapangyarihan ng pagsusuri sa mga video ng media ay nabibilang sa SARFT, pero ang pagbalangkas ng mga tadhana hinggil sa nilalaman ng naturang mga programa ay may kinalaman din sa ibang mga departamento na gaya ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, Ministri ng Kultura, at lalung-lalo na ang Ministri ng Teknolohiya ng Industriya at Impormasyon (MIIT), dahil ang teknolohiya ng internet at mobile na mga aparato ay pinapangasiwaan ng MIIT.

Base sa ating nabanggit, anong departamento ang namumuno sa pagsusuri sa mga programa ng media?

Tulad ng sinabi ko kanina, kahit ang lahat ng mga media ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng SARFT, ang pagsusuri sa nilalaman ng mga video at pangangasiwa sa mga bagong paraan ng pagsasahimpapawid na gaya ng website at mobile phone ay may kinalaman sa ibang mga departamento.

Mga popular na TV drama ng E.U. sa Tsina

Ikalawa, hindi malinaw ang mga tadhana hinggil sa maaaring lamnin ng mga video. Walang duda, bawal isahimpapawid ang mga video na may nilalamang marahas, pornograpiko at ibang mga masamang bagay. Pero, ano ang maliwanag at masusing pamantayan sa naturang mga bagay sa iba't ibang uri ng programa? Halimbawa, ang tagpo ng pagpatay sa libu-libong tao. Kung kakanselahin ang lahat ng ganitong uri ng tagpo sa mga programa, mawawala talaga ang mga war film, di ba?

Ang isa pang umiiral na isyu ngayong sa Tsina ay walang video rating system. Ayon sa tadhana ng SARFT, ang lahat ng mga video pgrogram, na kinabibilangan ng pelikula, TV drama at ibang mga video sa website, ay hindi dapat magtaglay na anumang masamang bagay para sa mga manonood ng iba't ibang henerasyon. Kaya hindi madaling naiintindihan kung bakit inilagay ng CCTV ang mosaic sa estatuwang "David".

this file can not be opened

Sa katotohanan, dapat magkaiba ang pamantayan ng mga video para sa mga bata at maygulang. Ito ay isang nagkakaisang palagay ng buong lipunan, at ang iba't ibang uri ng mga video ay nakatugon sa iba't ibang sektor ng mga tao sa iba't ibang henerasyon.

Kung isasakatuparan nang mahigpit ang nabanggit na tadhana ng SARFT, masasabing magiging pareho talaga ang nilalaman ng lahat ng mga video na pinanonood ng mga bata at maygulang.

Walang duda, ang rating system ng ibang mga bansa ay hindi maaring pigilan ang panonood ng mga bata ng mga video na hindi mabuti at angkop sa kanila. Pero ito ang nagpapatatag ng isang maliwanag na sistema ng pagsusuri at pagpigil sa mga masamang nilalaman ng video at ito rin ang nagiging dahilan ng pagbalangkas ng mga mabisang katugong hakbangin.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>