|
||||||||
|
||
Ngayon ay patuloy na nagiging popular sa Weibo, Chinese social media na parang twitter, ang 3 dayuhan dahil sila ay nagboluntaryo bilang "Chengguan" o urban management officer sa Hefei, punong lunsod ng lalawigang Anhui ng Tsina.
Ang "Chengguan" o urban management officer ay itinuturing na mga kawani ng City Urban Administrative and Law Enforcement Bureau, departamento ng mga pamahalaang lokal ng Tsina. Sila ang namamahala sa pagsasakatuparan ng mga batas at tadhana hinggil sa pangangasiwa sa lunsod para mapangalagaan ang kaayusan. Ito ay katumbas ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Pilipinas.
Bago ang trabaho, ang 3 dayuhang estudyante ay pinalitan ng uniform ng "Chengguan"
Ang nabanggit na 3 dayuhan ay mga estudyante na galing sa Timog Aprika, Gitnang Aprika at Afghanistan, at nag-aaral ng wikang Tsino sa Anhui University. Sila ay nagtatrabaho, kasama ng ibang mga urban management officer ng Hefei, nang isang araw sa kanilang summer vacation sa Tsina.
Si Qin Bo from the South Africa volunteer as unban management officers in Hefei, Anhui province on July 14.
Walang duda, ang kanilang pagiging sikat sa Tsina ay nagmula sa Weibo at ang pagbubukas ng Tsina sa labas. Ito ang nagkaloob ng pagkakataon sa kanila upang maglingkod sa isang sangay ng pamahalaan na nangangasiwa sa isang lunsod ng Tsina.
Bukod pa riyan, ang isyu ng "Chengguan" ay madalas na nakakatawag ng mainit na pansin ng buong lipunan ng Tsina nitong ilang taong nakalipas. Kasi ang isyung ito ay may kinalaman sa dalawang larangan na gaya ng pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga socially vulnerable groups, at paglimita sa kapangyarihan ng mga "Chengguan".
Tulad ng alam ng lahat, mabilis na umuunlad ang mga lunsod ng Tsina, at ang pangangasiwa sa mga lunsod ay nagiging lumalaking hamon para sa mga pamahalaang lokal. Kaya upang mas mabisang mapangalagaan ang kaayusan at kaunlarang panlunsod, itinatag ang City Urban Administrative and Law Enforcement Bureau sa mga lunsod.
Ang naturang 3 dayuhang "Chengguan" ay nasa trabaho
Sa proseso ng pagsasagawa ng mga "Chengguan" ng kanilang tungkulin, ang pangunahing isyu na pinansin ng buong lipunan ay ang kanilang pangangasiwa sa mga small retailer sa tabi ng kalye, lalo na iyong mga walang lisensya.
Kahit mabilis ang pag-unlad ng mga lunsod ng Tsina at lumitaw ang mga malalaking lunsod na gaya ng Beijing, Shanghai, at Guangzhou, ang mga small retailer ay nagkakaloob pa rin ng mga murang pang-araw-araw na gamit, pagkain, prutas at gulay para sa mga karaniwang residente ng lunsod, mga migrant workers na mula sa kanayunan at mga mamamayang maliit ang kita.
Ang halos lahat ng mga small retailers ay galing sa mga kanayunan at hindi marangya ang kanilang pamumuhay. At dahil mataas ang upa ng bahay at mga istandard ng pagkuha ng lisensya, ang halos lahat ng mga small retailer ay nagtitinda sa tabi ng kalye at ang ilan sa kanila ay hirap makakuha ng lisensya.
Sa isang dako, ito ay malaking kabawasan sa gastos ng mga small retailer, pero, madalas silang lumalabag sa mga tadhana ng pamahalaan at nag-iiwan ng mga basura pagkatapos nilang magtinda. Ibig-sabihin, sa kabila ng mga ito, dapat panatilihin ng pamahalaang lokal ang pagpapanatili ng kaayusan, kalinisan at kaligtasan ng lunsod.
Dahil dito, binuo ng pamahalaang lokal ang mga urban management officers, o tinatawag na "Chengguan" sa mandarin, para isakatuparan ang mga may kinalamang tadhana. Pero sa proseso ng pagsasagawa ng mga "Chengguan" ng kanilang tungkulin, lumilitaw ang mga problema.
Una, bilang isang bagong sibol na bagay sa mga lunsod ng Tsina, hindi talaga kompleto ang mga tadhana hinggil sa kapangyarihan at obligasyon ng mga "Chengguan." Sa kabilang dako, hindi mainam ang gawain ng pamahalaan sa pagpapalaganap ng mga impormasyon hinggil sa mga "Chengguan" sa buong lipunan, lalo na sa mga small retailers. Ibig-sabihin, habang nagaganap ang mga hidwaan sa pagitan ng mga "Chengguan" at small retailers, hindi alam ng mga small retailers kung papaano lutasin ang hidwaang ito sa pamamagitan ng legal na paraan.
Ikalawa, kahit ang mga "Chengguan" ay namamahala lamang sa mga saligang suliranin ng pangangalaga sa kaayusan, kalinisan at kaligtasan ng lunsod, at hindi masyadong malakas ang kanilang puwersa kumpara sa panig pulisya at ibang departamentong may malakas na kapangyarihan.
Mas malakas sila kumpara sa mga small retailers. Tulad ng sinabi ko kanina, ang halos lahat ng mga small retailers ay galing sa kanayunan at hindi marangya ang kanilang pamumuhay. Ibig-sabihin, sila ay nabibilang din sa socially vulnerable groups sa lunsod.
Ngayon sa Tsina, mas malakas ang kapangyarihan ng pamahalaan at hindi ito service-oriented government, kaya sa proseso ng pagsasagawa ng trabaho ng mga "Chengguan," madalas na lumlitaw ang mga problemang gaya ng marahas na artityud, at kakulangan sa pag-uugnayan at pagpapaalam ng mga tadhana sa mga small retailers.
Sa katotohanan, ang mga insidente ng paglalaban ng mga small retailers sa mga "Chengguan" nitong ilang taong nakalipas ay nagmula sa mga pagkakamali ng mga "Chengguan" sa proseso ng pagsasagawa ng kanilang tungkulin.
Dahil sa pagbibigay ng mga mamamayang Tsino ng mas malaking pansin sa katarungan at pagkakapantay-pantay ng lipunan, ang pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga socially vulnerable groups na gaya ng small retailers at pag-iistandardisa sa aksyon ng pamahalaan ay nagiging mainit na isyung panlipunan.
Sa kabilang dako, kasunod ng pag-unlad ng media ng Tsina, lalo na ng social media na gaya ng Weibo, nagiging mas madaling kumakalat ang mga impormasyon. Kaya kapag naganap ang naturang mga insidente, agarang kumakalat ito sa buong lipunan sa pamamagitan ng internet.
Kaya kaugnay ng balita sa 3 dayuhang estudyante na naging boluntaryo bilang "Chengguan," ang mas mahalaga ay maging bukas at istandardisado ang mga trabaho ng "Chengguan" para mas mabisang mapangalagaan ang kaligtasan, kalinisan at kaayusan ng lunsod at ang karapatan ng mga socially vulnerable groups na gaya ng small retailers.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |