Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Katuturan ng pag-aasawa ni Kim Jong Un

(GMT+08:00) 2012-07-29 20:36:00       CRI

Kamakailan ay nakatawag ng pansin ng buong daigdig ang Hilagang Korea, dahil ang kanilang bagong lider na si Kim Jong Un ay nag-asawa.

Ayon sa ulat, ang asawa ni Kim na nagngangalang Ri Sol Ju, at nanganak ng isang babae noong 2010. Kahit walang ibang mga detalya hinggil kay Ri, naiulat na siya ay isang kilalang mang-aawit, isinilang sa isang karaniwang pamiliya sa Pyongyang at nag-aral minsan sa Tsina.

Ayon sa tradisyonal na ideya ng mga bansang Asyano na may malalim na impluwensya ng prinsiyo ng Confucius, ang pag-aasawa ay mahalagang palatandaan para sa isang lalaki na siya ay nasa hustong gulang na at maari ng isabalikat ang responsibilidad sa pamilya at bansa. Ang pagkakaroon ng anak ay palatandaan naman na may kakayahan na ang isang lalaki sa pagpapatuloy ng kanyang angkan, ito ay mas mahalaga para sa lider ng isang bansa na minamana ang kapangyarihan tulad ng emperador at hari ng mga piyudal na bansa noong unang panahon.

Ang Hilagang Korea ay isang saradong bansa pero may malakas na sandatahang nuklear, ang anumang impormasyon hinggil sa lider ng bansang ito ay nakakatawag ng pansin ng daigdig, dahil ito ang pangunahing paraan para malaman ang patakaran ng bansang ito sa pag-unlad at diplomasya.

Ang isa pang dahilan ng pagbibigay-pansin ng daigdig sa pag-aasawa ni Kim ay ang umiiral na pagduda sa katatagan ng awtoridad ni Kim. Bilang isang batang lider, hindi pa nakakaranas ng pagsubok ang kakayahan ni Kim sa pagpapatatag ng kalagayang panloob, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pagpapasulong ng kabuhayan, at pagharap sa papuna ng mga kanluraning bansa sa karapatang pantao at demokrasya.

Kahit ang mga kilos ni Kim Jong Un na gaya ng paglabas ng kanyang asawa sa publiko ay nagkakaiba sa kanyang tatay, yumaong dating lider na si Kim Jong Il, na mahilim sa impormasyon hinggil sa asawa. Ang kapangyarihan ng batang Kim ay nagpasalin-salin mula sa kanyang lolo na si Kim Il Sung, tagapagtatag ng bansang ito, at mula kay Kim Jong Il.

Kaya kumpara sa kanyang tatay na seryoso at mahigpit na istilo sa pangangasiwa sa bansa, ang kilos ni Kim Jong Un ay tulad sa kanyang lolo na mabait, mapagkaibigan at bukas sa mga mamamyan.

Ang mga kilos ni Kim Jong Un, na gaya ng panonood ng palabas ng Mickey Mouse, at pop music, pagbisita sa mga kindergarten at pagsang-ayon sa pagsuot ng mga babae ng mga magagandang damit na ipinagbawal noong panahon ng kanyang tatay ay kaparehas sa pamamalakad ng kanyang lolo noong ilampung taong nakararaan. Dahil ang kanyang lolo na si Kim Il Sung ay mainit na tinatanggap at kinakatigan ngayon ng mga mamamayan ng Hilagang Korea at mga iligal na tumatakas sa ibang bansa.

Sa isa pang isyu ay mahina ang pundasyon ni Kim Jong Un sa pamumuno ng bansa. Bata pa siya bilang isang lider at wala pang karanasan. Kumpara naman sa kanyang tatay, maiksi ang panahon ng paghahanda niya para maging lider at bumuo ng sariling grupo ng mga tagasunod. Kaya malaki ang presyur para sa kanya na dulot ng mga nalalabing mataas na opisyal noong panahon ng kanyang tatay.

Dahil riyan, ang galaw ni Kim Jong Un, sa isang dako, ay nagpapakita ng kanyang pagsusunod sa istilo ng kanyang lolo, at nagpapahupa ng duda ng mga matandang opisyal sa kanyang batang edad; sa kabilang dako naman, ito ang itinuturing na pagtangka niya sa pagsasagawa ng reporma at pagbubukas ng bansa sa labas, para pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan at patatagin ang awtoridad ng bansang ito.

Alam ng buong daigdig na kinakaharap ng Hilagang Korea ang malaking kahirapan sa pag-unlad at hindi maganda ang pamumuhay ng mga karaniwang mamamayan, pero hindi alam ng daigdig ang aktuwal at tamang kalagayan ng bansang ito, dahil sarado ito sa labas.

Batay sa karanasan ni Kim Jong Un, alam niya ang tunguhin ng pag-unlad ng daigdig at tunay na impormasyon ng ibang mga bansa, at mayroong palagay na nais niyang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas. Pero ano ang kanyang patakaran at kailan ang pagsisimula ng mga patakaran, ito ay batay sa proseso ng kanyang pagkontrol sa buong bansa.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>