|
||||||||
|
||
Ngayon ay mainit na pinapansin ng buong daigdig ang London Olympic Games. Walang duda, ang isang olimpiyada ay may maringal na pestibal para sa mga tao sa buong mundo. Bukod sa magandang paglalaro ng mga atleta, ang diwa ng pagpupunyagi sa mga paligsahan, maski ang malungkot na resulta ay mahalagang bahagi ng Olimpiyada.
Bilang isang atleta, mahalaga talaga ang pagkakamit ng medalya, pero, kasing halaga rin nito ang pagtatamasa ng kasiyahan na dulot ng isport, at pagkaroon ng diwa ng pagpupunyagi sa paligsahan.
Walang duda, paganda nang paganda ang paglalaro ng mga atletang Tsino sa Olimpiyada. Noong 2008 Beijing Olympic Games, nakuha ng delegasyong Tsino ang 100 medalya at ang 51 sa mga ito ay medalyang ginto. Sa likod ng naturang mga tagumpay, naglaan ang pamahalaang Tsino ng maraming pondo para suportahan ang paglalaro ng mga atletang Tsino sa mga pandaigdigang kompetisyon.
Pero kumpara sa ibang mga atleta sa paligsahan na sabayang ini-enjoy ang kompetisyon , mukhang mas malaki ang presyur sa mga atletang Tsino. Pinag-uukulan nila ng mas maraming pansin ang pinal na resulta at hindi nainanamnam ang kasiyahan na dulot ng isport.
Kumpara sa mga malawak at popular na isport na gaya ng football, basketball, track and field, at mga popular na isport sa Tsina na gaya ng table tennis at badminton, ang ibang mga larong sinasalihan ng Tsina sa Olimpiyada ay suportado, pangunahin na, ng pamahalaang Tsino. Kung hindi maganda ang paglalaro ng mga atleta, maaapektuhan ang kanilang kita at pamumuhay. Kaya tuwing sila ay maglalaro sa paligsahan, malaki ang presyur na makakuha ng medalya.
Halimbawa, pagkatapos ng final game sa men's 56 kg weightlifting event, humiyaw at nalungkot ang manlalarong Tsino na si Wu Jingbiao, kasi siya ay nakakuha lamang ng ika-2 puwesto at hindi siya umabot sa inaasahang target na medalyang ginto.
Si Wu Jingbiao pagkatapos ng paligsahan
Ang isa pang hamon para sa naturang mga atletang Tsino ay kakulangan sa bukas, pantay-pantay at makatarungang paraan ng pagpasok sa national team, higit pa sa paglahok sa mga pandaigdigang paligsahan.
Palagiang pinpiili ng mga pamahalaang lokal ang mga matalinong bata at sinasanay sila sa mas maagang panahon. Pero, kaunti ang bilang ng mga manlalaro sa national team at mas kaunti ang bilang ng mga atleta, sa ngalan ng Tsina, na lumalahok sa mga pandaigdigang paligsahan.
Dahil sa kagustuhan ng pamahalaan, lalo na ng mga pamahalaang lokal ng Tsina, na magtagumpay sa Olimpiyada ang mga atletang mula sa kanilang mga probinsya, maraming panahon ang ginugugol ng mga ito sa mga isport na hindi masyadong popular sa loob at labas na bansa. Ito rin kasi ay may kinalaman sa pagtasa ng mga mas mataas na departamento ng pamahalaan sa kanilang mga gawain.
Dahil riyan, ang pagpili sa mga atleta sa national team ay hindi lamang batay sa kanilang kakayahan, mahalaga rin ang pagpapanatili ng balance ng pamahalaang sentral sa pagitan ng kahilingan at kakapanan ng iba't ibang pamahalaang lokal.
Halimbawa ang babaeng atletang Tsino na si Zhou Jun na kalahok sa weightlifting event ng London Olympic Games: hindi siya ang pinakamahusay na atletang Tsino sa naturang isport at wala siyang karanasan sa mga pandaigdigang paligsahan. Pagkatapos ng kanyang pagkabigo sa Olimpiyada, sinabi ni Ma Wenguang, Direktor ng Tanggapan ng pangangasiwa sa Weightlifting, Judo, at Wrestling ng General Administration of Sport ng Tsina, na ang pagpasok ni Zhou sa national team at sa olimpiyada ay batay sa kahilingan ng kawani ng palakasan ng lalawigang Hubei, sa halip na sariling pagpili ng national team.
Si Zhou Jun sa paligsahan
Bukod kay Zhou, bago ganapin ang bawat olimpiyada, palagiang lumilitaw ang ganitong isyu. Kung patuloy na makakuha si Zhou ng medalyang ginto sa Olimpiyada, hindi siya ay pag-uukulin ng negatibong pansin ng mga media ng Tsina.
Walang duda, ang Olimpiyada ay pinakamataas na pandaigdigang paligsahan, at ang medalyang ginto ay pinakamataas na karingalan para sa isang atleta. Pero, ang kasiyahan na dulot ng isport ay mahalaga at nakakaakit na bahagi ng Olimpiyada. Ginamit na ng Tsina ang malaking tagumpay sa Olimpiyada, ikinagagalak ng mga mamamayang Tsino ang mga ito. Pero sana kasabay ng patuloy na pagkakamit ng mga medalya ng mga atletang Tsino sa Olimpiyada, makapagkamit din sila ng kasiyahang dulot ng isport at Olimpiyada.
Back To Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |