|
||||||||
|
||
Sapul noong 2004 Athens Olympic Games, paganda nang paganda ang paglalaro ng mga atletang Tsino sa Olimpiyada, kahit na gaano karami ang mga medalya na nakuha ng mga atletang Tsino, ang tagumpay nila sa London Olympic Games ang pinakamaganda sa kasaysayan ng paglahok ng Tsina sa mga Olimpiyada na itinaguyod sa ibang bansa.
Bukod sa angking husay ng mga atletang Tsino, ang pagkatig at pagpapasulong ng pamahalaang Tsino sa larangan ng palakasan ay isa pang pangunahing dahilan ng gumagandang paglaro ng mga atletang Tsino sa Olimpiyada.
Kaugnay ng pamahalaang Tsino, ang direkta at isa sa mga pangunahing dahilan ay pinili at sinanay nito ang mga mahuhusay na atletang Tsino.
Dito sa Tsina, may mga sports school na pang-elementarya at pang-hayskul para hikayatin ang mga batang talagang magaling sa palakasan at sanayin sila mula sa panahon ng pagkabata. Kung magaling, papasok sila sa mga koponang panlunsod at panlalawigan na lumahok sa mga kompetisyon para ibayo pang pataasin ang kanilang kakayahan. Kung may sapat na karanasan at kakayahan, papasok sila sa national team.
Dahil sa 1.3 bilyong populasyon ng Tsina, madaling pumili ang pamahalaanan ng sapat na mahuhusay na atleta para lumahok sa Olimpiyada at ibang mga kompetisyong pandaigdig.
Walang duda, ang laang gugulin ng pamahalaan ay isa pang dahilan. Ayon sa opisyal na estadistika, noong 2011, ang laang-gugulin ng pamahalaang Tsino sa General Administration of Sport, departamento na namamahala sa palakasan, ay 1.5442 bilyong Chinese Yuan o RMB, nagkakahalaga ng mahigit 240 milyong US Dollars, ang budget ng pamahalaang Tsino sa industriya ng kultura, palakasan at media ay umabot sa 37.443 bilyong RMB o halos 6 na bilyong Dolyares, na katumbas ng halos 0.7% ng kabuuang budget.
Kumpara sa GDP ng Tsina at budget ng pamahalaang Tsino, masyadong maliit ang proporsyon ng pondo sa industriya ng palakasan. Ang pagsasagawa ng pamahalaang Tsino sa pagkatig at pagsulong ng industriya ng palakasan ay, pangunahin na, nagpapalaganap ng palakasan, naghihikayat ng pondo sa loob at labas ng bansa at pagpili at pagsasanay ng mga mahusay na propesyonal na atleta.
Ayon sa estadistika, ang kabuuang halaga ng industriya ng palakasan ng Tsina noong 2007 ay umabot sa 300 bilyong RMB o halos 47 bilyong Dolyares. Bukod dito, dumarami nang dumarami ang kilalang kompanya sa loob at labas na bansa na gaya ng Nike, Adidas, Puma, Li Ning, Peak, Anta at iba pa ang nahihikayat na suportahan ang mga paligsahan at atletang Tsino. Halimbawa si Liu Xiang, noong unang panahon ng paglahok niya sa paligsahan, mahina ang laang-gugulin ng Tsina sa ganitong uri ng isport at kulang sa karanasan sa pagsasanay, pero dahil sa kanyang magandang paglaro, gusto ng malaking dayuhang kompanya ang suportahan ang paglahok ni Liu sa mga kompetisyon sa ibang bansa para sumahin ang karanasan at pataasin ang kahusayan. Ang aksyon ni Liu ay kinakatigan din ng pamahalaang Tsino.
Ang magandang paglaro ni Liu sa Olimpiyada at ibang mga kompetisyon ay nagdulot ng malaking benebisyo para sa iyong kompanya at karangalan para sa Tsina.
Hindi lamang si Liu Xiang, sa mga event ng isports at atletang Tsino, nakikita ang tatak ng mga malalaking kompanya. Kaya sa larangan ng paghihikayat ng pamumuhunan, ang ginagawa ng pamahalang Tsino ay lumilikha ng bukas at magandang kapaligiran para patatagin ang kompiyansa ng mga kompanya sa pamilihang pampalakasan.
Para sa mga isports na hindi masyadong popular sa loob at labas na bansa, at kulang sa suporta ng mga malalaking kompanya, ang ginagawa ng pamahalaang Tsino ay naglalaan ng mas marami ng pondo kaysa mga mainit na popular na isport na gaya ng basketball, football, running, at track at field. Kasi sa naturang mga isport, madaling nakahikayat ang mga ito ng pamumuhunan.
Sa katotohanan, ang pondo ng pamahalaang Tsino sa larangan ng palakasan ay ginagamit, pangunahin na, sa pagpapalaganap ng palakasan at pagpili at pagsasanay ng mga batang atleta.
Ngayong sa Tsina, madalas na nakikita ang mga pasilidad ng ehersisyo sa lugar na pampubliko para makaakit ng pag-ehersiyo ng mga mamamayang Tsino sa kanilang malayang oras. Bukod dito, kinakatigan ng pamahalaang Tsino ang pagdaraos ng mga paligsahan ng iba't ibang departamento at samahang panlipunan para sa karaniwang tao lamang.
Dahil dito, gusto ng dumaraming Tsino ang isports na di sila dating pamilyar. Kaya gusto rin ng mga kompanyang mamuhunan sa larangang ito para palawakin ang impluwensiya sa mga mamamayang Tsino.
Kahit may mga puna sa pamahalaang Tsino sa pagpili at pagsasanay ng mga atleta, ang katotohanan ay paganda nang paganda ang paglaro ng mga atletang Tsino sa Olimpiyada at ibang mga kompetisyong pandaigdig. Sa kabilang dako, ang dumaraming mamamayang Tsino ay nagbibigay ng oras at pera sa ehersiyo at palakasan, hindi lamang dahil pinahahalagahan nila ang kanilang kalusugan, maging sa pagpapalaganap ng pamahalaan sa palakasan at magagandang paglaro ng atletang Tsino sa paligsahan.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |