Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Batang migrant wokers, nagdudulot ng hamon sa pag-unlad ng Tsina

(GMT+08:00) 2012-08-19 22:05:54       CRI

Sa kasalukuyan, malakas talaga ang ekonomiya ng Tsina at yumayaman ang karamihan sa mga mamamayang Tsino, pero mayroon pa ring isang malaking sector sa Tsina na hindi malaki ang pag-unlad ng pamumuhay.

Ang nasabing grupo ay tinatawag na "migrant workers" dito sa Tsina. Ang mga ito ay iyong mga magsasaka na lumisan sa kanilang bayan o probinsya upang magtrabaho sa mga lunsod, lalo na sa mga malalaking lunsod na gaya ng Beijing, Shanghai, Tianjin, Guangzhou, Shrenzhen, at iba pa. Ang karamihan sa kanila ay namamasukan sa mga "blue collar" jobs at minimum wage lamang ang tinatanggap na sahod.

Ang mga migrant workers ay nagbibigay ng malaking ambag sa proseso ng malibis na pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina nitong mahigit 30 taong nakalipas.

Unang una, sila ang nagkakaloob ng maraming murang trabaho. Kung babanggitin ang mga dahilan ng mabilis na paglaki ng kabuhayan ng Tsina noong nakaraang mahigit 30 taon, walang duda, ang mababang sahod ng mga manggagawang Tsino ay isa sa mga pangunahing dahilan.

Ikalawa, ito ang nagpapahupa sa presyur ng kawalan ng tabaho sa mga kanayunan ng Tsina, at nagpapataas din ng pamumuhay ng mga mamamayan sa mga lugar na ito. Mas mataas kasi ang kita ng mga migrant workers sa mga lunsod kaysa sa mga nayon.

Bukod dito, dahil marami sa mga migrant workers ang natuto ng mga bagong kaalaman mula sa lunsod, ito ay humantong sa pagmomodernisa ng mga kanayunan at pagbilis ng proseso ng pagsasalunsod.

Pero, kasabay ng pagbibigay ng malaking ambag ng mga migrant workers sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina, lumitaw ang dalawang malaking isyung panlipunan: una, lumabas ang posibilidad, na sa hinaharap, magiging limitado ang suplay ng mga migrant workers; ang isa pa ay ang pagbabago ng kahilingan ng mga batang migrant workers sa kanilang pamumuhay. Ito iyong mga isinilang pagkatapos ng 1980s. Ang naturang dalawang isyu ay humantong sa mga hamon sa katatagan ng lipunan at paglaki ng kabuhayan ng bansa.

Ayon sa datos na ipinalabas ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina noong nagdaang Abril, noong 2011, ang bilang ng mga migrant workers ay umabot sa 252.78 milyon at ang 158.63 milyon sa kanila ay nagtatrabaho sa ibang probinsya. Bukod dito, ang proporsyon ng mga migrant workers na 40 taong gulang pataas ay tumaas sa 38.3% mula 30% noong 2008.

Kahit mayroong karagdagang migrant workers tuwing taon, ang pagtaas ng bilang ng mga matatandang migrant workers ay nangangahulugang natapos na ang panahon ng labis na suplay ng mga migrant workers. Ito rin ay nangangahulugang ang paglaki ng kabuhayang Tsino ay hindi patuloy na umaasa sa murang trabaho. Sa tingin ko, ang pagsasaayos ng pamahalaang Tsino sa estrukturang pangkabuhayan ay nakakaapekto rin sa nabanggit na kalagayan.

Para sa katatagan ng lipunan ng Tsina, mas malaki at matagal ang hamon ng bagong kahilingan ng mga batang migrant workers na isinilang pagkatapos ng 1980s.

Ayon pa sa estadistika ng nabanggit na kawanihan, ang proporsyon ng mga batang migrant workers ay katumbas ng halos kalahati ng lahat ng migrant workers. Masasabing mahigpit talaga ang ugnayan nila sa katatagan at kaunlaran ng lipunan.

Para sa naturang mga batang migrant workers, kahit lumaki sila sa mga kanayunan, lumalawak naman ang saklaw ng TV at internet sa buong bansa, kaya, madali nilang malaman ang impormasyon mula sa ibang lugar, at malaki rin ang epekto sa kanila ng mga ideya at kaugalian mula sa mga lunsod. Masasabing mas malapit sila sa ideya at istilo ng pamumuhay ng mga taga-lunsod, kaysa sa ideya at istilo ng pamumuhay ng mga magsasaka.

Sa katotohanan, naiiba ang mga batang migrant workers sa kanilang mga magulang at mga tunay na magsasaka. Ayon sa opisyal na estadistika, hindi alam ng 89.4% ng naturang mga batang migrant workers kung papaano isagawa ang mga gawaing agrikultural. Pero, 93.8% sa kanila ang nagtapos ng kurso sa middle school, pataas. Ito ay mas mataas sa karaniwang antas ng edukasyon sa lahat ng mga migrant workers.

Dahil pa riyan, gusto nilang mamuhay sa mga lunsod sa halip na bumalik sa kanilang lupang tinubuan na tulad ng mga nakakatandang henerasyon. Liban sa sahod, pinahahalagahan din nila ang kapaligiran ng trabaho, pangangalaga sa kanilang mga karapatan, at mga pangangailangang pangkaisipan, na gaya ng pantay na katayuan at paggalang sa ibang mga residente ng lunsod.

Kaya ang mga isyu ng bahay, kalusugan at edukasyon ng mga anak na karaniwang pinagtutuunan ng atensyon ng mga residente ng lunsod ngayon ay nakakatawag na rin ng pansin ng mga batang migrant workers.

Dahil sa umiiral na household registry system para sa pangmatagalang residente ng mga lunsod, ang karapatan ng mga tao sa naturang 3 isyu ay batay sa kanilang kuwalipikasyon sa pagiging residente. Ibig-sabihin, kahit nagtatrabaho at namumuhay ang mga batang migrant workers sa lunsod, hindi nila kayang makapagtamasa ng pantay na karaptan sa mga residente ng lunsod.

Sa katotohanan, ang agwat sa pagitan ng kanilang pangangailangan at tunay na pamumuhay sa lunsod ay nagiging hamon para sa sustenableng pag-unlad at katatagan ng mga lunsod. Kung maisasakatuparan ng Tsina ang sustenableng pag-unlad at maitatatag ang maharmonyag lipunan, hindi ito dapat umasa sa murang trabaho. Dapat itatag muna ang isang kalapigirang panlipunan na may pantay na karapatan para sa mga mamamayan at makatwiran ang pagbabahaginan ng bunga ng paglaki ng kabuhayan at pag-unlad ng lipunan.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>