|
||||||||
|
||
Ang pagmamahal ay isang popular na paksa sa mga kultura ng iba't ibang bansa sa buong daigdig. Patuloy nito ang pagdiriwang ng Valentine's Day sa iba't ibang panig ng mundo.
Dito sa Tsina, mayroon ding isang tradisyonal na pestibal ng pagmamahal na tinatawag ang Qixi Festival. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ika-7 ng Hulyo sa lunar calendar ng Tsina, kung saan sinasariwa at ginugunita ng mga Tsino ang kanilang malalim na pagmamahal sa kanilang mga asawa.
Ang pestibal na ito ay mula sa isang alamat hinggil sa pag-iibigan ng isang pastol na nagngangalang "Niulang" at isang batang diyosa na nagngangalang "Zhinu". Bukod dito, ayon sa tradisyonal na kaugalian ng Tsina, ang pestibal na ito ay tanging pestibal para sa mga kababaihang nananalangin para sa kanilang kalusugan, kasiyahan at pag-ibig.
Kasunod ng pagbubukas ng Tsina sa labas, ang pestibal na ito ay na-impluwensiyahan ng mga kultura ng ibang bansa, lalo na ng mga kanluraning bansa na gaya ng Estados Unidos at Britanya.
Kaya sa araw ng Qixi festival, punong puno ng mga magkasintahan ang mga kainan sa kalye, restawuran, at sinehan. Tsokolate at bulaklak ang katunayan sa pagkakaroon ng kasintahan o kabiyak. Madalas na nakikita ang mga lalaki na naka-abang sa kanilang minamahal para i-alay ang mga magagandang regalo. Ang nasabing mga tagpo ay pareho ring nagaganap tuwing ika-14 ng Pebrero o Araw ng mga Puso. Bukod dito, dumarami ang mga paraan ng pagdiriwang sa pestibal na ito na gaya ng diving kiss.
Sa katotohanan, ang Qixi festival ngayon sa Tsina ay hindi lamang para sa babae at mga mag-aasawa, batay sa tradisyonal na kaugalian, ito ay para sa halos lahat ng mga kabataang Tsino, gayuman hindi ito isang pambansang bakayon.
Ang pagiging popular ng Qixi festival ay dahil unang una, ito'y nagmula sa pagpapahalaga ng mga mamamayang Tsino sa mga tradisyonal na kultura. Walang duda, bukas na ang Tsina sa labas at na-impluwensiyahan na ang mga mamamayang Tsino, lalo na ang mga kabataan ng dayuhang kultura.
Pero, sa proseso ng pagpapalitan ng mga kultura ng Tsina at ibang mga bansa, ang mga pinaka-simpleng elemento na gaya ng pagmamahal, moralidad, pamilya, at pagkakaibigan ay nakatawag ng pansin ng mga Tsino, lalo na ng mga kabataan sa sariling kulturang Tsino. Kaya kasunod ng pagkalat ng Araw ng mga Puso sa Tsina, nagiging popular din ang Qixi festival.
Sa isa pang dako, kasunod ng proseso ng migrasyon sa lunsod, nagtitipun-tipon sa mga lunsod ang mga tao na galing sa iba't ibang lugar ng Tsina. Dahil napakalawak ng Tsina at may 56 na lahi, malaki ang pagkakaiba ng dialect, katutubong sining at kaugalian sa iba't ibang lugar.
Kaya para sa mga residente sa lunsod at mga taong galing sa iba't ibang lugar, ang mga pambansang pestibal ay mabisang paraan para magkakilala, kumustahin ang kaniya-kaniyang pamumuhay, gaya ng pagdiriwang ng spring festival, tomb sweeping day at mid-autumn day. Walang duda, ang kulturang Tsino ay mabisa at matatag na tulay sa paguunawaan at pag-uugnayan sa pagitan ng mga Tsino na galing sa iba't ibang lugar at lahi.
Kaya para sa mga indibiduwal, ang Qixi festival ngayon ay magandang plataporma para makakilala ng mga bagong kaibigan, kung single pa sila, ito talaga ay magandang pagkakaraon para makahanap ng nobya o nobyo.
Pero, kasunod ng pagiging popular ng Qixi Festival, nagiging mas komersiyal ang araw ng pestibal sa halip na maging romentiko. Dahil sa araw nito, liban sa mga bagay na nagpapahiwatig ng pagmamahal na gaya ng tsokolate at bulaklak, dumarami nang dumarami ang mga mangangalakal na nagsasamantala sa pagkakataong ito para magbenta ng kani-kanilang produkto, maski mga produktong walang kaugnayan sa pagmamahal, na gaya ng hot pot.
Hindi kayang maiwasan ang mga ganitong bentahan sa araw ng mga pestival, sa katotohanan, ito ay nakapagbibigay ng saya at sigla sa atmospera ng pestibal. Pero kung ang lahat ng mga aktibidad sa pestibal ay naapektuhan at may kinalaman sa komersyo, nawawala ang saysay nito sa halip na bigyan ng pagpapahalaga ang tradisyon at kultura.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |