Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Beauty Pageant sa Tsina

(GMT+08:00) 2012-09-02 20:44:25       CRI

Ang beauty pageant ay isang laganap na aktibidad sa duong daigdig. Kahit hindi bago pa lang ang mga contest ng pagandahan sa Tsina, mabilis na sinuportahan ng mga mamamayang Tsino ito.

Sa katotohanan, kasunod ng pagkalat ng internet sa Tsina nitong ilang taong nakalipas, sa isang dako, ang mga isyu hinggil sa beauty pageant ay mas madaling nakakatawag ng pansin ng mga tao; sa kabilang dako naman, ang mga isyu na dulot ng beauty pageant ay nakatawag ng pagkabahala ng buong lipunan.

Pagpapasulong ng beauty pageant sa turismo ng Tsina

Walang duda, ang mga magagandang babae ay madaling nakakaakit sa mga tao, lalo na mga babae na ini-idolo ang mga beauty queen. Kaya ang beauty pageant ay inaabangan.

Halimbawa ang Miss World, Miss Universe, at Miss International, tatlong pinakasikat na beauty pageants sa buong mundo. Ito ay hindi lamang paligsahan para sa mga magagandang babae, kundi isang paraan para isulong ang mga usaping pambabae at industriya ng turismo ng lugar na pagdarausan ng kontest.

Sa kasalukuyan, liban sa nabanggit na tatlong beauty pageants, idinaos naman ang mga parehong aktibidad sa iba't ibang lugar ng Tsina. Ang naturang mga aktibidad ay nagpapasulong ng pag-unlad ng lokalidad.

Halimbawa ang Sanya ng lalawigang Hainan ng Tsina, 3 beses nang idinaos ang Miss World Pageant. Pagkatapos nito, ang Sanya ay naging unang destinasyon ng paglalakbay sa baybaying dagat para sa mga mamamayang Tsino. Ito rin ang naghikayat ng dumaraming turista na galing sa ibang mga bansa na gaya ng Rusya.

Sa katotohanan, kasunod ng popularidad ng beauty pageants sa buong bansa, ang pagdaraos ng beauty pageant ay nagiging isang palatadaan na ang isang lugar ay may maunlad na lipunan, magandang kapaligiran, at mayamang kultura.

Isyung panlipunan na dulot ng beauty pageant sa Tsina

Walang duda, pangarap ng sinumang babae ang lumahok sa beauty pageant. Kahit parehong mahalaga ang kagandahan ng mukha at kalooban para sa isang babae, liban sa ilang espesyal na beauty pageant, ang mga kalahok sa top 5 ng mga beauty pageant ay dapat kumatawan sa kagandahan o halos perpekto talaga ang mukha, di ba?

Dalawang kalahok sa paligsahan ng Anhui Pageant ng Miss Tourism International

Pero sa huling bahagi ng paligsahan ng Anhui Pageant ng Miss Tourism International na idinaos kamakailan sa Anhui Province ng Tsina, ang mga kontestant ay malayo sa naturang pamantayan. Bukod sa Anhui, sa mga beauty pageant na idinaos sa ibang mga lugar na gaya ng Chongqing, Shandong at Hainan, lumitaw rin ang parehong kalagayan.

Bukod sa nabanggit na isyu, nakatawag din ng pansin sa lipunan ang isyu ng paglahok sa beauty pageant ng mga batang babae na 15 taong gulang pababa. Ikinababahala ng mga tao na magiging mas malaki ang presyur sa pamumuhay ng naturang mga bata sa hinaharap. Para sa mga bata na wala pang kakayahang humawak ng sariling pamumuhay, ang pagiging sikat ay hindi isang magandang bagay talaga.

Dalawang kalahok sa paligsahan ng Anhui Pageant ng Miss Tourism International

Sa katotohanan, ang mga beauty pageant dito sa Tsina ngayon ay nagiging isang aksyong komersyal lamang. Ibig-sabihin, ang layunin ng mga tagapag-organisa ay kumita lamang, at ang puwesto ng mga sumasali dito ay hindi depende sa kanilang kahusayan. Kung ganoon, walang positibong epekto talaga ang aktibidad na ito para sa mga lugar na pagdarausan.

Kasaysayan ng beauty pageant sa Tsina

Noong 1985, idinaos ang kauna-unahang beauty pageant sa Guangdong sapul nang itatag ang People's Republic of China noong 1949. Ang pangalan ng aktibidad na ito ay Kagandahan ng Panahong Pagkabata.

Noog 1985, mga kalahok sa kauna-unahang beauty pageant sa Tsina na pinamagatang Kagandahan ng Panahong Pagkabata

Mula doon, kasabay ng mabilis na pag-unlad ng Tsina at pagbubukas sa labas, naging popular din ang beauty pageant sa Tsina. Pero sa proseso nito, lagi nananatili ang mga hidwaan sa prinsipyo at pundamental na diwa ng beauty pageant.

Noong 1994, bukas na tinutulan ng All-China Women's Federation ang pagdaraos ng mga beauty pageant sa Tsina. Kasi ipinalalagay nito na ang naturang mga aktibidad ay nagbibigay-pansin sa kagandahang panlabas ng mga babae lamang at itinuturing bilang paninda ang mga babae.

Noong 2005, isinumite din sa Pambansnag Kongresong Bayan ng Tsina o NPC, departamentong lehislatibo ng bansang ito, ng nabanggit na departamento ang panukalang batas hinggil sa pagsasaayos sa mga beauty pageant sa Tsina. Dahil marami ang ganitong aktibidad noong panahong iyon at lumitaw ang mga negatibong insidente sa aktibidad.

Noong 1985, paghahanda ng mga kalahok ng kauna-unahang beauty pageant bago ang pagligsahan

Ang ganitong hidwaan ay dulot din ng pagtanggap ng mga mamamayang Tsino ng mga dayuhang ideya at kultura. Sa isang dako, nagiging bukas ang mga mamamayang Tsino, sa kabilang dako naman, nais nilang mapawi ang mga negatibong elemento na dulot ng mga ito.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>