|
||||||||
|
||
Kung ikaw ay bagong pasok na estudyante ng kolehyo ngayon sa Tsina, naguguluhan ikaw talaga dahil sa napakaraming promosyon ng mga kompanya sa kanilang produkto sa mga kampus ng kolehiyo.
Labanang komersyal, sumabay sa pagbubukas ng bagong semestre
Nagsisimula ang bagong semester ng mga kolehiyo at pamantasan sa Tsina tuwing Setyempre. Para sa mga bagong pasok na estudyante sa kolehiyo na galing sa ibang probinsya, nagpadala ang kolehiyo ng mga boluntaryo sa railway station para sumalubong at maghatid sa kanila sa kampus.
Sa isang railway station sa Hankou ng Lalawigang Hubei sa dakong ginta ng Tsina, ang karamihan sa mga boluntaryo ngayon ay hindi ipinadala ng kolehiyo, pero ng mga kompanya ng China Mobile, China Telecom at China Unicom, tatlong pinakamalaking telecommunication companies sa Tsina. Dahil gusto ng naturang mga company na magpromote at magbenta ng mga produkto at serbisyo sa naturang mga estudyante.
Bukod sa railway station, nakakakita din ng ganitong mga aktibidad saanman sa kampus gaya ng harap ng kantin, dormitory, gusali ng mga silid-aralan, at library. Masasabing ang ganitong mga aktibidad ay malalimang nagiging bahagi ng pamumuhay ng mga estudyante.
Paaralan, naging commercial partner ba ng mga company?
Sa Lalawigang Hubei, may mahigit 120 kolehiyo at nangangalap ang mga ito ng mahigit 300 libong bagong pasok na estudyatne tuwing taon. Para sa lahat ng mga estudyante sa kolehiyo, higit pa sa mga high school, ang mobile phone ay isang importanteng kagamitan para sa impormasyon at komunikasyon, paglalaro ng games, pagkuha ng litrato at pagbisita sa internet. Ibig-sabihin, malaki ang ganitong pamilihan para sa mga telecommunication companies.
Dahil dito, naging mas masidhi ng kompetisyon sa pagitan ng 3 telecommunication companies. Kasabay nito, ang administrasyon ng mga paaralan ay nasali sa naturang kompetisyon.
Para sa mga estudyante na bagong pasok sa Hubei College of Chinese Medicine ngayong Setyembre, dapat nilang gamitin ang "surfing" mobile phone ng China telecom, dahil ang pagpapatala sa bagong semester, pagbabayad sa matrikula, pagpasok sa dormitory, pagbili ng pagkain sa kantin at pagkuha ng impormasyon ng eksam at hanap-buhay ay makukuha sa pamamagitan ng naturang mobile phone. Masasabing kung mawawala ang mobile phone, patay ang naturang mga estudyante.
Sa Hubei University of Science at Technology, pareho din ang kalagayan. Dapat mag-deposito muna ang mga bagong pasok na estudyante ng 100 yuan RMB sa kanyang mobile phone na ipinagkaloob ng paaralan. Tapos puwede na nilang magamit ang mga serbisyo na may kinalaman sa kanilang pag-aaral at pamumuhay sa paaralan.
Ang automatic management ngayon ay unti-unting sumasaklaw ng lahat ng mga serbisyo ng kolehyo sa Tsina. Pero liban sa mga kilala at malaking kolehyo at pamantasan na madaling tumanggap ng laang-gugulin ng pamahalaan, ang maraming maliit, normal at pribadong kolehiyo at pamantasan ay lubos na nangangailangan ng suporta para sa pondo. Ito naman ang pagkakataon para sa mga telecommunication companies na isagawa ang pag-monopolya at sapilitang pagbebenta sa kampus.
Kasabay ng pagpapadali ng automatic management ng mga serbisyo ng paaralan at pamumuhay at pag-aaral ng mga estudyante, ito rin ay nagkakaloob ng pagkakataon para sa pakiki-alam ng mga telecommunication companies sa normal na pamumuhay at pag-aaral ng mga estudyante sa kolehyo. Sa aspektong ito, nagdulot ito ng hamon para sa administrasyon ng mga paaralan sa pagpapanatili ng balanse sa pagitan ng pagpapataas ng lebel ng automatic management at pangangalaga sa normal na pamumuhay at pag-aaral ng esdutyante.
Ang papel ng pamahalaan
Kaugnay ng nabanggit na mga sapilitang pagbebenta ng mga company sa kampus, noong taong 2011, isinagawa ng pamahalaan ng Hubei ang malubhang parusa sa naturang mga companies at isinapubliko ang mga tadhana para pigilan ang ganitong aksyon. Pero hindi nito napigilan ang muling pagbalik sa naturang kalagayan.
Sa isang dako, may kakulangan sa regular na pagsusuperbisa sa naturang mga aksyon ng telecommunication companies at wala pang mahigpit na batas para parusahan ang naturang mga aksyon.
Sa kabilang dako naman, ang naturang 3 malalaking telecommunication companies ay ari ng pamahalaang Tsino, kung magigipiglan ang naturang mga monopolyong aksyon at sapilitang pagbebenta sa kampus, dapat itakda muna ng pamahalaang Tsino ang mga mahigpit na tadhana at regulasyon para magkaroon ng istandard ang takbo ng naturang 3 companies at likhain ang isang maayos na kapaligiran ng kompetisyon.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |