|
||||||||
|
||
Nauna rito, bumisita rin si Panetta sa Engineering Academy of Armored Forces ng People's Liberation Army ng Tsina (PLA), kung saan ay itinuring na pinagmumulan ng mga mataas na komander ng armored forces ng Tsina. Nagtalumpati siya sa akademya at nagtanghalian, kasama ng mga estudyante doon.
Nag-usap sina Leon Panetta (kaliwa), Kalihim ng Tanggulan ng E.U., at Tian Zhong (kanan), Commander-in-Chief ng North Sea Fleet ng Tsina
Sa katotohanan, ang pagdalaw ni Panetta sa Tsina ay nasa panahon ng pagiging tension ng relasyon ng Tsina at Hapon dahil sa hidiwaan nila sa Diaoyu Island. Ang paninindigan ng Amerika sa isyung ito at target ng Treaty of Security and Safeguard Between Japan and United States ay mga tampok na isyu sa kanyang pagdalaw sa Tsina. Bukod dito, ang paninindigan ng Amerika sa isyu ng South China Sea at estratehiya sa pagbalik muli sa Asya ay mga mainit na isyu naman sa kanyang pagdalaw.
Si Leon Panetta (kanan), Kalihim ng Tanggulan ng E.U. habang tinatanggap ang isang regalo mula sa kapitan ng Yantai escort ship ng Tsina
Katulad ng pagdalaw ni Kalihim Hillary Clinton ng Estado ng Amerika sa Tsina nauna rito, walang progreso ang paninindigan ng dalawang bansa inulit din ni Panetta na walang pinapanigan ang kanyang bansa sa isyu ng Diaoyu Island at South China Sea.
Pero ipinaliwanag ni Panetta sa panig Tsino ang nilalaman ng estratehiya ng pagbalik sa Asya at ipinahayag ang hangarin ng pagtatatag ng matigas na relasyon ng hukbo ng Tsina at Amerika para pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Si Leon Panetta (kaliwa) at kanyang entorahe sa kanyang pagbisita sa 039 submarine sa Lunsod ng Qingdao, Tsina
Para sa Tsina at Estados Unidos na nagkakaiba sa sistemang pulitikal, ideyang panlipunan, at katangiang kultural, kahit mayroong malaking komong kapakanan ang dalawang bansa sa mga larangan na gaya ng negosyo, kabuhayan, at mga isyung panrehiyon, mahirap din ang pagkakaisa ng posisyon nila sa lahat ng mga isyu.
Bukod ditto, sa isyu ng Diaoyu Island at South China Sea, kahit dapat isakatuparan ng Amerika ang responsibilidad sa koaliyadong bansa, pero hindi ito ibig-sahin na labanan ng Amerika ang Tsina sa mga isyung may hidwaan ng Tsina at mga koaliyadong bansa nito.
Si Leon Panetta (kanan), nasa kantin ng Engineering Academy of Armored Forces ng People's Liberation Army ng Tsina
Sa katotohanan, naging mas bukas ang Tsina at Amerika sa pagpapalitang militar. Tulad ng sinabi ni Panetta na bukas at matapat ang kanyang pakikipagpalitan sa mga lider ng Tsina. Ito naman ay nakakatulong sa pagtatatag ng nainam na relasyon ng hukbo ng dalawang bansa.
Halimbawa, kauna-unahang nagbubukas sa Amerika ang himpilan ng north sea fleet, isa sa 3 plota ng Tsina. Maaari nakipag-usap si Panetta sa mga mababang komander ng tropang panlupa ng Tsina para malalimang malaman niya ang pagsasanay at ideya ng mga opisyal ng tropang Tsino.
Si Leon Panetta (kaliwa) habang nakipag-usap sa mga estudyante ng Engineering Academy of Armored Forces ng People's Liberation Army ng Tsina
Ito naman ay itinuturing na pantay sa ganting palad sa pagdalaw ni Liang Guanglie, Ministro ng Tanggulan ng Tsina, sa Amerika noong 2011. Sa pananatili ni Liang sa Amerika, bumisita siya sa punong himpilan ng United States Seventh Fleet at mga akademyang militar, kung saan ang kauna-unahang binuksan para sa mga opisyal na militar ng Tsina.
Sa pananatili ni Panetta sa Tsina, isinagawa ng komboy ng Tsina at Amerika ang magkasanib na pagsasanay laban sa mga pirate sa rehiyong pandagat ng Somalia. Bukod dito, inaanyaya ni Panetta ang Tsina na lumahok sa susunod na Rim of Pacific Exercise na idaraos sa 2014.
Para sa Tsina at Amerika, ang pagpapalalim ng pagtitiwalaan ng hukbo ng dalawang bansa at pagbabawas ng maling konslusyon sa isa't isang ideya at aksyon ay napakahalaga, hindi lamang para sa kanilang sarili, kundi maging sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko at buong mundo.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |