Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Moon Cake, hindi lamang mga pagkain

(GMT+08:00) 2012-10-01 14:49:14       CRI

Ang mga tradisyonal na pestibal dito sa Tsina ay palagiang mayroong spesyal na pagkain. Halimbawa, ang dumplings sa spring festival, sweet dumpling sa lantern festival, rice dumpling sa dragon boat festival, at moon cake sa mid-autumn day.

Kasaysayan ng Mid-Autumn Day at Moon Cake

Ang ika-30 ng Setyembre ng taong ito ang mid-autumn day sa lunar calendar ng Tsina. Ang pestibal na ito ay ipinagdiriwang mahigit 2000 taon na sapul noong Zhou Dynasty (1046BC-256BC).

Noong unang panahon, ang pestibal na ito ay ipinagdiriwang bilang pag-aalay sa diyos ng buwan. Ang moon cake ay ginagamit bilang alay sa seremonya, kaya ang hugis ng lahat ng mga moon cake ay bilog na parang full moon sa mid –autumn night. Kahit lumilitaw ang mga bagong uri ng moon cake ngayon sa Tsina na gaya ng ice-cream moon cake, ang karamihan sa mga ito ay bilog pa rin.

Sa kasalukuyan, ang pestibal na ito ay ipinagdiriwang para makapiling ang buong pamilya. Pero noong unang panahon, ang pestibal na ito ay nangangahulugan ng pagsisimula ng panahon ng anihan ng mga butil at ibang mga pananim sa mga nayon ng Tsina. Noong panahong ang Tsina ay isang bansang agrikultural, kapag sumasapit ang pestibal na ito, dapat bumalik sa lupang tinubuan ang mga tao para tumulong sa kanilang pamilya sa pag-aani.

Masasabing noong unang panahon, magkakapiling ang buong pamilya sa mid-autumn day para mag-ani, hindi tulad ng Spring Festival na magkakapiling ang pamilya para magpahinga.

Saysay ng moon cake

Sa kasaysayan ng Tsina, ang moon cake ay isang napakahalagang pagkain sa mid-autumn day na dapat kainin ng mga mamamayang Tsino. Dahil ito ay mahalaga at ginagamit sa seremonya ng pag-aalay para sa Diyos ng Buwan upang magdala ng suwerte, masaganang ani at ibang mga magandang hangarin sa kinabukasan.

Ang isa pang dahilan ng pagtitipun-tipon ng buong pamilya ay may kinalaman sa moon cake. Batay sa tradisyonal na kaugalian noong unang panahon, dapat kumain ang buong pamilya ng moon cake pagkatapos ng seremonya ng pag-aalay sa Diyos ng Buwan para maging mas mayaman at suwerte ang pamilya sa kinabukasan.

Dahil simbolo ang moon cake ng mga magagandang hangarin, palagian ginagamit ito ng mga tao bilang regalo sa mid-autumn day para bahaginan ng kaligayahan at suwerte sa isa't isa.

Kaya kapag sumasapit ang mid-autumn day, mabiling mabili ang mga moon cake sa mga tindahan at supermarket.

Mga bagong uri ng moon cake

Mga ice cream moon cake

Walang duda, ang moon cake ay hindi lamang isang karaniwang pagkain, kundi isang mahalagang bahagi ng mid-autumn day. Kasunod ng pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino noong nakaraang higit 30 taon, ang pagkain ng moon cake sa mid-autumn day ay nagiging isang aktibidad bilang pagdiriwang sa pestibal na ito. Ibig-sabihin, hindi mahalaga ang lasa ng moon cake, ang desenyo at presyo nito ay nagiging mas importante, dahil ang mga moon cake ay palagiang ginagamit bilang regalo sa pestibal na ito.

Nitong ilang taong nakalipas, lumilitaw ang mga bagong uri ng moon cake na gaya ng ice cream moon cake, na higit na mamahalin.

Noong nakaraang mga taon, ang mga namamahaling moon cake ay mataas ang presyo dahil sa mamahaling desenyo at paggamit ng mga namamahaling materiyal na gaya ng dried shark's fin, Abalone, at swallow's nest na bihirang ginamit sa mga tradisyonal na moon cake.

Pero sa taong 2012, lumitaw ang mga bagong uri ng mamahaling moon cake na gawa sa ginto at pilak. Ang nasabing mga moon cake ay produkto ng isang kompanya sa Beijing. Ayon sa naturang kompanya, ang naturang mga moon cake ay nakatugon sa pangangailangan ng mga regalo para sa pestibal na ito. Dahil ang presyo ng mga ginto at pilak na moon cake ay mas mahal sa parehong bigat na pilak at ginto.

Mga moon cake na gawa sa ginto

Ang kahulugan ng moon cake

Kasunod ng pag-unlad ng Tsina, unti-unting nagiging isang simbolo ang moon cake sa tradisyonal na kulturang Tsino na nagpapahiwatig ng mga magagadang hangarin sa pamumuhay.

Sa katotohanan, ang mga bagong uri ng mga moon cake ay nagmula, sa isang dako, sa pagiging masa mahalaga ng mga tradisyonal na pestibal at mga may kinalamang kaugalian sa ideya at pamumuhay ng mga mamamayang Tsino. Sa kabilang dako naman, nagiging mas malakas din ng epekto ng komersyo sa kultura at lipunan ng Tsina.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>