Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Sesyon plenaryo ng CPC, idaraos sa ika-8 ng Nobyembre

(GMT+08:00) 2012-10-08 23:17:55       CRI

Ayon sa pulong noong ika-28 ng nagdaang Setyembre ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, inisiyal na itinakda ang pagdaraos ng ika-18 sesyong plenaryo ng CPC sa ika-8 ng Nobyembre ng taong ito. Sa nasabing pulong, mahahalal ang bagong komite sentral at central discipline commission, at tatalakayin at ipapasiya ang mga mahalagang isyu. Dahil ang CPC ay ang naghaharing partido ng Tsina, ang mga bagong lider ng CPC ay magiging lider ng bansa at pamahalaan.

Dahil sa ilang dahilan na alam ng lahat, ipinagpaliban nang halos isang buwan ang petsa ng pagdaraos ng ika-18 sesyon plenaryo ng CPC. Pero ayon sa charter ng CPC, walang maliwanag na tadhana kung kalian ang pagdaraos ng sesyon plenaryo bawat 5 taon.

Isang magsasaka sa Neihuang Nayon ng Henan Province, bumubuo siya ng watawat ng CPC sa mga maize at pepper bilang pagdiriwang sa pagdaraos ng ika-18 sesyon plenaryo ng CPC

Dahil ang Tsina ngayon ay ang ikalawang pinakamalaking ekonomya sa daigdig at patuloy pa rin ang mabilis na pag-unlad ng kabuhayan, matamang sinusubaybayan, hindi lamang ng mga mamamayang Tsino, kundi maging ng komunidad ng daigdig ang mga isyu hinggil sa ika-18 sesyon plenaryo ng CPC, na gaya ng kung sino ang magiging bagong liderato ng CPC, ano ang pagtasa sa mga karanasan na natamo noong nakaraang 10 taon, at ano ang mga aktuwal na teorya, patakaran at hakbangin na isasagawa sa hinaharap.

Sa kasalukuyan, hindi pa natatapos ang sovereign debt crisis sa Europa, gumagapang ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig at lumalala ang sagupaan sa mga rehiyon na gaya ng Gitnang Silangan. Para sa Tsina, matindi naman ang hidwaang panghanggahan sa mga kapitbansa na gaya ng Hapon. Ang mga naturang mga isyu ay maituturing na malaking hamon sa ugnayang panlabas ng Tsina at kapaligirang pandaidig ng mapayapang pag-unlad.

Sa katotohanan, kumpara sa mga hamong panlabas, ang mas malaking hamon ay nagmula sa loob ng Tsina. Sa isang dako, dapat panatilihin ng pamahalaang Tsino ang mabilis na paglaki ng kabuhayan at pasulungin ang modernisadong konstruksyon ng lipunan; sa kabilang dako naman, dapat buong sikap na lutasin, sa lalong madaling panahon, ang mga isyung panlipunan na gaya ng paglaki ng agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, pagkakapantay-pantay ng pagbabahaginan ng bunga ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at pangangalaga sa mga karapatan at kapakanan ng mga karaniwang mamamayan. Ang naturang mga isyung panlipunan ay unti-unting nakakaapekto sa katatagan ng lipunan at pananalig ng mga mamamayan sa kinabukasan ng bansa.

Bilang isang bansa, malakas at maunlad talaga ang Tsina. Pero para sa mga mamamayang Tsino, lalo na sa mga karaniwang Tsino, hindi pa sila nakakapagtamasa ng parehong pamumuhay na kasintaas ng lebel ng pambansang kabuhayan sa daigdig. Kung maisasakatuparan ang target ng patatatag ng sosyalistang lipunan bago ang taong 2050, dapat magbigay-pansin ang bagong liderato ng CPC, hindi lamang sa pambansang kabuhayan at mga suliraning panlabas, kundi maging sa mga isyung panlipunan na mahigpit na kaugnay ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, lalo na sa mga karaniwang Tsino.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>