|
||||||||
|
||
Kung walang magaganap na makayanig-daigdig na pangyayari, nakatakad nang idaos ang ika-18 sesyong plenaryo ng Partido Komunista ng Tsina o CPC sa ika-8 ng Nobyembre ng taong ito. Pagkaraang makapagsimula ang pulong na ito, malalaman na marahil, hindi lamang ng mga mamayang Tsino kundi maging ng mga mamamayan ng iba pang bansa, ang sagot sa mga isyu na pinagtutuunan nila ng pansin.
Sa katotohanan, ito ang pinakamagandang pagkakataon para mapalalim ang pagkakaunawa sa CPC, pinakamalaking partido sa buong daigdig na may mahigit 80 milyong miyembro.
Noong ika-14 ng nagdaang Agosto, nagpalabas ang People's Daily, opisyal na pahayagan ng CPC, ng listahan ng mga kinatawan sa sesyong plenaryo na inihalal at pinili mula sa 40 electoral departments ng buong bansa. Ito ay bunsod rin ng pagsisikap ng buong CPC noong 1 taong nakalipas, na may mahalgang katuturang pulitikal.
Mula sa listahan ng mga kinatawan sa ika-18 sesyong plenaryo ng CPC, makikita ang mga pagbabago ng CPC nitong nagdaang 5 toan.
Unang una, ito ay isang halalan sa kasaysayan ng CPC na kung saan isinagawa ang pinakamalaking saklaw ng margin of election. Ang proporsyon nito ay umabot sa 15%.
Bukod dito, ang proporsyon ng mga kinatawan na galing sa mga karaniwang miyembro ng CPC na gaya ng mga magsasaka, at karaniwang manggagawa sa iba't ibang industriya ay umabot sa 30.5%. Kahit ang bilang ng mga miyembro ng CPC sa naturang mga sirkulo ay katumbas ng halos 50% ng buong miyembro, ang nasabing proporsyon ay tumaas ng 2.1% kumpara sa ika-17 sesyong plenaryo ng CPC.
Dahil dito, ang mga mataas na opisyal ng mga lokal na pamahalaan at ministri ng sentral na pamahalaan ay hindi magiging kinatawan sa ika-18 sensyong plenaryo ng CPC.
Ito ay nagmula sa pagsisikap ng CPC para mabago ang kalagayan na kung saan masyadong maliit ang proposyon ng kinatawan ng sesyong plenaryo na galing sa sirkulo ng mga karaniwang miyembro.
Sa katotohanan, upang maigarantiya ang pagsasagawa ng naturang target, isinapubliko ng CPC ang tadhana na itinakda ang minimum proporsyon ng mga kinatawan na galing sa mga karaniwang miyembro.
Ang isa pang pagbabago ay ang patuloy na pagdaragdag ng bilang ng mga kinatawan na galing sa mga pribadong mangangalakal.
Ayon sa tradisyonal na teorya ng CPC, ang mga miyembro ng CPC ay galing sa 5 grupo na kinabibilangan ng mga magsasaka, manggagawa, kawal, intelihensiya at opisyal. Sa katotohanan, kasunod ng pagbubukas ng Tsina sa labas, lumilitaw ang mga pribadong mangangalakal at sila man ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng pag-unlad ng lipunan at kasaysayan ng Tsina.
Noong 2001, kauna-unahang kinilala ng CPC ang katayuan ng mga pribadong mangangalakal bilang mga tagapagtatag ng usaping sosyalista ng Tsina at sinang-ayunan ang pagsapi nila sa CPC.
Sa listahan ng mga kinatawan ng ika-18 sesyong plenaryo, 24 na kinatawan ay pribadong mangangalakal, at 8 sa kanila ay nasa top-1000 pinakamayamang tao sa Tsina. Kung mabibilang ang mga kinatawan na nagtatrabaho bilang mataas na tauhan sa mga probadong bahay-kalakal. Tataas talaga ang bilang ito.
Walang duda, ang pinakamalaking bahagi ng mga kinatawan ng ika-18 sesyong plenaryo ay galing sa mga opisyal ng CPC at pamahalaan.
Dahil sa pagpapalaganap ng demokrasya sa loob ng CPC at walang nukleong pulitikal sa CPC na gaya nina Mao Zedong at Deng Xiaoping, kung sino ay nakaapekto sa ideya at kilos ng lahos lahat ng mga miyembro ng CPC, ang sesyong plenary ng CPC ay hindi nagpapakita ng at sumusunod sa ideya at nagugustuhan ng isang lider.
Ang sesyong plenaryo ng CPC ay nagiging plataporma na kung saanang mga miyembro na galing sa iba't ibang lugar ay nagpapakita ng kanilang hangarin sa sentral komite ng CPC, pinakamataas na organong pangkapangyarihan ng CPC. Ibig-sabihin, kahit ang karamihan ng mga kinatawan ay mga opisyal, ang mga ginagawa nila sa sesyong plenaryo ay, pangunahin na, para mapasulong ang pag-unald ng kani-kanilang lugar at industriya.
Masasabing ang sesyong plenaryo ay isang paraan para maigarantiya ang balanseng pag-unlad ng bawat lugar at industriya ng Tsina sa pundasyong hindi mapipinsala ang kapakanan ng ibang lugar at industriya.
Kahit hindi pa nagsisimula ang ika-18 sesyong plenaryo ng CPC at hindi pa alam kung ano ang mga aktuwal na bagong patakaran at hakbangin, batay sa mga katangian ng mga kinatawan ng sesyong plenaryo, ito ay nagpapakita ng pagsisikap ng CPC para maigarantiya at maigalang ang mga karapatan ng lahat mga sirkulo ng Tsina.
Pero may kinakaharap ding mga hamon sa proseso ng paghahalal ng mga kinatawan ng sesyong plenaryo ng CPC.
Una, hindi pantay ang proporsyon ng mga kinatawan na galing sa iba't ibang industriya, dahil ang Tsina ay isa pa ring bansa na nananatiling mabilis na umuunlad. Ibig-sabihin, lumilitaw pa rin ang mga bagong industriya at organisasyon at mablis din ang paglabas-pasok sa mga industriya at organisasyon ng mga trabahador, lalo na ng mga karaniwang miyembro ng CPC, sa sirkulong ito.
Kung simple lang ang pagtatakda ng proporsyon ng mga kinatawan, ito ay maaring humantong sa di-balanseng bilang ng mga kinatawan sa iba't ibang industriya at organisasyon.
Ang isa pang hamon ay kakulangan sa pangmatalagang sistema para ihalal ang mga kinatawan ng CPC. Sa kasalukuyan, ang mga gawain ng pagboto ng mga kinatawan sa sesyong plenaryo ay batay sa dokumento ng komite sentral ng CPC lamang. Kahit maayos na ang mga tadhana hinggil sa pagboto ng mga sangay ng CPC sa nakakababang yunit, wala pa ring tadhana hinggil sa pagboto ng mga kinatawan sa sesyong plenaryo ng CPC.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |