|
||||||||
|
||
Ayon sa estadistika noong 2011, halos 150 milyong batang Tsino ay walang kapatid, pero ang bilang nito noong 1979 ay 6.1 milyon lamang. Sa kasalukuyan, mga 30 taong gulang ang mga batang Tsino na isinilang noong unang dako ng ika-8 dekada ng nagdaang siglo kung kalian sinimulang isagawa ang mahigpit na one child policy sa Tsina at saka ang kanilang mga magulang ay 55 taong gulang pataas.
One child policy, nagdulot ng mabigat na pasanin sa pag-asikaso sa mga matatanda
Kasunod ng pagsasagawa ng one child policy sa Tsina, ang estruktura ng mga karaniwang pamilya sa Tsina, lalo na sa mga lunsod ay parang isang inverted pyramid.
Dahil isa lang anak sila sa pamilya, dapat sila sariling mag-asikaso sa kanilang mga magulang. Sa katotohanan, kasunod ng pagtaas ng karaniwang edad ng mga mamamayang Tsino, hindi lamang kanilang mga magulang, ang kanilang mga lolo at lola naman ay nangangailangan ng pag-asikaso. Wala silang mga kapatid, walang ibang pagpili ang kanilang mga magulang. Ibig-sabihin, ang pag-asikaso sa mga matatanda ay isang lumalapit na malaking hamon sa Tsina.
Pag-unlad ng Tsina, nagdulot ng mga kahirapan sa pag-asikaso sa mga matatanda
Para sa mga mamamayang Tsino, ang pag-asikaso sa mga matatanda, lalo na sa kanilang mga magulang, ay isang napakaimportanteng moralidad na panlipunan. Pero kasunod ng mabilis na pag-unlad ng Tsina, nagbabago nang malaki ang mga kalagayan ng bansang ito.
Ngayon sa Tsina, bukod sa mga migrant worker na galling sa mga kanayunan ay nag-iwan ng kanilang mga matatandang magulang at anak sa lubang-tinubuan, parami nang paraming batang Tsino na galing sa lunsod ay nagtatrabaho at namumuhay sa ibang lugar, higit pa sa ibang bansa. Ibig-sabihin, mas malayo ang pamumuhay ng mga batang Tsino at kanilang mga magulang.
Para sa naturang mga batang Tsino na hindi namumuhay sa parehong lugar ng kanilang mga magulang, ang napakamahal na bahay ay pinakamalaking kahirapan para sa makipiling sila ng kanilang mga magulang. Bukod dito, ang nagkakaibang kapaligiran, kaugalian, higit pa sa pagkilala sa mga bagong kapitbahay at kaibigan ay mga bagay naman na nakakaapekto sa paglilipat ng mga magulang sa lugar na pinaninirahan ng kanilang mga anak.
Masasabing ang mabilis na pag-unlad ng Tsina ay nagdulot din ng pagiging mas mabigat ng pasanin ng mga batang Tsino sa pag-asikaso sa kanilang mga magulang.
Sa pagharap ng nabanggit na kalagayan, ano ang ginagawa ng pamahalaang Tsino?
Para sa naturang bata na walang kapatid, kailangan nila ang tulong mula sa pamahalaan, gaya ng mga patakaran, subsidy, at tauhan. Halibawa, maitayo sa mga pamanayan, ang mas maraming bahay-kahinga ng mga matatanda na katulad ng pagtayo ng mga paaralan.
Sa larangang ito, may tadhana na ang pamahalaang Tsino sa pagbibigay ng subsidy sa mga matatanda, pero ang mga mas mahalagang gawain para sa pamahalaan ay dapat mag-aasikaso sa mga matatanda na hindi namumuhay kasama ng kanilang mga anak at magkaloob ng pagkakataon na maaring namumuhay ang mga matatanda sa parehong lugar ng kanilang mga anak. Ang pag-asikaso sa damdamin ng mga matatanda ay mas mahalaga sa pag-asikaso sa kanilang pamumuhay lamang.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |