|
||||||||
|
||
Ayon sa pulong kamakailan ng politburo ng komite sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, sususugan nito ang charter sa Ika-18 sesyong plenaryo at lalahukan ito ng mga bagong teorya, ideya at estratehiya.
Idinaos noong ika-22 ng Oktubre ang pulong ng politburo ng CPC para talakayin ang rebisadong panukala ng charter ng CPC at report para sa ika-18 sesyong plenaryo nito. Ang nasabing dalawang ulat ay pagtitibayin sa ika-18 sesyon plenaryo na idaraos sa ika-8 ng Nobyembre.
Ano ang mga pagbabago sa chater ng CPC?
Bago ang nasabing pulong ng politburo, isinagawa ng CPC ang malawak na survey sa mga kinatawan ng iba't ibang lugar, departamento at setkor ng lipunan para malaman ang kanilang palagay hinggil sa naturang 2 ulat.
Ayon sa pulong na ito, dapat balangkasin ang ulat para sa ika-18 sesyon plenaryo na kumakatawan sa hangarin ng lahat ng mga mamamayang Tsino at nakakatugon sa kahilingan ng pag-unlad ng usaping sosyalista sa bagong panahon at itakda ang rebisadong panukala ng charter na nakatugon sa inobasyon sa teorya at pag-unlad ng CPC.
Pero hindi pa inilalabas ng CPC ang mga aktuwal na nilalaman ng charter na sususugan sa sesyong plenaryo. Ayon sa mga nalinang karanasan ng pagsusog sa charter, ito ay pangunahin na, pagtiyak ng bagong teoryang tagapatnubay at pagbalangkas ng namumunong patakaran sa hinaharap.
Kaya sa ika-18 sesyong plenaro ng CPC, posibleng titiyakin ang ideya ng pamumuno ng nagdaang liderato bilang bagong teoryang tagapatnubay ng CPC at babalangkasin ang namumunong patakaran ng bagong liderato sa susunod na 5 taong termino.
Masasabing ang Scientific Outlook on Development na iniharap ni Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng CPC, ay posibleng magiging bagong teoryang tagapatnubay ng CPC sa ika-18 sesyong plenaryo, tulad ng Three Represents Theory (The Party should always represent the development needs of China's advanced social productive forces, always represent the onward direction of China 's advanced culture, and always represent the fundamental interests) na iniharap ni Jiang Zemin, dating Pangkalatahang Kalihim ng CPC kung ano ang tiniyak bilang teoryang tagapatnubay ng CPC sa ika-16 na sesyong plenaryo ng CPC noong 2002.
Ang katayuan ng Charter ng CPC
Para sa CPC, ang pagsusog sa charter ay isang importanteng bagay na may kinalaman sa pagtaya sa mga gawain noong dati at pagtiyak ng landas patungo sa hinaharap. Dahil ang CPC ay naghaharing partido ng Tsina, ito ay nakakaapekto sa direksyon ng pag-unlad ng bansa sa hinaharap.
Bilang teoryang tagapatnubay ng CPC, bukod sa matatag na pamagat, kailangan din ang maliwanag at opisyal na pagsalaysay sa konsepto, prinsipyo at nilalaman nito. Sa katotohanan, kahit nagiging mas bukas , malaya at demokratiko ang pagtalakay hinggil sa mga teorya ng CPC, kulang pa rin ng maliwanag na pagsalaysay sa teoryang tagapatnubay at pag-istandardisa sa mga kilos batay sa teorya. Ito ang isang sanhi kung bakit mabilis na umuunlad ang Tsina, pero lumalaki ang diskontento ng mga mamamayang Tsino sa mga isyung panlipunan na gaya ng real estate, social insurance system, kalusugan, edukasyon, transportasyon, polusyon, at korupsyon.
Mga pagsusog sa charter ng CPC noong dati
Ang kasalukuyang umiiral na charter ng CPC ay pinagtibay sa ika-12 sesyong plenaryo noong 1982. Sa nasabing sesyong plenaryo, maliwanag na itinakdang dapat tumakbo ang CPC sa loob ng balangkas ng mga batas at konstitusyon ng bansa. Ipinagbawal naman ang anumang paraan ng pagsamba sa indibidual.
Sa ika-13 sesyong plenaryo, itinakda noon ang prinsipyo ng margin of election sa charter ng CPC at lumalaki ang proporsyon nito sa susunod na mga halalan ng CPC.
Sa ika-14 na sesyong plenaryo, itinakda ang teorya ng primary stage of socialism at mga may kinalamang patakaran. Kauna-unahang iniharap ang paggigiit ng CPC sa paglaban sa korupsyon.
Sa ika-15 sesyong plenaryo, tiniyak ang teorya ni Deng Xiaoping, bilang teoryang tagapatnubay ng CPC.
Sa ika-16 na sesyong plenaryo, tiniyak ang Three Represents Theory bilang teoryang tagapatnubay ng CPC.
Sa ika-17 sesyong plenaryo, itinakda ang Scientific Outlook on Development sa charter.
Back To Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |