|
||||||||
|
||
Noong unang araw ng Nobyembre, opisyal na sinimulan ang serbisyo ng news center para sa mga mamamahayag na magkokober sa Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC na itinakdang buksan sa ika-8 ng buwang ito.
Bukod dito, naisaoperasyon na din ang opisyal na website ng pulong na ito para maglabas ng mga impormasyon at ulat. Ang mga hotel, bus, subway at ibang mga organisasyong panserbisyo ay nagsasagawa din ng mga hakbangin para maigarantiya ang maayos na pagdaraos ng pulong na ito.
Kasunod ng mabilis na pag-unlad ng Tsina, nakatatawag ang pambansang kongreso ng CPC ng dumaraming pansin ng komunidad ng daigdig. Ayon sa datos ng news center ng Ika-18 Pambansnag Kongreso ng CPC, nagpatala ng 1222 dayuhang mamamahayag na galing sa mahigit 300 media ng mahigit 110 bansa para magkober sa pulong na ito. Ang bilang ng mga dayuhang mamamahayag sa ika-17 Pambansang Kongreso ay mahigit 700 lamang. Noong 2002, mahigit 500 dayuhang mamamahayag lang ang nagkober sa ika-16 na Pambansang Kongreso.
Sapul noong unang dako ng taong ito, dumarami nang dumarami ang mga ulat, komentaryo at pag-aanalisa ng mga media ng iba't ibang bansa sa Ika-18 Pambansang Kongreso. Naging tampok sa kanilang pagkokober ang mga natamong bunga ng pamamahala ng CPC, konstruktibong papel ng Tsina sa pagpapasulong ng kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig, at landas ng pag-unlad ng Tsina patungo sa hinaharap.
Ang Tsina ngayon ay ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa buong daigdig at mahalagang puwersa sa pagpapasulong ng palaki ng kabuhayang pandaigdig. Para sa mga mamamayang Tsino, ikinararangal talaga nila ang mga natamong bunga ng Tsina sa kabuhayan, siyensiya at palakasan. Gayuman, pinapansin naman nila ang lagay ng kanilang pamumuhay at ang mga patakaran sa pabahay, kalusugan, hanap-buhay, edukasyon, lalo na sa pantay na kapaligirang panlipunan at pagsusuperbisa sa administrasyon ng pamahalaan.
Ang nasabing mga isyu na pinansin ng mga mamamayang Tsino ay tinalakay nang maraming beses sa iba't ibang sektor ng Tsina. Iniharap ng mga daluhasa at departamento ng pamahalaan ang mga plano at hakbangin para malutas ang mga ito. Pero wala pang anumang mabisang plano at hakbangin.
Ang kahirapan sa paglutas ng nasabing mga isyu ay nagmula sa pagbabago ng kapaligirang panlipunan ng Tsina higit 30 taon na ang nagdaan.
Sa isang dako, tumaas ang kahilingan ng mga mamamayang Tsino sa lebel ng kanilang pamumuhay kasunod ng mabilis na pag-unlad ng Tsina. Sa kabilang dako naman, ang pagkalat ng mga social media na gaya ng Weibo (Chinese Twitter at Facebook) ay nagpapasulong ng ideya ng mga mamamayang Tsino sa pangangalaga sa sariling karapatan at kapakanan at impluwensya ng mga opinyong publiko.
Sa katotohanan, para sa bansang Tsina, iilang bahagi ng populasyon ay mahirap ang pamumuhay, sa kabila ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan. Pero para sa mga mamamayang Tsino, sabayang nakakapagtamasa sila ng pagkakataon na dulot ng mabilis na pag-unlad ng Tsina, kinakaharap din nila ang mga hamon na dulot naman nito.
Para sa CPC, naghaharing partido ng Tsina, ang anumang hakbangin at patakaran na gagamitin sa hinaharap ay dapat makatugon, hindi lamang sa pag-unlad ng bansa, kundi maging sa kahilingan ng mga mamamayan. Kaya ang tanong ng marami, handa na ba ang ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC para isulong ang pangkalahatang pag-unlad ng Tsina sa hinaharap?
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |