Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Ano ba ang mga rekord ni Hu Jintao noong nakaraang 10 taon?

(GMT+08:00) 2012-11-12 11:14:32       CRI

Matatapos sa buwang ito ang termino ni Hu Jintao bilang Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina o CPC. At sa Pambansang Kongreso ng Bayan o NPC ng Tsina na idaraos sa Marso ng taong 2013, matatapos din ang termino niya bilang Pangulo ng bansang ito. Mabunga ang pamumuno ni Hu sa Tsina, subalit nag-iwan din ng mga kalungkutan at hamon.

Noong nakaraang 10 taon, mabilis na umunlad ang kabuhayang Tsino, malaki ang pagbabago ng lipunan, lumakas ang kakayahang militar, siyensiya at teknolohiya, at itinaguyod ang mga malaking aktibidad na ikinarangal ng mga mamamayang Tsino na gaya ng Beijing Olympic Games, parada bilang pagdiriwang Ika-60 Anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China at Shanghai World Exposition.

Sa kabilang dako naman, nanalasa ang mga likas na kapahamakan sa Tsina, halimbawa ang SARS noong 2003, malubhang pagyeyelo at pag-ulan sa dakong timog noong 2008, at malakas na lindol sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan noong 2008. Lumalaki din ang agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap. Naging malubha ang presyur sa pamumuhay ng mga karaniwang mamamayan. At kulang ang mga gawain ng pamahalaan sa transparency at istandardisasyon.

Ang sariling imahe ni Hu sa mga mamamayan

Noong 2010 Spring Festival Season, bumisita si Hu sa isang pamilya ng mga magsasaka sa Lalawigang Jiangxi sa dakong timog ng Tsina. Sa litrado, nagluluto si Hu, kasama ng mga miyembro ng nasabign pamilya, ng isang uring katutubong merienda  bilang pagdiriwang sa pestibal.

Kahit anuman ang pagtasa sa mga gawain ni Hu nitong 10 taon nakaraan, gusto talaga ng mga mamamayang Tsino si Hu. Siya ay tinatawag na "Qinmin Lingxiu" o lider na matalik na kaibigan ng mga mamamayan.

Sa tradisyonal na ideya ng Tsina, ang relasyon sa pagitan ng mga lider ng bansa at mga mamamayan ay parang tatay at anak sa isang pamilya. Ito ang nagmula sa pamantayan ng Confucianists sa kaayusang panlipunan na nakaapekto sa Tsina noong mahigit 2000 taon.

Kaya palagiang nakikita si Hu na nakikipagkuwentuhan sa mga karaniwang mamamayan, nagluluto para sa mga karaniwang mamamayan, at naglalaro kasama ng mga bata.

Mga target at pagsisikap ni Hu

Sa litrado, nakikipagusap si Hu sa isang batang babae na iniligtas mula sa malakas na lindol na naganap sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan noong 2008

Noong nakaraang 10 taon, iniharap ni Hu ang mga teorya at ideya, na gaya ng Scientific Outlook on Development, Harmonious Society, at ibang mga ideya para maisakatuparan ang balanse, sustenable at makatarungang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina, at malutas ang mga isyung panlipunan na gaya ng moralidad, komprontasyon at korupsyon.

Sa larangan ng pagpapaunlad ng Tsina, mahusay talaga ang gawain ni Hu, ang Tsina ay naging ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, naglunsad ang Tsina ng manned space flight at nagpadala ng kauna-unahang babaeng astronaut sa kalawakan. Ayon sa ahenda, maitatatag ang sariling space station sa taong 2020. Bukod dito, isinaoperasyon ang kauna-unahang aircraft carrier ng tropang pandagat ng Tsina.

Pero dahil wala pang isang komprehensibo, obhektibo at makatarungang sistema ng pagtasa sa gawain ng mga pamahalaan at opisyal, ibig-sabihin, ang pagtasa sa pag-unlad ng kabuhayan ay pangunahing pamatayan pa rin para sa gawain ng mga pamahalaan at opsiyal, hindi masyadong malaki ang progreso ng CPC sa mga isyung panlipunan.

Tulad ng sinabi ni Hu sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng sesyong plenaryo, dapat patuloy na igiit ng CPC ang gawaing paglaban sa korupsyon at pangangalaga sa katatagan ng lipunan. Nagpapakita ito na nananatiling malubha ang mga hamon na kinakaharap ng CPC sa mga isyung panlipunan.

Mga hamon at kalungkutan

Noong 2010, naglakbay-suri sa Hu sa lalawigang Hebei sa dakong hilaga ng Tsina. Sa litrado, pinakikinggan ni Hu ang pagsalaysay ng isang magsasaka hinggil sa kanyang mga initamin na kulay.

"Guofu, Minqiong" o nagiging mas mayaman ang bansa pero mahirap naman ang mga mamamayan, ito ang isang puna sa kalagayan ng Tsina nitong 10 taong nakalipas.

Pero, hindi makatotohanan ang nasabing puna. Bumuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino nitong nakaraang 10 taon at mas malaki ang bahagdan ng pagtaas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan sa loob ng panahong ito kaysa bahagdan ng pagtaas noong 1990s, higit sa panahon mula 1950s hanggang 1980s.

Pero kumpara sa mabilis na pag-unlad ng bansa at malaking kadaragdagan sa pribadong ari-arian ng iilang Tsino, masasabing mahirap ang pamumuhay ng halos lahat ng mga karaniwang mamamayan.

Sa isang dako, tumaas ang lebel ng kahilingan ng mga karaniwang mamamayan sa kanilang pamumuhay. Sa kabilang dako naman, ito ay nagpapakita na hindi pa nalutas ng CPC ang isyu ng paggarantiya ng pagkakapantay-pantay ng mga bunga ng pag-unlad ng lipunan.

Ang ganitong kalagayan ay kumakalat ng buong bansa sa pamamagitan ng social media na gaya ng Weibo o Chinese Facebook at Twitter at humantong sa pagkabahala ng dumaraming mamamayang Tsino. Kahit buong sikap na pinaliit ni Hu ang polarisasyon sa lipunan at napangalagaan ang katatagan ng lipunan. Hindi masyadong malaki ang pagbabago ng ganitong kalagayan sa huling dako ng kanyang termino.

Masasabing kahit iniharap niya ang mga magandang teorya at hangarin, hindi pa naisakatuparan ang lahat ng mga ito.

Hu and Xi

Kung walang di-inaasahang pangyayari, si Xi Jinping ang magiging bagong lider ng CPC at Tsina. Kaugnay ng mga natamong bunga at hamon na iniwan ni Hu, ano ang mga hakbnagin na gagawin ni Xi? Ito ang may mahigpit na kaugnayan sa hinaharap ng Tsina.

Back To Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>