Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Imahe ng mga lider ng Tsina

(GMT+08:00) 2012-11-28 14:53:33       CRI

Kahit katatapos lang ng paghalal ng bagong liderato ng CPC, ang mga litrado kamakailan nina Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos at Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng Thailand, apinag-usapan ng mga karaniwang mamamayang Tsino.

Ang naturang litrato ay kinunan habang dumadalaw si Obama sa Thailand, kasama ni Shinawatra, magandang Punong Ministro ng bansang ito. Ang kanilang mga kilos, ngiti at sulyap ng mata ay nahuli sa litrado at mukhang higit pa sila sa matalik na magkaibigan, tila lumampas sa normal na relasyon sa pagitan ng babae at lalaki na kapwa may asawa na.

Pagkatapos nito, dumalo naman si Premyer Wen Jiabao ng Tsina sa Thailand, nakipag-usap kay Shinawatra. Ang kanilang litrado ay tulad lang ng normal na matalik na magkabigan.

Kung ihahambing ang mga imahe ng mga lider ng ibang mga bansa sa mga publikong aksyon, ang impresyon ng mga liderato ng Tsina na nag-iwan sa mga tao ay mukhang pare-pareho na seriyoso, o hindi palabiro. Bakit ganoon?

Ang mga kasuotan ng mga liderato ng Tsina

Kung bubusisiin ang kasuotan mga liderato, simple ang kanilang mga damit at ilan lang ang istilo ng mga ito. Gayupaman sila ang kapag dumadalo sila sa mga opisyal na aktibidad, pare-pareho ang kanilang mga damit at di nagbabago lalo na ang kanilang istlo sa buhok.

Noong 1938, nagtipun-tipon ang mga mataas na opisyal ng CPC sa Yan'an, Probinsyang Shanxi. Si Mao Zedong ay umupo sa ika-2, kaliwa sa litrado.

Noong 1938, nag-usap sina Mao Zedongat .Liang Shuming (kaliwa sa litrado), kilalang dalubhasa ngTsina.

 

Noong 1960s, lumangoy si Mao Zedong sa Beidaihe, Probinsyang Hebei.

Kung sila ang dumalo sa mga opisyal na okasyon, walang duda, suit ang kanilang kasuotan, kung sa trabaho o sa mga di-pormal na lugar, ang pagkakaiba sa kanilang damit ay nagsusuot sila ng jacket o polo shirt lang, pero ang ibang mga damit ay pareho. Ang kulay ng jacket ay itim lang. Kahit sa mga mahihirap na lugar, binago nila ang kanilang sapatos para mas maginhawang maglakad.

Ang kaugaliang ito ay nagmula pa noong panahon bago itatag ang People's Republic of China. Dahil noong panahong iyon, mahirap ang kondisyon ng lugar na pinamumuhuan ng CPC, isinagawa nila ang patakaran ng pangangasiwa sa istilong militar, pare-pareho ang pamumuhay ng bawat tao, higit sa kanilang damit at pagkain. Bukod dito, kinakatigan nila ang ideya at kilos ng pagtitipid.

Kahit umuunlad nang mabilis ang kabuhayang Tsino at bumubuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino. Pero ang kaugaliang ito ay nananatili pa rin sa mga opisyal ng CPC.

Noong 1950s, naglaro si Deng Xiaoping ng billard

Noong 1980s, naglaro si Deng Xiaoping ng Bridge.

Ang ekspresyon ng mga liderato

Ang ekspresyon ng tao ay nagpapakita ng damdamin at impormasyon. Ang mga litrado nina Obama at Shinawatra ay maayos na katayunan. Pero kung makikita ang mga ekspresyon ng mga liderato ng Tsina, simple lang ang mga ito. Maliit ang pagbabago. Halimbawa, bihirang nakikita na buong pusong humahalaklak at humihiyaw sila, walang anumang ekspresyon o damdamin sa kanilang mukha, di ba?

Naglaro si Hu Jintao ng pingpang

Kapag nakikita ang mga litrato ni Mao Zedong at ibang mga lider sa kontemporaryong panahon. makulay talaga ang kanilang ekspresyon. Pero maiksi ang ganitong panahon na tumagal lang ng 17 taon mula ng pagkakatatag ng People's Republic of China (1949) hanggang pagsisimula ng Cultural Revolution (1966).

Habang itatag ang PRC, mas bata ang edad ng mga liderato noong panahong iyon kaysa mga liderato noong mahigit 20 taon. Halimbawa, noong 1949, si Mao Zedong ay 56 na taong gulang, si Zhou Enlai ay 51 taon gulang, si Deng Xiaoping ay 45 taong gulang. Noong 1992, si Jiang Zemin ay 66 na taong gulang, si Li Peng ay 64 taong gulang, si Zhu Rongji ay 64 na taong gulang. Noong 2002, si Hu Jintao ay 60 taong gulang, si Wen Jiabao ay 60 taong gulang. Taong 2012, si Xi Jinping ay 59 na taong gulang, si Li Keqiang ay 57 taong gulang.

Ang isa pang bagay ay kapag nagsisimula ang isang bagong rehimen, palagiang puno ng pag-asa at optmistiko ng mga liderato.

Noong 2008, naglaro si Wen Jiabao ng basketball

Hilig ng mga liderato

Sa katotohanan, mahilig talaga ang mga lider ng Tsina sa palakasan. Halimbawa si Hu Jintao ay marunong sa table tennis, si Wen Jiabao ay marunong sa basketball, si Xi Jinping ay marunong sa football. Pero bihira silang nakikitang naglalaro ng paboritong palakasan, ang trabaho lang ang aspeto ng buhay nila na ipinakikita sa mga media.

Ano ang balance sa pagitan ng sariling hilig at trabaho? Mahirap itong masabi para sa mga lideratong Tsino.

Pagbabago ng imahe ng liderato ng Tsina

Noong 2008, naglaro si Xi Jinping ng football sa Probinsyang LIaoning.

Noong 2011, naglaro si Xi Jinping ng football sa Ireland.

Ano ang tipong imahe ng liderato para sa mga mamamayang Tsino? Mahirap talaga ang pagtakda ng isang maliwanag na istandard. Kahit popular na popular si Obama sa Tsina dahil sa kanyang ngiti, hitsura, pananalita at kilos, wala pang palatandaan na tintanggap ng mga mamamayang Tsino ang isang lider Tsino na may parehong istilo sa kanya.

Mula kay Mao hanggang kay Xi, nagbabago ang mga imahe ng mga liderato ng Tsina. Kahit simple pa rin ang kanilang kasuotan, nagiging mas bukas at uso ang mga ito. Kahit simple ang kanilang ekspresyon, mapagkaibigan at maginhawa ang kanilang pananalita. Kahit hindi sila eksperto sa palakasan at macho-guwapito, gusto nilang maglaro, kasama ng mga karaniwang mamamayang Tsino. Kahit matanda sila, sila ay matalik na kaibigan ng mga mamamayang Tsino.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>