![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Sa naturang aktibidad, may isang espesyal na panauhin na nakatawag ng pansin ng mga media. Siya ay si Peng Liyuan, asawa ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina, at Pangalawang Pangulo ng bansang ito. Si Peng ay gumanap ng papel sa isang public welfare video hinggil sa AIDS.
Sa bagong sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na idaraos sa Marso ng taong 2013, matatapos ang termino ni Hu Jintao bilang Pangulo ng Tsina. At may pag-asang mahahalal si Xi Jinping bilang bagong Pangulo ng Tsina. Kung ganoon, si Peng ay magiging bagong First Lady ng Tsina. Pero kumpara sa mga dating First Ladies, may mga nagkakaibang katangian si Peng.
Kung mababanggit ang mga First Ladies ng Tsina, ano ang mga impresyon na iniwan nila sa isipan ng mga mamamayang Tsino at media? Mukhang tumayo lang sila sa tabi ng kanilang asawa sa mga mahalagang okasyon na gaya ng pakikipagtagpo sa mga dayuhang lider. Bihira silang nakikita na sarilinang nagsasagawa ng mga aktibidad. Ang nasabing kalagayan ay sumasaklaw sa mga asawa ng mga mataas na opisyal ng Tsina ngayon.
Tulad ng alam ng lahat, hindi kailangang itakwil ng mga kababaihan dito sa Tsina ang kanilang mga trabaho pagkatapos ng pag-aasawa. Pero kung ang kanilang asawa ay opisyal ng pamahalaan at CPC, lalo na sa mataas na antas, buong sikap nilang iniiwasang lumitaw sa mga media kung hindi kailangan ng kanilang asawa.
Kaya malaki ang pagkakaiba ni Peng sa naturang mga asawa ng opisyal na Tsino. Noong 2006, si Peng ay napili bilang boluntaryo ng pamahalaang Tsino sa pagpapalaganap ng mga kaalaman hinggil sa AIDS at Espesyal na Sugo ng United Nations International Children's Emergency Fund.
Bago mahalal si Xi bilang pangalawang Pangulo ng Tsina, mas sikat si Peng kay Xi para sa mga mamamayang Tsino. Si Peng minsan ay isang napakasikat at magaling na folk singer sa Tsina sapul noong 1980s. Pero si Xi ay isang opisyal lamang sa pamahalaang lokal.
Umawit si Peng sa isang evening gala.
Sa katotohanan, sapul noong 2007, maayos na ginagawa ni Peng ang kanyang trabaho. Kahit bihira siyang umaawit sa mga pagtatanghal, konsiyerto, at ibang aktibidad na pampubliko, hindi siya namalagi sa bahay, tulad ng mga dating First Ladies. Aktibo siyang lumahok sa mga public welfare activities na tulad ng pagpapalaganap ng mga kaalaman hinggil sa AIDS sa mga mamamayang Tsino.
Sa Amerika, ang Firs Lady na si Michelle ay hindi lamang asawa ni Pangulong Barack Obama, kundi mahalaga rin siyang partner sa mga trabaho na gaya na pangangandidato at pagpapaliit ng agwat sa pagitan ng mga karaniwang mamamayang Amerikano. Sa Britanya, si Prinsesa Kate ay mas sikat at popular din kaysa sa kanyang asawa at siya rin ay nagpapataas ng kabighanian ng royal family, hindi lamang sa loob ng bansa, kundi maging sa buong daigdig.
Si Michelle Obama
Si Prinsesa Kate
Dahil diyan, Si Peng ay mas malapit sa estilo ng mga Fist Ladies sa ibang bansa at sana siya ay makaganap ng mas malaking papel sa hinaharap para baguhin ang kasalukuyang kalagayan, kung saan ang First Lady ay asawa lamang ng pangulo.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |