|
||||||||
|
||
Noong ika-9 ng Disyembre, 21 babaeng alkalde ng Tsina ang nagtapos sa kanilang mga kurso na gaya ng pagdesenyo ng magandang personal na imahe, pakikipagkoordina sa mga media, paglalagay ng make-up, tea ceremony, at flower arrangement. Ang nasabing klase na itinaguyod ng China Association of Mayors at Shanghai Jiao Tong University, ay naglalayong ituto sa mga babaing alkalde kung papaano humarap sa mga media,maging isang mahusay na opisyal at mas mabuting pagpapakita ng imahe ng sarili at lunsod na pinagtatrabahuhan.
Mga pagkatig at pagtutol
Pagkatapos ng pagpalabas ng balitang ito sa mga dyaryo ng Tsina, ito ay nakatawag ng pansin ng buong lipunan ng Tsina.
Ipinalabas ang artikulo ng Chang Jiang Daily, isang dyaryo sa Wuhan, na nagsasabing kahit mahalaga ang imahe at hitsura para sa isang opisyal, mas mahalaga ay mga bunga ng kanyang gawain. Kaya anito para sa mga kababaihang alkalde, ang kanilang ideya at paraan ng paglilingkod sa mamamayang lokal, sa halip ng make-up, ang pinakamabisang paraan para ipakita ang kanilang kagandahan.
Ang nasabing artikulo ay sinipi nang maraming beses sa mga website. Pero mayroon ding mga artikulo sa China Daily, China National Radio para kumatig sa naturang mga alkalde. Ipinalalagay nito na ang mga kurso sa klase ay makakatulong sa mga babaing alkalde sa trabaho. Para sa naturang mga alkalde, sila ay mga babae, kaya may parehong kapangyarihan sila sa pagpapaganda at paglalagay na make-up na tulad ng ibang mga babae kahit sila ay mga lingkod-bayan.
Kailangan ba ang ganitong klase para sa mga opisyal?
Ang mga babaeng alkalde ay nag-aaral ng pagdesenyo sa personal na imahe
Sa katotohanan, ang nukleong isyu na pinagtutuunan ng mga media hinggil sa nasabing insidente ay kailangan ba ang ganitong uri ng pag-aaral para sa mga opisyal?
Sa ibang mga bansa, ang pagtutuon ng pansin sa sariling imahe ay isang mahalagang gawain para sa mga opisyal, pero dito sa Tsina, ang naturang gawain ay hindi pa nagiging isang bokasyonal na industriya. Kaya hindi alam ng mga mamamayang Tsino kung ano ang ginagawa ng nasabing industriya.
Dito sa Tsina, ang mga opisyal ay napipili sa pamamagitan ng margin election at ang pangunahing pamantayan ng pagtasa sa isang opisyal ay bunga ng kanyang trabaho. Sa katotohanan, ang karaniwang imahe para sa isang opisyal ay mas popular sa personal na imahe, dahil madaling pinapansin ng mga mamamayan at media ang tagumpay sa trabaho ng isang opisyal kaysa anyo. Kung ang isang opisyal ay macho-guwapito, ang pokus ng atensyon ng pansin ng mga media at mamamayan ay palagi ang kanyang hitsura, damit at kilos.
Ang isa pang dahilan hinggil sa pagtaguyod ng ganitong klase ay nagmula sa pagkabahala ng mga mamamayan sa trabaho ng pamahalaan.
Tulad ng alam ng lahat, kinakaharap ng Tsina ang mga hamon, hindi lamang sa pag-unlad ng kabuhayan, kundi sa katatagan at harmonya ng lipunan. Sa ilalim ng kalagayang ito, gusto ng mga mamamayang Tsino na makitang buong sikap na lutasin ng mga opisyal ang mga kinakaharap na kahirapan sa halip ng pagpapabuti ng sariling imahe, kahit walang direktang kaugnayan sa pagitan ng dalawang panig.
Mga imahe ng mga kababaihang opisyal dito sa Tsina
Ang lahat ng mga babaeng alkalde at kanilang mga guro
Kumpara sa mga kalalakihang opisyal, ang mga kababaihang opisyal ay mas madaling nakakatawag ng pansin, hindi lamang sa Tsina, kundi sa buong daigdig, halimbawa sina Hillary Clinton, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng Thailand, Gloria Macapacal Arroyo, dating Pangulo ng Pilipinas at iba pa.
Pero ang isang komong katangian ng mga babaing opisyal dito sa Tsina ay ang kanilang hitsura, damit, estilo ng buhok, higit pa sa kilos ay di nalayo ang estilo ng mga lalaking opisyal.
Bukod sa tradisyonal na kaugalian hinggil sa pamantayan ng pagtasa sa opisyal dito sa Tsina, ito ay nagmula rin sa patakaran noong panahon ni Chairman Mao Zedong.
Iniharap ni Mao ang patakaran ng pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan at buong sikap na nagpasulong siya ng patakarang ito. Sa panahong iyon, ang pinakapopular na imahe ng mga kababaihan ay kawal, manggagawa at magsasaka. Gusto ng mga kababaihan na ipakitang maari silang gumawa ng parehong trabaho sa mga kalalakihan.
Dahil dito, ang mga katangiang pambabae ay unti-unting nawawala sa imahe ng mga babaing opisyal. Pero kasunod ng pagbubukas ng Tsina sa labas, kung papaanong pabubutihin ang imahe ay mahalagang gawain naman para sa isang opisyal. Kung ganoon, dapat tanggapin naman ang pagpapaganda ng mga babaing opisyal, dahil wala itong kaugnayan sa kanyang kakayahan sa trabaho.
Back To Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |