Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Pasko dito sa Tsina 2012

(GMT+08:00) 2012-12-23 22:11:39       CRI

Papalapit na ng Pasko, at bilang pagsalubong sa pagdating ni Santa Claus, umulan kamakailan ang mala-bulak na niyebe sa Beijing na parang kumot sa ibabaw ng buong lunsod. Bukod dito, nagyelo rin ang mga lawa. Sa panahong ito, makikitang gumagawa ng mga snowman ang mga tao, naglalaro rin sila ng batuhan ng snow, at skating sa lawa. Masaya ang mga tao kapag naglalaro ng mga ito, mukhang handa na sila para sa "White Christmas", di ba?

Masaya talaga ang mga tao sa buong mundo dahil sa Kapaskuhan. Kahit hindi piyesta opisyal ang Pasko dito sa Tsina, mayroon ding mga party o salu-salo bilang pagdiriwang sa nasabing pestibal. Salamat sa pagkalat ng website at TV sa buong Tsina, alam na ng halos lahat ng mga mamamayang Tsino ang mga dayuhang kultura at pestibal, at unti-unting tinatanggap ang mga ito.

Sa katotohanan, hindi lamang ang Pasko, ang ibang mga dayuhang pestibal na gaya ng Araw ng mga Puso, ay popular din dito sa Tsina. Mukhang ang Nasyong Tsino ay isang lahi na gustong ilipas ang iba't ibang mga pestibal.

Kaya nais ng mga mamamayang Tsino na ipaabot ang kanilang pagbati sa nasabing mga pestibal. Halimbawa, ang Pasko ay pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesu Kristo at pagsasama-sama ng buong pamilya. Ang Araw ng mga Puso naman ay nagpapahiwatig ng masayang kinabukasan ng mga magkasintahan.

Bukod dito, kasunod ng pagbubukas ng Tsina sa labas, gusto ng mga tao na magkaroon ng bayad na bakasyon sa Pasko para makapag-tuor sa ibang bansa upang maramdaman ang kakaibang atmospera ng Kapaskuhan. Pero ang mas nakakaakit na lugar ay mga mainit na baybaying-dagat, dahil sa panahong ito, malamig ang maraming lugar ng Tsina, liban Hong Kong, Probinsyang Hainan at Guangdong.

Ang paraan ng mga tao sa pagdiriwang ng Pasko ay puno ng estilong Tsino. Halimbawa, walang turkey pero may hot pot, pinakapopular na pagkain sa taglamig sa Tsina. Walang Santa Claus pero nagbibigay naman ang mga regalo ng mga tao sa isa't isa. Ang mga salu-salong Pamasko dito sa Tsina ay palagiang idinaos sa pagitan ng mga matalik na kaibigan, sa halip na mga miyembro ng pamilya lamang.

Dahil dito, ang Pasko ay mas malaking nagustuhan ng mga mangangalakal na Tsino. Para sa kanila, isa itong pagkakataon upang i-promote ang kanilang mga produkto. Siguro ito ang nagkakaisang katangian sa Tsina at ibang mga bansa hinggil sa Pasko.

Maligayang Pasko sa iyong lahat!

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>