Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Paalam, 2012

(GMT+08:00) 2012-12-30 19:06:55       CRI
Ilang araw na lang, matatapos na ang taong 2012. Sa taong ito, naganap ang mga importanteng pangyayari sa buong daigdig. Halimbawa, naihalal ang mga bagong lider ng Tsina, Rusya, Estados Unidos, Pransya at ibang mga bansa. Idinaos ang London Olympic Games, ikinasal sina Prinsipe William at Kate na nasaksihan ng buong daigdig.

Bukod dito, kinakaharap ng Unyong Europeo at Amerika ang krisis na pinansiyal. Sa Gitnang Silangan, magulo ang kalagayan ng Syria at malubha ang hidwaan sa pagitan ng Israel at Palestina.

Para sa Tsina, natamo ang malaking progreso sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Iniharap ng Partido Komunista ng Tsina o CPC at pamahalaang sentral ang target ng pagdodoble ng GDP at karaniwang kita bawat tao sa taong 2020. Isinagawa naman ang mga mahigpit na hakbangin para sagpuin ang korupsyon at pabutihin ang kapaligiran. Pero hindi pa natapus ang hidwaang panghangganan sa ibang mga bansa sa Diaoyu Islands at South China Sea. Ang pambansang kabuhayan ay naapektuhan ng krisis na pinansyal sa Europa at Amerika.

Bukod pa riyan, ang isang malawak na penomino dito sa Tsina ngayon, kasunod ng pag-unlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay, ay ang lumalaking presyur ng mga karaniwang Tsino sa pamumuhay, trabaho at pag-aaral at saka nararamdaman nila ang pagod at kawalang-kasiyahan. Dito sa Tsina, ang salitang "Alexander" o "Yalishanda" sa wikang Tsino ay nangangahulugan na ang presyur ay mas malaki at mabigat kaysa kabundukan.

Kaya, para sa mga karaniwang Tsino, umaasa silang ibayo pang pabubutihin ang mga isyu na may mahigpit na kaugnayan sa kanilang pamumuhay, gaya ng edukasyon, pabahay, at kapaligiran.

Pagkakapantay-pantay sa edukasyon

Ang edukasyon ay napakahalaga at karapat-dapat ipauna sa gawain ng anumang pamahalaan sa buong daigdig. Dito sa Tsina, masasabing ang national entrance exam ay nakakaapekto sa kapalaran ng isang bata.

Dahil sa household register system, ang mga bata ay dapat lumahok sa nasabing eksam na itinaguyod sa mga lugar kung saan ang kanilang rehistradong tirahan sa halip ng tunay na lugar pinaninirahan nila.

Pero kasunod ng pagpapalaki ng mga lunsod, dumarami nang dumarami ang mga magsasaka na nagtatrabaho at namumuhay sa mga lunsod. Ibig-sabihin, inilipat din sa mga lunsod ang kanilang mga asawa at anak. Pero dahil sa kahirapan sa paglipat ng kanilang rehistradong tirahan sa lunsod mula sa kanilang lupang tinubuan. Dapat bumalik ang kanilang mga anak sa lupang-tinubuan para lumahok sa naturang eksam.

Dahil sa pagkakaiba sa bilang ng mga estudyante na pinangalap ng mga pamantasan at kolehiyo sa mga kanayunan at lunsod, ito ay humantong sa mas malubhang kompetisyon para sa mga bata sa kanayunan kaysa mga bata sa lunsod sa national entrance exam.

Presyo ng mga pabahay, walang hanggan bang taas?

Ang household register system dito sa Tsina ay may kinalaman, hindi lamang sa edukasyon, kundi maging sa ibang mga larangan na gaya ng social insurance, medicare insurance, at pagbili ng kotse sa mga lunsod.

Sa katotohanan, ang ubod na isyu ng household register system ay isyu ng pabahay o masasabing kung sinuman ang may-ari ng isang bahay, kahit gaano ito kalaki, madali silang makakakuha ng rehistradong tirahan sa lugar kung saan ang bahay nila.

Pero napakamahal ng mga bahay, lalo na sa mga malalaking lunsod na nalampasan ng kakayahan ng mga karaniwang tao sa pagbayad. Ayon sa datos, tumaas ang presyo ng mga bahay sa 70 lunsod sapul noong nagdaang Setyembre na naging record sa kasaysayan, at kasabay nito, tumaas naman ang upa. Kumpara sa pagtaas ng presyo ng mga bahay, hindi kasinbilis ang paglaki ng kita ng mga karaniwang tao.

Kahit isinagawa ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin para kontrolin ang kay-bilis na pagtaas ng presyo ng mga pabahay at itayo ang mga public rental house, mukhang hindi ito umabot sa inaasahang target.

Isyu ng kapaligiran, lumulubha ba?

Sapul nang insidente ng milk powder na may labis na melamine noong 2008, kinakaharap ng mga mamamayang Tsino ang panganib sa pagkain. Pero sa taong 2012, ang isyu ng fine particulate matter 2.5 micrometers o less (PM2.5) ay nagpapakita ng malubhang hamon na kinakaharap ng kapaligiran dito sa Tsina. Ito rin ay may direktang panganib para sa kalusugan ng mga tao, dahil hindi kayang pumili ng tao ang hangin na kanilang lalanghapin.

Dahil dito, mas napagtuunan ng pansin ng mga tao ang pagbuga ng usok ng mga kotse, pagtitipid ng enerhiya sa pang-araw-araw na pamumuhay, at mga hakbangin ng pamahalaang Tsino para pabutihin ang kalidad ng hangin.

Tulad ng alam ng lahat, ang pagpapabuti ng kondisyon ng kapaligiran ay isang mahirap na isyu na nangangailangan ng mahabang panahon at malaking laang-gugulin. Para sa Tsina, naging malubha at kritikal na ang isyu ng kapaligiran. At kailangang lumahok ang pamahalaan at buong sambayanang Tsino para lutasin ang isyung ito

Sabi daw ang ika-21 ng Disyembre ay "end of the world", pero sumikat pa rin ang araw kinabukasan. Kahit kinakaharap ng Tsina ang mga hamon, hindi lamang sa edukasyon, pabahay at kapaligiran, maganda talaga ang kinabukasan ng Tsina, kung patuloy na magsisikap at mananalig ang mga mamamayang Tsino.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>