Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Bagong taon, bagong simula

(GMT+08:00) 2013-01-06 19:09:48       CRI

Pumasok na taong 2013 at ang umano'y "end of the world" sa taong 2012 ay naganap lamang sa pelikula. Sa katatapos na bakasyon ng Pasko at Bagong Taon, masaya talaga ang atmospera sa buong daigdig, kahit di-maganda ang kalagayan sa ilang lugar.

Sa pagsisimula ng bagong taon, sana ay maging mas masaya at malusog ang pamumuhay ng mga tao sa buong mondo at maging mapayapa at matatag din ang kalagayang pandaigdig. Dahil dito, kailangang magsikap ang buong daigdig para rito.

Noong taong 2012, naganap ang mga pangyayari na may malaking impluwensya sa buong daigdig na gaya ng sovereign debt crisis sa mga kasaping bansa ng Unyong Europeo (EU) at krisis na pangkabuhayan sa Amerika. Ang naturang mga pangyayari ay hindi pa natatapos at patuloy itong makakaapekto sa kalagayang pandaigdig sa taong 2013.

Tila napahupa na ang sovereign debt crisis ng EU at nananatiling nagkakaisa ang mga kasaping bansa patungo sa pagbangon. Pero ang paglutas sa krisis ng Euro ay tanging bunga na natamo ng EU noong 2012. Sa ibang dako, malubha ang kalagayang pangkabuhayan ng mga kasaping bansa kung saan naganap ang krisis na pinansiyal at hindi pa nararating ang nagkakaisang posisyon ng mga kasaping bansa sa kani-kanilang responsibilidad sa pagpapasulong ng paglutas sa krisis.

Sa ibang dako ng Atlantic Ocean, hindi pa nalalayo sa mahigpit na kalagayan ang kabuhayan ng bansang Amerika, pinakamalaking ekonomiya at pinakamalakas na puwersa sa daigdig. Walang duda, si Pangulong Barack Obama ay isang mahusay at simpatikong lider, dahil siya ang unang pangulo sa kasaysayan ng Amerika na nanalo sa halalan sa ilalim ng kalagayan na mas mataas ang unemployment rate sa 7%. Ibig-sabihin, matibay ang pananalig ng mga Amerikano sa kakayahan ni Pangulong Obama, kahit wala pang maliwanag na proweba na bumuti ang kalagayang pangkabuhayan sa kanyang unang termino.

Nag-iwan ng malalim na impresyon sa daigdig ang umano'y ginawa ng pamahalaang Amerikano na easy monetary policy o paglilimbag ng mas maraming dolyares, isang global currency.

Sa ilalim ng kalagayang ito, ang buong daigdig ay tumingin sa kalagayan ng Tsina kung saan nananatiling mabilis ang paglaki ng kabuhayan nito. Kahit hindi masyadong maganda ang 7.5% na paglaki ng kabuhayang Tsino kumpara sa bahagdan ng paglaki nitong narakaraang mga taon, talagang mas maganda ito kumpara sa ibang mga bansa, lalo na sa mga bansang kinakaharap ang krisis na pinansyal.

Pero hindi ito nangangahulugan na maaring lutasin ng Tsina ang isyung pangkabuhayan ng buong daigdig. Kahit ito ay ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ang pundasyon ng pambansang kabuhayan nito ay umaasa, pangunahin sa, pagluluwas ng mga paninda sa ibang bansa. Kaya ang impluwensya ng kabuhayang Tsino ay hindi masyadong malaki sa kalagayan ng kabuhayang pandaigdig.

Sapul nang naganap ang krisis na pinansiyal sa EU at Amerika, naapektuhan naman nang malaki ang mga bahay-kalakal ng Tsina, lalo na sa mga maliit at katamtamang bahay-kalakal na umaasa sa pagluluwas ng kanilang produkto sa Europa at Amerika. Ang naturang mga bahay-kalakal ay nagkaloob naman ng malaking pagkakataon sa hanap-buhay para sa mga mamamayang Tsino.

Malaki ang pamilihang Tsino, pero ang pangangailangang panloob ay hindi kasintaas sa kakayahan ng produksyon ng mga industriya. Sa ilalim ng ganitong kalagayan, mahalaga talaga ang pamilihan ng Europa at Amerika. Kaya ang krisis na pinansiyal sa naturang 2 panig ay malaking hamon naman para sa kabuhayang Tsino.

Bukod pa riyan, ang paglutas sa krisis na pinansyal ay nangangailangan ng magkakasamang pagsisikap ng iba't ibang may kinalamang bansa. Dapat maayos pa ring isakatuparan ang kani-kanilang responsabilidad sa halip na isaalang-alang lamang ang sariling kapakanan.

Sa pagpasok ng taong 2013, sana ay malutas ang nasabing mga isyu at sana ay maging mas masaya, mapayapa, matatag rin ang buong mondo.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>