Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Pagtugon sa polusyon sa Beijing

(GMT+08:00) 2013-01-23 18:02:12       CRI
Ang kalidad ng hangin sa Beijing kamakailan ay nagiging tampok na isyu sa buong Tsina. Noong nagdaang Sabado at Linggo, hindi lamang sa Beijing, kundi mahigit 30 iba pang lunsod ang nasa balag ng makapal na fog at haze, dahil sa malubhang polusyon ng hangin.

Ayon sa datos na ipinalabas ng Sentro ng Beijing sa Pagmomonitor ng Kalidad ng Hangin, ang bilang ng PM2.5 (fine particulate matter 2.5 micrometers o less) sa hangin ay lumampas sa 900 microgram bawat metro kubiko. Ito ay sobrang taas sa istandard ng kaligtasan ng hangin. Kasinlubha ang polusyon ng hangin sa mahigit 30 lunsod na gaya ng Tianjin, Wuhan, at Harbin.

Hindi lamang sa taong 2013, naganap ang parehong kalagayan sa taglamig nitong ilang taong nakaraan. Ayon sa pag-analisa ng dalubhasa mula sa Kawanihang Meteorolohikal ng Tsina, bukod sa sanhi ng panahon ng taglamig, ito rin ay may kinalaman sa polusyon ng kapaligiran na dulot ng dumaraming populasyon sa mga lunsod, emisyon ng mga kotse, at produksyon ng industriya.

Sa proseso ng pagsasalunsad ng Tsina, ang dumaraming populasyon at emisyon ay nagiging malaking hamon sa kapaligiran ng mga lunsod. Ang panahon ng fog at haze ay nagpapakitang ang kalidad ng hangin ay naging isyung kailangang-kailangang lutasin.

Noong ika-14 ng buwang ito, iniutos ng Ministri ng Pangangalaga sa Kapaligiran ng Tsina sa mga bahay-kalakal ng koryante, bakal, at ibang mabigat na industriya na bawasan ang bolyum ng pagbuga ng mga bagay na masama sa kalusugan na gaya ng SO2. Bukod dito, ang pagkontrol sa pagbuga ng mga kotse ay isa pang hakbangin para bawasan ang polusyon ng hangin.

Sa katotohanan, sapul noong 2011, itinatag ng mga lunsod ng Tsina ang mga estasyon ng pagmomonitor sa kalidad ng hangin. Bukod dito, itinakda rin ng pamahalaang sentral ang plano para sa pangangalaga ng kapaligiran. Nagpalabas ang mga pamahalaang lokal kung saan naganap ang insidente ng polusyon ng hangin ng mga pahayag para tulungan ang pag-iwas ng mga mamamayan sa epekto ng polusyon. Naitatag din ng mga ospital ang mga espesyal na departamento para lunasan ang mga nagkasakit dahil dito.

Kaugnay nito, sinabi ni Hao Jiming, dalubhasa mula sa Tsinghua University, na ang polusyon ng hangin ay may kinalaman sa estruktura ng industriya, enerhiya at plano ng konstruksyon ng lunsod, kaya ang mga pansamantalang hakbangin ay mahihirapang makakuha ng magandang epekto sa paglutas ng isyu ng polusyon.

Ayon pa rin sa Ministri ng Pangangalaga sa Kapaligiran ng Tsina, noong nakararaang 10 taon, hindi nagbago nang malaki ang estruktura ng enerhiya na gamit ang karbon bilang pangunahing enerhiya.

Sa isang dako, ang polusyon ng hangin ay may kinalaman sa kay-bilis na pag-unlad ng mga industriya at lunsod ng Tsina. Sa kabilang dako, sa ilalim ng kasalukuyang estruktura ng kabuhayan at paraan ng pag-unlad, ang mga katamtaman at maliit na lunsod ng Tsina ay nakatagpo ng parehong hamon sa pangangalaga sa kapaligiran.

Ibig-sabihin, dapat isagawa ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin at batas para mapigilan ang polusyon ng hangin sa halip ng pagsasagawa ng mga nakatugong hakbangin lamang pagkatapos ng maganap ang insidente ng polusyon. Sa kabilang dako, ang pagpigil at pagkontrol sa polusyon ng kapaligiran ay isang malaking proyekto na nangangailangan ng mahabang panahon at malaking pondo.

Sa katotohanan, ang usaping ito ay hindi lamang tungkol sa paglutas ng aktuwal na polusyon, kundi ito'y may kinamalan din ng mga batas ng pangangalaga sa kapaligiran at pagpapasulong ng balanseng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>