Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Relasyong Sino-Amerikano, saan po ba pupunta?

(GMT+08:00) 2013-01-28 15:24:28       CRI

Kasunod ng pagkahalal ng bagong liderato ng Tsina at Estados Unidos, pumasok ang relasyong Sino-Amerikano sa isang bagong yugto. Pero hindi pa maliwanag ang prospek ng relasyong ito sa hinaharap.

Para sa dalawang bansa, kapwa nilang kinakaharap ang mga hamon at banta na dulot ng mga isyung panloob. Halimbawa, ang mga isyu ng hanap-buhay, national bond, buwis, at health insurance para sa Amerika. Ang mga isyu ng pagtugon sa polusyon, paglaban sa korupsyon, pagpapataas ng kita ng karaniwang tao, at pagbabago ng estruktura ng pag-unlad ng kabuhayan para sa Tsina.

Pero sa panahon ng integrasyon ng buong daigdig, ang paglutas sa naturang mga isyung panloob ay di-maiwasang makaapekto sa kani-kanilang gawaing panlabas.

Palagiang ipinapataw ng Amerika ang sisi ng isyu ng hanap-buhay at national bond sa mga murang mangagawa at napakalaking bolyum ng pagluluwas ng Tsina. Katulad nito, sa pananaw ng Tsina, hindi gusto ng Amerika na isabalikat ang sariling responsabilidad sa pagbabawas ng emisyon at nais ilipat ang mas maraming reponsabilidad sa Tsina na lampas sa katanggap-tanggap ng saklaw.

Ang nagkakaibang kultura at sistemang pulitikal naman ay humantong sa di-tamang pagtasa at konklusyon sa mga isyu ng dalawang bansa a isa't isa, na gaya ng pulitika, lipunan at militar.

Ang nabanggit na mga bagay ay makakaapekto sa direksyon ng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano sa hinaharap. Ang katunayan ng naturang mga isyu ay puwede bang kinikilala at sinusunod ng Tsina at Amerika ang nagkakaisa at parehong istandard sa ideya at kilos?

Ayon sa ideya ni Samuel Huntington, ang Amerika at Tsina ay nabibilang sa nagkakaibang sibilisasyon. At ang nagkakaibang komong ideya at istandard ng kilos sa iba't ibang sibilisasyon ay pangunahing sanhi ng pagdulot ng sagupaan at hidwaan sa pagitan ng mga bansa na nabibilang sa nagkakaiang sibilisasyon. Kung magaganap ang sagupaan at digmaan sa pagitan ng dalawang bansa na nabibilang sa nagkakaibang sibilisasyon. Mahirap itong malulutas at mapapanatili nang mahabang panahon.

Kaya para sa Tsina at Amerika, ano ang pagtasa at pagtugon nila sa isa't isa hinggil sa mga ideya at kilos na di-nagkakaisa sa umano'y tamang bagay sa sariling pananw? Ito ang susi ng relasyong Sino-Amerikano. Dahil nagkakaiba ang mga kalagayan at katangian sa pagitan ng mga sibilisasyon, walang anumang ideya at istandard ng kilos na pare-pareho ang pagkaunawaan sa lahat ng mga ito.

Halimbawa ang nukleo ng diwang Amerikano ay kalayaan at demokrasya. Pero nagkakaiba ang pagkaunawa sa kalayaan at demokrasya sa Tsina at hindi kayang gayahin ang mga ito sa ibang bansa.

Ang hangarin Amerika sa mula't mula pa'y ipakalat ang kanyang ideya at istandard sa buong mundo. Pero pinansin nang mas marami ang Tsina sa mga suliraning panloob at hindi kayang tanggapin ang aksyong ito. Dahil kumpara sa Amerika, malayo ang pangkalahatang puwersa ng Tsina. At walang balak naman ang Tsina na isalalim ang buong daigdig sa sariling ideya at istandard ng kilos.

Kaya kahit humihigpit ang relasyong Sino-Amerikano noong nakaraang mahigit 30 taon, at napakaimportante ng dalawang bansa sa isa't isa, mas malaki pa rin ang kompetisyon at pagduda sa relasyon nila kaysa pagkakaibigan at pagtitiwalaan sa mga larangan na gaya ng pulitika, negosyo, pamumuhunan, kultura, diplomasya at militar.

Hindi itong nangangahulugan na siguradong magdigmaan ang Tsina at Amerika. Dahil ang direktang digmaan ng dalawang bansa ay sigurong hahantong sa "the end of world." Pero bilang pinakamalakas na bansa at pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, ang relasyong Sino-Amerikano ay makakaapekto sa kalagayan ng buong daigdig.

Kung igagalang at mauunawaan ng Tsina at Amerika ang nagkakaibang ideya at istandard sa isa't isa, magiging mas matatag at mabuti ang kanilang relasyon sa bagong termino ng mga liderato ng dalawang bansa. Makakabuti ito hindi lamang sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, kundi sa buong daigdig.

Back To Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>