Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Pagbili ng ticket para umuwi

(GMT+08:00) 2013-02-04 11:01:19       CRI
Nagsimula na ang taunang Spring Festival travel rush dito sa Tsina. Ito ay ang panahon ng pag-uwi ng mga mamamayang Tsino sa kanilang lupang-tinubuan para ipagdiwang, kasama ng buong pamilya, ang spring festival.

Ayon sa pagtaya ng Ministri ng Komunikasyon at Transportasyon ng Tsina, sa 40 araw na Spring Festival travel rush sa taong 2013, inaasahang mahigit 3.4 bilyong person-time ang maglalakbay. Ito ay mas malaki ng 249 milyong person-time kumpara noong taong 2012.

Dahil ang Spring Festival ay pinakamahalagang pestibal dito sa Tsina para makapiling ang buong pamiliya, dapat umuwi ang lahat ng mga Tsino sa kanilang lupang-tinubuan, kung may oras at pagkakataon sila.

Sa Wuchang Railway station, pumapasok ang sang pasahero at kanyang anak, pauwi sa lupang tinubuan

Sa Wuchang Railway station, hinihintay ng mga pasahero ang pagdating ng tren.

Kaya kapag Spring Festival travel rush, ang pagbili ng ticket para umuwi sa lupang tinubuan ay nagiging nukleong isyu ng karamihan sa mga mamamayang Tsino. At dahil ang tren pa rin ay ang pangunahing paraan sa pagbibiyahe ng mga mamamayang Tsino, ang ticket booking sa pamamagitan ng telepono at website ng Ministri ng Daambakal ay nagiging pinakaalaba sa buong bansa.

Isang armed pulis sa Niningxia Railway Station.

Dahil pa rin sa dami ng taong bumibili ng ticket, lalo na sa ticket ng tren, mayroong isang salitang Tsino na "QIang Piao", na naglalarawan sa gamito kabilis na pagbebenta at pagbili ng ticktes. Ito ay kasingkahulugan ng rush buying. Ibig-sabihin, kung nais po ninyong bumili ng ticket, dapat may sapat na pansesiya, eneriya, oras at suwerte.

Dahil sa rush buying para sa mga ticket, lumitaw ang mga iligal na software para tulungan ang pagbili ng mga tao ng tickets. Ang software na ito ay nagpapabilis sa pagsign-in ng mga tao sa opisyal na website at pagreserba ng mga tickets.

Sa Hangzhou Railway station, bumibili ang mga pasahero ng mga tickets ng tren pauwi sa lupang tinubuan

Sa Hangzhou Railway station, pumapasok ang mga pasahero sa tren pauwi sa lupang tinubuan.

Bukod dito, nagsasagawa ang mga mamamayang Tsino ng maraming paraan para makabili ng tickets. Halimbawa, nagrereserba ang buong pamiliya ng mga tickets para sa isang tao lamang. Sabayang ginagamit ng isang tao ang phone at computer para bumili ng tickets.

Upang mapahupa ang kalagayang ito, isinagawa ng mga departamento ng Tsina ang mga hakbangin na gaya ng pagdaragdag ng mga pansamantalang tren, long distance bus at bapor, pagpawi ng naturang mga iligal na software, at pagpapahaba ng panahon ng pagreserba ng mga tickets.

Sa Shanghai Railway station, pumapasok ang isang bata, kasama ng kanyang mga magulang, para umuwi sa kanilang lupang tinubuan.

Sa ibang dako, ang ganitong kalagayan ng rush buying ay nagdudulot ng pagbili ng mga tao ng mas maraming tickets kaysa kinakailangang bilang. Dahil ngayon sa Tsina, ang pagbili at paggamit ng ticket ay nangangailangan ng ID card. Kaya hindi na maaring bumili ng maraming tickets at hindi na rin ito maaring ibenta sa ibang mga tao. Ito ay humahantong sa mga kahirapan para sa pagbili ng ibang tao ng kinakailangang tickets.

Ang ganitong rush buying ay isang isyung panlipunan dito sa Tsina. Una, sobrang daming Tsino ang sumasakay sa sistemang pantransportasyon, papunta sa ibang lugar sa isang maiksing panahon. Ito ay lumalampas sa katanggap-tanggap na kakayahan ng sistema ng paghahatid.

Ikalawa, walang mga mabisang hakbangin ang mga departamento ng pamahalaan para mapahupa ang pagkabahala ng mga karaniwang tao sa pagbili ng tickets. Halimbawa, bakit ibinenta ang lahat ng mga ticket sa loob ng ilang minuto pagkatapos ng pagsisimula ng opisyal na pagbebenta? Papaano malalaman ng mga tao ang bilang ng mga natitirang ticket sa pinakamaiksing oras at pinakamadaling paraan?

Ibig-sabihin, bukod sa pagpapataas ng kakayahan sa paghahatid, dapat pabutihin din ng mga departamento ang lebel ng serbisyo para sa mga karaniwang tao.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>