|
||||||||
|
||
Sa katatapos pa lamang na Spring Festival, ang higit na kaakit-akit na regalo para sa mga batang Tsino ay ang ampao sa halip ng mga laruan. Ang ampao ay kumakatawan sa mga magandang hangarin at pagbati at malawak na aktibidad dito sa Tsina para sa Spring Festival at iba't ibang masasayang okasyon na gaya ng seremonya ng pagkasal. Pero kasunod ng pag-buti ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, ang ampao ay unti-unting nagiging pasanin para sa mga karaniwang tao.
Parents are under pressure to give more lucky money to their children during Spring Festival, and face the challenge of teaching them about financial management.
Si Ginoong Geng ay isang namang nagtatrabaho sa Beijing at ang kaniyang buwanang kita ay 4500 yuan RMB o halos 720 dolyares. Galing siya sa Penglai, isang lunsod ng lalawigang Shandong. Sa katatapos na Spring Festival, ginastos niya sa Penglai ang lahat ng ipon niya sa nagdaang taon dahil sa mga ampao.
Ang kaugalian ng pagbibigay ng ampao ay nababakas sa Qin Dynasty mula 221 BC hanggang 206 BC. Noong panahong iyon, ang barya-barya lamang ang inilalagay sa ampao para mapigilan ang sakit at patay ng mga matatanda.
Sa kasalukuyan, kasabay ng mga magagandang hangarin at pagbati na nakapaloob sa ampao, ang tumataas na halagang laman nito ay humantong sa pagkabahala at presyur ng mga karaniwang Tsino.
Malawak na ginagamit ang ampao dito sa Tsina. Ito'y isang palatandaan ng pag-asenso ng mga Tsino. Ano ang pagkaakiba sa pagitan ng mga magandang hangarin ng ampao at regalo? Siguro napakaliit talaga. Pero mas madali ang pagpili ng mga tao sa ampao kaysa regalo. Kasi ang ampao ay katumbas ng pera lamang at hindi kailangang gumastos ng maraming oras para bumili ng regalo. Sa kabilang dako, mas maraming mapaggagamitan ang pera kaysa mga regalo.
Bukod sa magagandang hangarin at pagbati, ang ampao ay ginagamit rin para mapalalim ang pakikipagkaibigan sa ibang tao. Ibig-sabihin, mas malaki ang laman gn ampao, mas malaki ang pagpapahalaga ng mga tao sa pagkakaibigan nila ng iba. Ang ganitong pagpapahalaga ay mahirap na maipakita sa mga regalo.
Sa katotohanan, ang pagtaas ng presyo ng mga paninda ng Tsina nitong ilang taong nakalipas ay humantong din sa pagtaas ng halaga laman ng ampao. Halimbawa, ang karaniwang laman ng ampao para sa mga bata ay tumaas sa 600 yuan RMB sa katatapos na Spring Festival mula sa dating 200 yuan noong nakaraang mga taon. Ang laman naman ng ampao para sa matatanda ay naging libo naman. Ito talaga ay naging malaking presyur sa pamumuhay ng mga karaniwang Tsino.
Bakit ang ampao ay unti-unting nagiging pasanin ng mga karaniwang Tsino? Bukod sa tumataas na halaga ng ampao, ang labis na pagpapahalaga ng mga Tsino ay isa pang dahilan. Dahil ang higit na malaking halaga ay hindi katumbas ng mas maraming magagandang hangarin at pagbati, ang mga ito naman ay nukleong diwa ng ampao sa halip ng pera.
Kaya kung ang ampao ay magiging mabigat na pasanin talaga ng mga tao, mas magandang pumili na lamang sila ng magagandang regalo na kapalit ng ampao para maipahayag nila ang kanilang magagandang hangarin at pagbati.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |