Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Mga pangkagipitang gawain ng bagong pamahalaang Tsino

(GMT+08:00) 2013-03-18 11:06:53       CRI

Sa katatapos na sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), naihalal ang bagong Pangulo, Premyer ng Pamahalaang Sentral at nabuo ang bagong gabinete ng bansa.

Bilang mga puno ng isang malaking bansa, ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, walang duda, malaki ang impluwensiya nila sa mga isyu sa loob at labas ng bansa. At siyempre, ang pamamahala sa ganito kalaking bansa ay isang maringal na tungkulin at mabigat na hamon para sa kanilang karera.

Nitong ilang taong nakalipas, ang isyung may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan ay nagiging nukleong gawain sa pag-unlad ng Tsina. Ang pagpapalawak ng pangangailangang panloob ay unti-unting nagiging pangunahing puwersa sa pagpapasulong ng kabuhayang Tsino na kasinghalaga ng pamumuhunan sa ibayong dagat at kalakalang panlabas.

Kaya para sa bagong pamahalaang Tsino, kailangan muna nilang magsagawa ng mga hakbangin para malutas ang mga malaking isyu sa larangang ito.

Ang una ay ang ibayo pang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga karaniwang Tsino. Kasunod ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayang Tsino at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, tumataas din ang kahilingan ng mga karaniwang Tsino sa lebel ng pamumuhay, pangangalaga sa karapatan, at kapaligiran ng trabaho.

Ipinatalastas nitong nagdaang Pebrero ng pamahalaang Tsino na itataas nito ng 2% ang laang-gugulin sa social security sa loob ng darating na 5 taon. Pero para sa bagong pamahalaang Tsino, ang paunang kondisyon sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga karaniwang Tsino ay pagpapaliit ng agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap. Dahil ang isyung ito ay humantong sa pagduda ng mga mamamayan sa mga hakbangin ng pamahalaan at sistema ng pagbabahaginan sa lipunan.

Sa kabilang dako, kung mapapabuti ang pamumuhay ng mga karaniwang Tsino, dapat itatag ng pamahalaang Tsino ang isang malawak, maayos at malakas na social security system para mapahupa ang presyur ng mga tao sa kalusugan, kawalan ng trabaho at pagretiro. O masasabing dapat mapawi ng pamahalaang Tsino ang pagkabahala ng mga Tsino sa mga syung ito. Kung ganoon, gusto ng mga Tsino na gumastos ng mas maraming pera at enerhiya sa konsumo at pagpapayaman ng pang-araw-araw na pamumuhay.

Ikalawa ay one child policy. Narito ang dalawang malaking hamon na dulot ng patakarang ito sa lipunang Tsino. Una ay pagbaba ng bilang ng manpower dahil isa lang anak ang isang pamilya. Ibig sabihin, kasabay ng pagbaba ng bahagdan ng paglaki ng buong populasyon ng Tsina, bumaba rin ang bilang ng mga bagong karagdagang manggagawa. At ang malaking bilang ng cheap labor ay palagiang mahalagang yaman sa pagpapasulong ng pambansang kabuhayan. Ang naturang kalagayan ay nagpapahupa ng bentahe ng Tsina sa gastusin sa human resources.

Ang ibang hamon na dulot nito ay pagpapabilis ng proseso ng lipunang Tsino na may malaking bilang ng matatanda. Ito rin ay pagpapabigat ng presyur sa pag-aasikaso sa mga matatanda, hindi lamang para sa kanilang iisang anak, kundi sa social security system.

Ang ikatlo ay paggarantiya sa kaligtasan sa pagkain, tubig at hangin. Ito ay isa ring ring pamana ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayang Tsino noong mahigit 30 taon. Noong panahong iyon, ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay umaasa sa murang manggagawa at pagluluwas. Ito ay nagdulot ng malubhang polusyon sa kapaligiran. Bukod dito, ang pang-araw-araw na pamumuhay ng 1.3 bilyong populasyong Tsino ay malaking presyur din sa kapaligiran.

Sa kasalukuyan, ang Beijing at ibang mga lunsod sa dakong hilaga at kanluran ng Tsina ay nahaharap sa presyur ng kakulangan sa tubig at polusyon sa hangin. Ang mga bukirin ay kontaminado ng mga tubig at hangin na ibinubuga ng mga bahay-kalakal. Nitong ilang taong nakalipas, ang isyu ng kaligtasan sa pagkain ay nagdulot ng malaking pagkabahala sa lipunang Tsino. Halimbawa ang milk powder na may melamine, fake na karne ng baka, at mga food additive na nakakalason sa kalusugan.

Para sa mga karaniwang Tsino, ang pagpapabuti ng kanilang pamumuhay ay nangangahulugan, hindi lamang ng pagtaas ng kabuuang halaga ng produksyong panloob o GDP, kundi sa pagbibigay-kasiyahan sa kanilang normal na kahilingan sa pamumuhay at karapatan, na gaya ng pabahay, edukasyon, kalusugan, at trabaho.

Kaya, bukod sa mga isyung pandaigdig, at pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan, ang pagpapagaan ng pamumuhay ng mga karaniwang Tsino ay pangunahing gawain din para sa bagong pamahalaang Tsino sa hinanarap.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>