Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Ano ba ang Chinese Dream?

(GMT+08:00) 2013-03-25 11:31:14       CRI

Pagkatapos ng sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), kataas-taasang organong pangkapangyarihan sa konstitusyon, ang "Chinese Dream" ay nagiging nukleong balita para ilarawan ang landas ng Tsina patungo sa hinaharap. Sa katotohanan, ang "Chinese Dream" ay itinuring na nukleong diwa ng pamamahala ng bagong liderato ng Tsina sa darating na 10 taon.

Kauna-unahang iniharap ang "Chinese Dream" ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina pagkatapos niyang manumpa bilang Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) noong Nobyembre ng taong 2012. Sa kanyang kauna-unahang talumpati bilang Pangulo ng Tsina sa katatapos na sesyong plenaryo ng NPC, inilahad ni Xi ang kalahagahan ng "Chinese Dream" at paraan ng pagsasakatuparan nito.

Ayon kay Xi, ang "Chinese Dream" ay ang dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino at pagkakaroon ng pantay na pagkakataon ng bawat mamamayang Tsino para isakatuparan ang sariling pangarap. Para maisakatuparan ang nabanggit na target, dapat patingkarin ang diwang makabayan, reporma at inobasyon, igiit ang sosyalismong may katangiang Tsino, at pag-isahin ang buong lakas ng mga mamamayang Tsino.

Ang "Chinese Dream" sa halip ng "China Dream" ay nagpapakita ng pangunahing target ng bagong liderato ng Tsina sa loob ng darating na 10 taon. Ito ay para malutas ang mga isyu at hamong panloob. Kahit ang pambansang kabuhayang Tsino ay ika-2 pinakamalaki sa buong daigdig, ang paglaki ng agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, mataas na gastos sa pabahay, edukasyon at kalusugan, kaligtasan ng pagkain, at pangangalaga sa kapaligiran, ay hindi lamang may kinalaman sa pamumuhay ng mga karaniwang Tsino, kundi nakakaapekto rin sa paniniwala ng mga Tsino sa pamahalaan. Bukod dito, ang paglaban sa korupsyon ay isang pangmatalagan at malaking hamon para sa pamahalaang Tsino at CPC.

Dahil diyan, ang "Chinese Dream" na iniharap ni Xi ay maaring itinuring na pagpapatuloy ng "maharmonyang lipunan" na iniharap ni Hu Jintao, dating lider ng Tsina, para pabutihin ang pamumuhay ng mga karaniwang Tsino, hindi lamang sa larangang materyal, kundi sa kaisipan.

Sa panahon ng pandaigdigang intergrasyon, ang pag-unlad ng Tsina ay nangangailangan ng pagpapalagayang panlabas at siyempre, ang pagbabago ng Tsina ay nakakaapekto sa kalagayang pandaigdig. Kaya ang "Chinese Dream" ay hindi lamang katumbas ng pagpapaunlad ng bansa, pagpapalakas ng Nasyong Tsino at pagpapaligaya ng mga mamamayan.

Bilang bahagi ng integrasyong pangkabuhayan ng buong daigdig, ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay nakakabuti sa kabuhayang pandaigdig. Sinabi ni John Dearie, Executive Vice-President for Policy ng Financial Services Forum sa Washington, na ang paglawak ng pangangailangang panloob ng Tsina ay makakatulong sa paglaki ng pagluluwas ng mga produkto at serbisyo ng Amerika.

Sabi naman ni Stephen Orlines, President ng National Committee on U.S.-China Relations, na nag pagsasaayos ng Tsina sa estrukturang pangkabuhayan at pagpapasulong ng social security system ay makakatulong sa pagiging balanse ng kalakalan sa pagitan ng Tsina, Amerika, at Europa.

Sa ibang dako, dahil sa kasalukuyang hidwaang panghangganan ng Tsina at mga karatig na bansa, at pagpapataas ng kakayahan ng People's Liberation Army ng Tsina (PLA), may mga duda na ang pag-ahon ng Tsina ay banta sa kaligtasang panrehiyon at hahantong sa paglutas ng Tsina sa mga hidwaan, sa paraang militar.

Pagkatapos ng Cold War, itinakda ni Deng Xiaoping, dating lider ng Tsina, ang kaunlaran at kapayapaan bilang pundamental na prinsipyo ng mga patakarang panlabas at panloob. Ang nasabing prinsipyo ay nananatili hanggang sa kasalukuyan at hindi babaguhin sa hinaharap.

Sa katotohanan, kahit minsan ay hindi ginagamit ng Tsina ang paraang militar para lutasin ang anumang hidwaang panghanggahan sa mga karatig na bansa, liban sa ganting-salakay sa mga pag-atake ng ibang bansa, sapul nang itatag ang People's Republic of China noong 1949.

Walang duda, ang pag-unlad ng Tsina ay nagdudulot ng pagbabago ng kalagayan ng daigdig. Inulit din ni Pangulong Xi na dapat isabalikat ng Tsina ang angkop na responsibilidad sa komunidad ng daigdig, at ang landas ng pag-unlad ng Tsina ay mapayapa. Ang kapayapaan at nagsasariling desisyon ng mga bansa at kanilang mamamayan sa sariling kapalaran ay palagiang prinsipyo ng mga patakarang panlabas ng Tsina. Tulad ng talumpati ni Pangulong Xi sa Moscow, ang mga suliraning panloob ay dapat hawakan ng mga pamahalaan at kanilang mga mamamayan, at ang mga pandaigdigang isyu ay dapat lutasin sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian sa pagitan ng mga pamahalaan at mamamayan ng iba't ibang bansa. Ito aniya ang demokratikong prinsiyo sa mga pandaigdigang suliranin.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>