Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Kauna-unahang pagdalaw ng Pangulong Tsino sa ibayong dagat

(GMT+08:00) 2013-04-01 16:59:06       CRI

Mula ika-22 hanggang ika-30 ng Marso, isinagawa ng Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang kauna-unahang pagdalaw sa Russia, Tanzania, South Africa at Republic of the Congo. Dumalo rin siya sa ika-5 summit ng mga bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa) na idinaos sa Durban, Timog Aprika.

Ano ba ang mga patakarang panlabas ng Tsina sa termino ni Xi? Ito ang naging nukleong isyung pinagtutuunan ng pansin sa kauna-unahang pagdalaw ni Xi sa ibayong dagat, hindi lamang ng mga media ng Tsina, kundi ng mga media ng ibang mga bansa.

Dumating sa Moscow sina Pangulong Xi Jinping at Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina, para isagawa ang dalaw-pang-estado sa Rusya.

Walang duda, ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ay pangunahing nilalaman ng biyahe ni Xi sa naturang 4 na bansa. Halimbawa, ipinasiya ng Tsina at Rusya na pasulungin ang pagtaas ng bolyum ng bilateral na kalakalan sa 100 bilyong dolyares sa taong 2015. Daragdagan din ng Tsina ang pautang sa mga bansang Aprikano. Bukod dito, ipinasiya ng mga bansang BRICS ang pagtatatag ng development bank para pasulungin ang kani-kanilang pag-unlad.

Dagdag pa riyan, ang layon ng kauna-unahang pagdalaw ni Xi sa ibayong dagat ay para mapalalim ang pagkakaibigan at pagkakaunawaan sa pagitan ng Tsina at naturang 4 na bansa. Ito ay palatandaan na nagiging mas pleksible, bukas, at magiliw ang diplomasyang Tsino.

Kumpara sa pagdalaw sa ibayong dagat ng mga dating lider ng Tsina na gaya nina Jiang Zemin, Hu Jintao, Li Peng, Zhu Rongji at Wen Jiabao, ang malaking katangian ng kauna-unahang pagdalaw ni Pangulong Xi ay ang pagganap ng mahalagang papel ni Peng Liyuan, asawa ni Xi at kilalang mang-aawit sa Tsina. Sa kanilang pananatili sa naturang 4 na bansa, lumahok si Peng sa mga gawaing pangkawanggawa na gaya ng pagbisita sa mga ulila sa Rusya at Republic of the Congo, sa halip na tumayo lamang sa tabi ni Xi na tulad ng mga asawa ng dating lider ng Tsina.

Bukod dito, si Peng ang kauna-unahang tinawag na "First Lady" o Unang Ginang ng Tsina, ng Peoples' Daily, opisyal na pahayagan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa halip na "Asawa ng Pangulo" na ginamit ng mga media ng Tsina noong dati.

Si Peng Liyuan kasama ng mga bata ng Tanzania

Nagbigay si Peng Liyuan ng mga pang-araw-araw na kagamitan sa mga bata ng Tanzania

Bukod kay Peng, ang mga talumpati at ginagawa ni Pangulong Xi ay nagpakita din na nagiging mas magiliw ang diplomasyang Tsino. Sa kanyang talumpati sa Rusya, ginamit ni Xi ang katutubong kasabihang Tsino na "ang paa ay istandard lamang ng pagsusuri sa laki ng sapatos," para ilarawan ang paninindigang Tsino sa pandaigdigang relasyon. Ibig-sabihin, ang sistemang pulitikal ng anumang bansa ay dapat ipasiya ng kanilang aktuwal na kalagayan at hangarin ng mga mamamayan.

Inilahad ni Xi, na ang kahulugan ng "Chinese Dream" ay patuloy na paggigiit ng Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad at buong sikap na pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon at daigdig. Kahit iniabot ng Tsina ang hangarin ng mapayapang pag-unlad at pangangalaga sa pandaigdigang kapayapaan, hindi ito nangangahulugan ng pagtakwil ng Tsina sa pagsisikap at determinasyon na pangalagaan ang kabuuan ng pambansang teritoryo at soberanya. Halimbawa, ang pagbisita ni Xi sa Ministri ng Tanggulan ng Rusya, at pagpapahigpit ng Tsina at Rusya sa kooperasyong militar ay palatandaan para rito.

Nag-usap sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Vladimir Putin ng Rusya tungkol sa bilateral na relasyon at kalakalan ng dalawang bansa.

Ang pagpapasulong ng pagkakaunawaan ng Tsina at mga bansang Aprikano ay mahalagang gawain naman sa pagdalaw ni Xi. Sa kanyang pananatili sa mga bansang Aprikano, pinasalamatan ni Xi ang pagtulong ng Congo sa rekonstruksyon ng lalawigang Qinghai ng Tsina, pagkatapos ng malakas na lindol. Ipinangako rin ni Xi ang pagkakaloob ng mga scholarship para sa 18 libong estudyateng Aprikano na nag-aaral sa Tsina. Binanggit ni Xi ang isang popular Chinese TV Drama sa Tanzania, umaasa aniya siyang mas maiintindihan ng mga mamamayan ng Tanzania ang pamumuhay ng mga karaniwang Tsino sa pamamagitan nito.

Nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Parliamento ng Republic of Congo, tungkol sa mga patakaran ng Tsina sa Aprika.

Kasabay ng pagluluwas ng Tsina ng dumaraming murang produkto sa ibang mga bansa, nangangailangan din ng maraming pagkatig ng komunidad ng daigdig ang pag-unlad ng Tsina. Ito naman ay isang bahagi ng proseso ng integrasyon ng kabuhayang pandaigdig. Ang mga pagsisikap at ginagawa ng bansang Tsina ay, hindi lamang pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan ng sarili at ibang mga bansa, kundi pagpapalalim ng pagkakaunawaan sa isa't isa.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>