|
||||||||
|
||
Ngayong Sabado, nadagdagan lamang ng 2 kaso ng H7N9 bird flu sa Shanghai at sapul nang ipinalabas ng pamahalaang Tsino ang kauna-unahang kaso ng bird flu noong ika-31 ng nagdaang Marso, ang bilang ng mga may-sakit ay umabot na sa 18 at 6 sa kanila ay namatay.
Ayon sa pahayag ng National Health and Family Planning Commission (NHFPC) ng Tsina, wala pang anumang palatandaan na nagpapatunay na kumakalat ang H7N9 sa pagitan ng mga tao. Bukod dito, pumasok sa pamilihan ang kauna-unahang pangkat ng mga medisina sa paglunas ng H7N9 bird flu.
Upang mapigilan ang pagkalat ng epidemya ng bird flu, isinagawa ng mga pamahalaan lokal kung saan natuklasan ang kaso ng H7N9, ang mahigpit na hakbangn. Mula ika-6 ng buwang ito, pansamantalang itinigil ng Shanghai ang negosyo ng mga buhay na poltri at magbibigay ng mga subsidy sa mga mangangalakal na nagbebenta ng mga buhay na poltri. Sa lalawigang Jiangsu, Zhejiang at Anhui, isinasagawa ng mga ospital ang pagsusuri sa mga tao na may ugnayan sa mga may-sakit at itinatag ang mga 24-oras na emergency medical group.
Kahit sa mga lugar na hindi pa natuklasan ang mga kaso ng H7N9, isinagawa naman ng mga pamahalaang lokal ang mag hakbangin para mapigilan ang pagpasok ng epidemya.
Bukod sa pagsasagawa ng mga katugong hakbangin ng mga pamahalaang lokal, isinasagawa naman ng pamahalaang sentral ang mga hakbangin para mapigilan ang H7N9 brid flu. Halimbawa, 3 araw pagkaraan ng pagsasapubliko ng kauna-unahang kaso ng bird flu, isinapubliko din ng NHFPC ang plano ng pagkontrol at pag-iwas ng epidemya. Bukod dito, iniutos nito sa mga departamento ng iba't ibang lugar na isinasapubliko bawat araw ang pinakahuling kalagayan ng epidemya.
Kasabay ng mga gawain ng pamahalaan, nagpopromote naman ang mga doctor sa pamamagitan ng media ng mga kaalaman hinggil sa pagpigil sa H7N9 bird flu virus.
Kumpara sa taong 2003 kung kailan naganap ang epidemya ng SARS sa buong Tsina, mas popular ang mga social media na gaya ng SinaWeibo at mas sensitibo ang mga mamamayang Tsino sa mga pangyayari ng kalusugang pampubliko. Bukod sa ilang mamamayang Tsino na malakas ang reaksyon sa H7N9, halimbawa, mabiling mabili ang mga tradisyonal na medisinang Tsino sa ilang lugar, nananatiling matatag ang damdamin ng karamihan sa mga mamamayang Tsino. Hindi naaapektuhan ang kanilang pamumuhay dahil sa H7N9 bird flu.
Sa katotohanan, ang nabanggit na mga hakbangin ay hindi lamang nagkokontrol at pumipigil sa pagkalat ng H7N9 bird flu, kundi pinahuhupa rin ang pakabahala ng mga mamamayang Tsino.
Walang duda, kasunod ng pagpapaunlad ng siyensiya at teknolohiya ng buong sangkatauhan, nagiging mas malusog at mahaba ang buhay ng mga tao. Pero wala pang mga mabisang hakbaing naman para lunasan ang mga sakit na gaya ng AIDS at cancer. Sa ibang dako naman, dahil sa mga isyu ng kapaligiran, at di-malusog na istilo ng pamumuhay, ang mas mahalaga para sa mga tao ay pag-iwas sa pagkakasakit sa halip na paglunas lamang.
Para sa pamahalaan at mga mamamayang Tsino, bukod sa paghahanap ng mabisang paraan ng paglunas ng H7N9 bird flu, ang mas maganda ay hanapin ng pamahalaan ang pinagmulan ng epidemyang ito at pagbutihin ang kapaligiran ng kaligtasan para sa mga mamamayang Tsino. Dapat piliin naman ng mga mamamayang Tsino ang mas malusog na pamumuhay para palakasin ang kakayahan sa pag-iwas sa mga sakit para lubos na maging masaya ang kanilang pamumuhay.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |