|
||||||||
|
||
Walang duda, umaasa ang Tsina na mananatiling mapayapa at matatag ang kalagayan sa Korean Peninsula. Dahil sa posisyong heograpikal, ang anumang sagupaan at digmaan sa Korean Peninsula ay malubhang makakapinsala sa kaligtasan ng hangganan ng Tsina.
Sa kanyang pakikipagtagpo ngayong Sabado kay John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na dapat isabalikat ng iba't ibang may kinalamang panig ang responsibilidad sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula at Silangang Asya. Aniya, ang anumang probokasyon at aksyong militar sa rehiyong ito ay makakapinsala sa kapakanan ng iba't ibang panig.
Ipinahayag naman ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, ang paninindigang Tsino sa pagkatig sa walang sandatang nuklear na Korean Peninsula at pangangalaga sa kapayapaan sa rehiyong ito. Nauna rito, ilang beses nang ipinahayag ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtutol at di-pagpapahintulot sa anumang aksyon na makakapinsala sa kapayapaan at katatagan sa Korean Peninsula.
Kaugnay ng maigting kalagayan sa Korean Peninsula, nagbibigay-pansin ang komunidad ng daigdig sa mga nakatugong hakbangin ng Tsina. Pero kinakaharap talaga ng Tsina ang mga kahirapan sa isyung ito. Ang naturang kahirapan ay nagmula sa dalawang panig: sa isang dako, limitado ang impluwensya ng Tsina sa mga patakaran ng Hilagang Korea; sa ibang dako naman, ang pagpapataw ng presyur-militar ng Amerika at Hapon sa H. Korea ay nagbabanta rin sa katiwasayan ng Tsina.
Fighter Jer "F-22" ng Tsina
Pagkaraan ng Cold War, palagiang ginagamit ng Hilagang Korea ang paraan ng pagbabanta sa ibang mga bansa para makakuha ng mga kinakailangang tulong sa kabuhayan at pagkaing-butil.
Sa pagharap ng pagbabanta ng Hilagang Korea, palagiang ginagamit ng Amerika at Hapon ang mahigpit na katugong hakbangin, higit pa sa pagpapataw ng presyur-militar. Ang kanilang mga hakbangin ay palagiang humahantong sa mas masindhing reaksyon ng H. Korea.
Sina Kim Jong-il at batang Kim Jong-un
Kahit hindi pa natitiyak kung ang kakayahang nuklear ng Hilagang Korea ay maaaring umatake sa interior ng Hapon at Amerika, makakapinsala naman ito talaga sa kaligtasan ng hangganan ng Tsina at Timog Korea: maaari ring sabihin na ang mga hakbangin ng Amerika at Hapon ay nagdudulot ng malaking nakatagong panganib sa Tsina at Timog Korea.
Walang duda, maliwanag at matatag ang paninindigang Tsino sa pagkatig sa proseso ng walang sandatang nuklear na Korean Peninsula, pero ang paggamit ng aksyong militar ay lumalabag sa prinsipyo ng mapayapang patakarang panlabas nito at pangakong hindi kailanman ito unang aatake sa ibang bansa. Sa katotohanan, walang anumang bansa ang maaaring maggarantiya na walang magaganap na mas malubhang makataong krisis kung gagamitin ang aksyong militar sa Hilagang Korea.
Sina Kim Il-sung at Kim Jong-il
Bilang ekstrimistang bansang komunista, nagkukuwari ang Hilagang Korea na lumalaban sa umano'y masamang sistemang pinamumunuan ng Amerika. Pero bilang pinakamalihim at nabubukod na bansa sa daigdig, ang kabuhayan ng Hilagang Korea at pamumuhay ng mga mamamayan nito ay nangangailangan ng makataong tulong ng komunidad ng daigdig, lalo na mula sa bansang Tsina.
Palagiang ipinalalagay ng komunidad ng daigdig, na ang pagdepende ng Hilagang Korea sa pagtulong ng Tsina ay nangangahulugan na malaki ang impluwensiya ng Tsina sa Hilagang Korea.
Pero hindi tradisyonal na magkaalyadong bansa ang Tsina at Hilagang Korea. Noong panahon ng Cold War, ang dating Unyong Sobiyet ay pangunahing bansa na nagbigay-tulong sa Hilagang Korea. At dahil sa malaking agwat sa pambansang puwersa, ang patakarang panlabas ng Hilagang Korea ay sumusunod sa dating Unyong Sobiyet sa halip na Tsina pagkaraan ng digmaan na naganap sa Korean Peninsula mula noong 1950 hanggang 1953.
Sa kabilang dako, malaking pagkakaiba ang posisyon ng Tsina at Hilagang Korea sa ideyang sosyalismo. Noong 1980s, pinuna ng Tsina ang sistemang pulitkal ng Hilagang Korea na naglilipat sa kataas-taasang kapangyarihan ng bansa mula sa tatay patungo sa anak. Tinututulan din ng Tsina ang patakaran ng pagsamba sa indibiduwal na lider.
Sa katotohanan, ang kahirapan na kinakaharap ng Tsina sa kasalukuyang kalagayan ng Korean Peninsula ay lumalampas sa aktuwal na kakayahan ng Tsina sa paglutas ng isyung ito. Sa isang dako, limitado ang tunay na impluwensya ng Tsina sa patakaran ng Hilagang Korea, sa kabilang dako naman, ang mga hakbangin ng Amerika at Hapon ay magdudulot ng banta sa kaligtasan ng hangganan ng Tsina.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |