Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Ang karapatan at katayuan ng mga manggagawang Tsino

(GMT+08:00) 2013-05-06 12:39:40       CRI
Ayon sa konstitusyon ng Tsina, ang mga magsasaka at manggagawa ang pundasyon ng bansa. Kung ganoon, kailangan talaga ng pamahalaang Tsinong buong sikap na palakasin ang pundasyon ng bansa, lalo na sa larangan ng karapatan at katayuan ng mga manggagawa.

Tulad ng alam ng lahat, ang kasalukuyang kapansin-pansing bunga ng pag-unlad ng Tsina ay hindi matatamo kung hindi dahil sa napakaraming murang lakas-manggagawa ng bansa. Pero humihina ang bentahe ng Tsina sa larangan ng paggawa. Kasunod ng pagsasagawa ng one child policy, bumaba ang bilang ng mga karagdagang batang manggagawa; sa kabilang dako naman, ayaw ng mga dumaraming batang Tsino na maging manggagawa, dahil sa epekto ng kita, karapatan at katayuang panlipunan.

Ang mga manggagawa o mga blue collared worker ay pinakapopular sa Tsina bago ika-9 na dekada ng nagdaang siglo. Malaki ang kinikita ng mga manggagawa, mataas ang katayuang panlipunan, at higit sa lahat, may pagkakataon na maging mataas na opisyal ng pamahalaan. Halimbawa, ang karerang pulitikal nina Hu Jintao, dating pangulong Tsino, at Wen Jiabao, dating premier, ay nagmula sa kanilang mahusay na paggawa noong unang panahon bilang karaniwang manggagawa.

Pero kasunod ng pagpapabilis ng proseso ng pagsasalunsod, binabago ang popular na kalagayan ng mga manggagawa. Halimbawa, gusto ng mga batang residente na maging civil servant, o umanib sa ibang mga white collared job sa halip na maging mga karaniwang manggagawa; ayaw din ng mga batang migrant workers o iyong mga magsasakang nagtatrabaho sa lunsod na gumawa ng mga mabigat na trabaho na hindi masyadong malaki ang kita.

Sa katotohanan, ang kasalukuyang kahirapan hinggil sa mga manggagawa na kinakaharap ng bansang Tsina ay may kinalaman sa katarungan at pagkakapantay-pantay ng panlipunan.

Nitong mahigit 30 taong nakalipas, kumpara sa paglaki ng kita ng mga white collar workers, mas maliit ang bahagdan ng paglaki ng pkita ng mga manggagawa. Ito talaga ay nagmula sa pangangailangan ng pag-unlad ng Tsina sa mga murang lakas-manggagawa. Pero dahil dito, napinsala rin ang kanilang mga lehitimong karapatan, na gaya ng kapaligiran ng trabaho, insurance, at pagkakataon ng pag-unlad sa karera. Sa larangang ito, kulang ang pamahalaang Tsino sa pagsasagawa ng mga hakbangin sa pagsusuri at paggarantiya.

Kasunod ng paglaki ng agawat sa pagitan ng kita ng mga blue collared workers at white collared workers, nagbabago rin ang kanilang katayuang panlipunan. Ang isyung ito ay nakakaapekto, pangunahing na, sa pamumuhay ng mga migrant workers o magsasakang nagpupunta sa mga lunsod para sa hanap-buhay. Dahil sa pagkakaiba sa household registration, hindi kayang makapagtamasa ng mga migrant workers ng parehong karapatan sa mga residente ng lunsod na gaya ng edukasyon, kalusugan, at pabahay. Kahit pantay ang katayuan at karapatan ng lahat ng mga mamamayang Tsino sa batas, ang mga migrant workers ay tunay na nagiging socially vulnerable groups.

Sa kanyang talumpati pagkatapos manumpa bilang Pangulong Tsino, inilahad ni Xi Jinping ang nilalaman ng Chinese Dream. Ibig-sabihin, magbibigay ang pamahalaang Tsino ng mas maraming enerhiya at pansin sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan sa loob ng darating na 10 taon. Para sa Tsina, ang isyu hinggil sa mga manggagawa ay hindi lamang isyung panlipunan at pangkabuhayan, kundi may kinalaman sa katatagan at sustenableng pag-unlad. Tulad ng sinabi kamakailan ni Pangulong Xi Jinping, dapat mapawi ang mga hadlang sa pagbabahaginan ng mga manggagawa sa bunga ng pag-unlad ng bansa at buong sikap na igarantiya ang kanilang karapatan at katayuang panlipunan.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>