|
||||||||
|
||
Ang Tsina ay isang bansa na nagpapahalaga sa edukasyon ng mga bata. Mula 2 o 3 taong gulang pa lamang, dapat nang mag-aral ang mga batang Tsino ng mga bagay na gaya ng wikang ingles, pagsasayaw, at iba pang mga kahusayan. Sa katotohanan, kapag sila ay pumasok na sa mga paaralan, dapat din silang bumasa ng mga libro na may kinalaman sa wikang Ingles, literatura, math, at ibang larangan para matutunan silang maging isang umano'y komprehensibong talento.
Kasunod ng pag-unlad at pagbubukas ng Tsina sa labas, dumarami ang mga uri at bilang mga libro para sa mga bata. Ayon sa datos na ipinalabas sa katatapos na National Book Exposition ng Tsina, ang uri ng inilimbag na mga libro sa buong bansa noong 2012 ay umabot sa 370 libo. Kaya, ang tanong ay anong uri ng mga libro ay angkop sa mga kabataan? Ito ay naging mainit na isyung pinansin ng mga magulang.
Ang di-kaila na bagay ay mabigat ang pag-aaral ng mga batang Tsino. Halimbawa pagkatapos ng normal na pag-aaral sa paaralan, dapat silang pumasok sa iba't ibang klase para pataasin ang kanilang pagkakataon upang makapasok sa mas magandang paaralan. Kaya sa maiksing libreng oras ng mga bata, ang isang kahirapan para sa kanilang mga magulang ay kung papaano pipili ng mga libro na angkop sa kanilang mga anak.
Sa katotohanan, ang paunang istandard sa pagpili ng mga libro ay dapat makatulong sa pag-aaral ng kanilang mga anak, lalo na sa pagpasa sa mga entrance exam ng magagandang paaralan. Kaya madaling pinipili ng mga magulang ang mga umano'y klasikong katha at kilalang libro na madalas na gamitin ng mga paaralan sa entrance eksam.
Magaganda talaga ang naturang mga publikasyon. Pero hindi lahat ito ay gusto ng mga bata o angkop sa kanilang kahiligan. Kung ganoon, paano pipili ang mga magulang? Wala pang public poll para sagutin ang tanong na ito. Pero dumarami ang mga libro sa aklatan at bookstore para turuan ang mga magulang kung papaano huhubugin ang hilig ng kanilang mga anak.
Ito'y nagpapakita na pinahahalagahan ng maraming magulang ang hilig ng kanilang mga anak. Kasabay nito, ang bahagi ng nilalaman ng naturang mga libro ay may kinalaman sa pagsasamantala sa hilig ng bata para pataasin ang tagumpay sa pag-aaral.
Sa katotohanan, unti-unting nawawala ang kapangyarihan ng mga magulang sa pagpili ng mga libro para sa kanilang anak. Sa isang dako, malaya ang internet dito sa Tsina, ibig-sabihin, maaaring hanapin ng mga bata ang mga anumang bagay kung saan sila interesado. Bukod dito, mahalaga rin ang hangarin ng mga bata sa pagpili ng mga libro.
Dahil diyan, ang nilalaman ng mga libro ay nakatawag muli ng pansin ng mga magulang. Para sa mga magulang sa Tsina, dapat nagkakaiba ang mga libro na binabasa nila at kanilang mga anak. Pero sa katotohanan, mahirap talaga ang pagsasakatuparan ng target na ito.
Kahit bawal ilimbag ang mga libro na pornograpiko at marahas, nakakabasa ang mga bata ng mga libro na may kinalaman sa mga negatibong isyung panlipunan at nakatuon sa mga may-edad na mambabasa. Ito'y dahil wala pang rating system dito sa Tsina para sa mga libro, ibig-sabihin, maaaring basahin ng mga bata ang parehong libro na para sa mga matatanda.
Ang pagpili ng mga magulang ng mga libro para sa kanilang mga anak ay isang mahalagang paraan sa edukasyon. Sa tradisyonal na ideya, ito'y nagpapakita ng isang kapangyarihan ng mga magulang sa pagsasaayos ng pamumuhay at pag-unlad ng kanilang mga anak. Pero ang nabanggit na kahirapan ay nagpapakitang kailangang gamitin ng mga magulang ang mas maayos at mabisang paraan sa edukasyon para sa kanilang mga anak.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |