|
||||||||
|
||
Sapul nang manumpa si Xi Jinping bilang Pangkalahatang Kalihim ng CPC at Pangulong Tsino, pinapahigpit ng Tsina ang laban sa korupsyon. Ang nabanggit na gawain ay hindi lamang pagpapaalis at pagpaparusa sa mga mataas na opisyal na sangkot sa korupsyon, kundi pagpapatalsik din sa mga batang opisyal na hinirang sa iligal na paraan.
Halimbawa, inalis sa puwesto noong ika-17 ng Mayo sa lalawigang Anhui ang isang 22 taong gulang na opisyal dahil sa pekeng impormasyon hinggil sa kaniyang kuwalipikasyon sa pagkakaopisyal. Bukod dito, ang kanyang ina, na isang mataas na opisyal din sa parehong probinsya ay inalis din sa puwesto dahil sa pamemeke ng impormasyon. Nauna rito, pinarusahan ng pamahalaang Tsino ang mga katulad na kaso ng iligal na paghirang sa mga batang opisyal.
Liban sa mga puno ng pamahalaang Tsino sa iba't ibang antas, na gaya ng premyer, gobernador ng probinsya, alkalde ng lunsod at puno ng mga nayon, ang ibang mga opisyal ay hinihirang lamang ng komite sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC at mga lupon ng CPC sa iba't ibang lugar.
Kahit mayroong maayos at masusing tadhana hinggil sa pagpili ng mga opisyal, ang pagsusuperbisa sa gawain ng mga opisyal at paglaban sa korupsyon ay palaigang malubhang hamon para sa sistemang pulitikal ng Tsina. Halimbawa, sa mga kaso ng iligal na paghirang ng mga batang opisyal, ang kanilang mga magulang ay matataas na opisyal din sa parehong lugar. Ibig-sabihin, ang ganitong korupsyon ay hindi lamang indibiduwal na aksyon, kundi isang sistematikong aksyon. Ito rin ay kumikitil sa pagkakataon ng mga mahusay na opisyal, para tumaas ang kanilang puwesto.
Sa ibang dako, ang nasabing mga kaso ay naganap sa mga nayon at maliliit na lunsod. Pagkaraan ng mahigit 30 taong pagbubukas sa labas, kahit nagkakaiba ang sistemang pulitikal ng Tsina sa ibang mga bansa, kinikilala rin ng CPC at pamahalaang Tsino ang mga pandaigdigang prinsipyo na gaya ng demokrasya, katarungan, at karapatang pantao. Pero ang di-kailang bagay na panlipunan, ay paglaki ng agwat sa pagitan ng mga kanayunan at lunsod, lalo na sa pagitan ng mga malalaki at maliliit na lunsod. Dahil dito, hindi masyadong mahigpit ang pagsusuperbisa sa kapangyarihan ng mga opisyal sa mga nayon at maliliit na lunsod. Bukod dito, ang mga opisyal doon ay galing sa mga mamamayang lokal, kaya, mas malakas ang impluwensya ng kanilang kaugnayang pantao. Ang mga ito ay humahantong sa iligal na paghirang ng mga batang opisyal.
Kumpara sa aksyon ng mga opisyal na tumanggap ng payola, ang iligal na paghirang ng mga opisyal ay may kinalaman sa mas maraming tauhan, hindi lamang iyong mga hinirang na opisyal at kanilang mga kamag-anak, kundi iyong ibang mga tao na nagbigay-tulong sa kanila. Kaya mas malubha ang pinsalang naidudulot ng iligal na paghirang ng mga opisyal sa larangan ng katarungan panlipunan, kredibilidad ng pamahalaan, at katatagan ng sistemang pulitikal.
Kaya ang usapin ng paglaban sa korupsyon ay nangangailangan, hindi lamang ng pagpaparusa sa mga opisyal na tumanggap ng paloya, kundi sa pagpapabuti ng sistema ng pagpili ng mga opisyal para mapigilan ang sistematikong korupsyon.
Back To Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |