Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Bagong istilo ng relasyon ng Tsina at Amerika

(GMT+08:00) 2013-06-11 14:18:50       CRI

Sa katatapos na di-pormal na summit nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Barack Obama ng Estados Unidos, kapwa nilang ipinalalagay na dapat buong sikap na itatag ang bagong istilo ng relasyon ng Tsina at Amerika. Ang naturang bagong istilo ng relasyon sa pagitan ng malalaking bansa ay paggalangan sa isa't isa, pagtutulungan, at win-win situation, sa halip ng sagupaan at digmaan sa pagitan ng bagong sibol na malaking bansa at maunlad na malaking bansa.

Pero ano ang "bagong istilo ng relasyon ng malalaking bansa?" Ano ang kahulugan ng konseptong ito at ano ang aktuwal na nilalaman nito? Ang tiniyak na bagay ay mga prinsipyo lamang na gaya ng paggagalangan, pagtutulungan, at win-win situation.

Sa kanilang diyalogo, binigayang-pansin ni Xi ang trade protectionism, paglimita sa pagluluwas ng mga high-tech products sa Tsina, at diskriminasyon sa mga bahay-kalakal ng Tsina. Pero gusto ni Pangulong Obama na takalayin ang mga isyu ng cybersecurity, intellectual property, at sandatahang nuklear ng Hilagang Korea.

Sa bandang huli, sinang-ayunan nila ang pagpapahigpit ng kooperasyon sa pagharap sa pagbabago ng klima at pangangalaga sa seguridad ng cyber space. Tinanggap ng Amerika ang mapayapang pag-unlad ng Tsina.

Batay sa resulta ng kanilang diyalogo, ang pagtitimpi sa mga isyung pinaghidwaan at paggalang sa kani-kanilang kapakanan sa halip ng paggamit ng aksyong militar para lutasin ang mga isyu, ay ang pundasyon ng umano'y bagong istilo ng relasyon sa pagitan ng malalaking bansa.

Sa ibang dako, ang ganitong bagong istilo ng relasyon ay itinuturing na mapayapang kompetisyon batay sa soft power sa halip ng direktang paggamit ng hard power. Kasunod ng integrasyon ng pandaigdigang kabuhayan, malawak at malalim ang kooperasyon at ugnayan ng dalawang bansa sa mga larangan ng kabuhayan, negosyo, kultura, edukasyon, at siyensiya.

Para kay Xi, ang pagpapanatili ng maayos na relasyong Sino-Amerikano ay isa sa mga pinakamahalagang tungkulin sa kaniyang termino bilang Pangulong Tsino. Dahil ang pagluluwas ng Tsina ay umaasa mang malaki sa pamilihang Amerika at ang mga isyung panghangganan ng Tsina at mga karatig na bansa ay naaapektuhan din ng impluwensiya ng Amerika, pinakamalakas na bansa sa daigdig at tagapagtatag ng kasalukuyang kaayusang pandaigdig.

Para kay Obama, kahit hindi kalyadong bansa ang Tsina ng Amerika, ang pag-unlad ng Tsina ay nagdudulot ng malaking pamilihan para sa pondo at mga produktong Amerikano na gaya ng mobile phone at mga kotse. Ang Tsina naman ay maaaring maging mahalagang partner ng Amerika sa mga isyu ng Silangang Asya.

Ang naturang mga aktuwal na kapakanan ay lumampas sa malaking pagkakaiba ng dalawang bansa sa ideolohiya o masasabing ang labis na kompetisyon at sagupaang militar ay makakapinsala sa kapakanan ng dalawang panig.

Kahit tinatawag nina Xi at Obama ang pagtatatag ng bagong istilo ng relasyon ng dalawang bansa, hindi ito nangangahulugan ng bagong simula lamang, kundi sa pagpapatuloy at pagpapalalim ng ugnayan at pagtitiwalaan ng dalawang panig sa iba't ibang larangan.

Tulad ng sinabi nina Xi at Obama, ang kooperasyon sa halip ng komprontasyon ay makakabuti sa dalawang panig. Kaya kahit nananatili pa rin ang mga hidwaan pagkatapos ng kanilang pag-uusap, ang mas importante ay ang pagtatakda ng modelo ng paglutas ng mga isyu para maiwasan ang mas malubhang sagupaan ng dalawang panig.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>