Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] OCW-Overseas Chinese Workers

(GMT+08:00) 2013-07-08 14:34:16       CRI

Tulad ng alam ng lahat, ang mabilis na pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay naghihikayat ng dumaraming manggagawang dayuhan. Kasabay nito, nagtatrabaho ang parami nang paraming manggagawang Tsino sa ibayong dagat dahil sa humihigpit na pag-uugnayan ng Tsina at ibang mga bansa. Ayon sa estadistika ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, hanggang noong katapusan ng taong 2012, 6.39 milyong manggagawang Tsino ang ipinalada sa ibayong dagat sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng mga kontrata. Pero ang kalagayan ng naturang mga Overseas Chinese Workers o OCW ay nakakatawag ng pansin ng buong lipunang Tsino.

Mga magsasakang Tsino na nagtatrabaho sa Rusya ay lumikas papunta sa bundok para tumakas sa malupit na pagtrato ng kanilang Boss na Ruso (kuha mula sa internet)

Noong ika-5 ng Hulyo ngayong taon, mabilis na kumalat sa internet sa Tsina ang isang balita na nagsasabing 61 magsasakang Tsino na nagtatrabaho sa Rusya ay lumikas papunta sa bundok para tumakas sa malupit na pagtrato ng kanilang Boss na Ruso.

Kinumpirma ng pamahalaang lokal ng naturang mga magsasaka ang balitang ito, pero hindi nila alam ang aktuwal na kalagayan ng naturang mga magsasaka. Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan ang pamahalaang lokal sa panig Ruso para malaman ang mas maraming impormasyon at buong sikap na lutasin ang insidenteng ito.

Hindi ito ang nag-iisang insidente hinggil sa di-pantay at malupit na pagtrato sa mga OCW nitong ilang taong nakalipas. Nauna rito, naganap nang mga beses ang mga insidente na gaya ng pag-aabuso, pangingidnap at pagpatay sa mga OCW sa Rusya, mga bansang Aprikano, Biyetnam, Timog Korea, Britanya at Amerika. Kung isasama ang mga iligal na manggagawang Tsino sa ibang bansa, mukhang magiging mas malubha ang kalagayan ng mga OCW.

Para sa mga OCW, hindi sila pribadong manggagawa sa ibayong dagat pero ipinapadala, pangunahin na, ng mga bahay-kalakal ng Tsina. At dahil dito, kung ipapadala sila sa mga rehiyon at bansa na masama ang kalagayang panseguridad at malubha ang teroristikong aksyon na gaya ng mga bansang Aprikano at Gitnang Silangan, madali silang maaapektuhan ng paglalala ng kalagayang lokal.

Bukod dito, ang pagkakaiba sa pagitan ng wikang Tsino at mga wika sa lokalidad ay nakakaapekto sa pamumuhay ng mga OCW sa ibang bansa at maging ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayang lokal. Kaya kung hindi mauunawaan ng mga OCW at mga mamamayang lokal ang isa't isa. Madaling nagdulot ito ng mga walang kabagay-bagay na hidwaan.

Dahil pa riyan, hirap din naman ang mga OCW sa pangangalaga sa kanilang karapatan batay sa kontrata at batas kapag nasangkot sila sa mga hidwaan at panganib sa ibang bansa, sa partikular, ipinadala sila upang magtrabaho para sa dayuhang boss, tulad ng nabanggit na balita.

Mga manggagawang Tsino na nagtatrabaho sa Aprika

Bilang isang bansa na mayroong 1.3 bilyong populasyon, mayman ang murang lakas sa paggawa ng Tsina at ito ay isang mahalagang bagay sa pagpapasulong ng mabilis na pag-unlad ng pambansang kabuhayan.

Pero kasunod ng pag-unlad ng teknolohiya at pagtaas ng gastusin sa lakas ng paggawa na dulot ng pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino at social security system, unti-unting bumababa ang kahilingan ng pamilihang panloob sa murang lakas sa paggawa. Kasunod ng paglaki ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa ibayong dagat, parami nang paraming manggagawang Tsino ay pumupunta sa ibang mga bansa para sa trabaho.

Ang kalagayang ito ay mananatili nang mahabang panahon na dulot ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa lakas na paggawa sa loob ng bansa at pagdaragdag ng bilang ng populasyon na nangangailangan ng trabaho. Kaya para sa pamahalaang Tsino, dapat isagawa ang mga hakbangin para lutasin ang mga hamon at panganib na kinakaharap din ng parami nang paraming OCW sa buong daigdig. \

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>