Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Paglaban sa korupsyon, unang target ng CPC sa 2015

(GMT+08:00) 2015-01-16 10:26:54       CRI

Sa katatapos na taong 2014, natamo ang malaking progreso ng Partido Kumonista ng Tsina (CPC) sa paglaban sa korupsyon. Pero sa taong 2015, ang isyung ito ay patuloy pa ring napakaimportanteng gawain ng CPC.

Walang duda, ang kaso ng pagsisiyasat at pagparusa sa mga corrupt na opisyal ng CPC at pamahalaang Tsino gaya nina Zhou Yongkang, Xu Caihou, Ling Jihua at Su Rong ay nagpapakita sa buong bansa at komunidad ng daigdig na maaring tumpak na pakitunguhan ng CPC ang sariling problema at iwasto ang mga ito.

Pero sa kabilang dako, ang naturang mga kaso ay naglantad ng mga problemang panloob ng CPC. Halimbawa, lumitaw ang mga corrupt na opisyal sa mataas na antas ng CPC, lumalawak ang saklaw ng mga kaso ng korupsyon na hindi lamang may kinalaman sa mga indibiduwal, kundi maging sa mga "espesyal na grupo", at mahinahon ang pagsusuperbisa sa kilos ng mga mataas na opisyal. Ito ay malaking nakapinsala sa paniniwala ng mga mamamayan sa CPC.

Mula ika-12 hanggang ika-14 ng buwang ito, idinaos sa Beijing ang ika-5 sesyong plenaryo ng Central Commission for Discipline Inspection (CCDI) ng CPC. Ang CDC ay kataas-taasang organo ng CPC na nagsusuperbisa sa pagsasakatuparan ng mga tadhana ng CPC at paglaban sa korupsyon sa loob ng partido. Sa naturang pulong, isinapubliko ng CPC ang mga katugong hakbangin sa malubhang hamon ng korupsyon.

 Ika-5 sesyong plenaryo ng Central Commission for Discipline Inspection (CCDI) ng CPC

Ang paglaban sa korupsyon ay isang pangmatagalang gawain ng CPC, hindi lamang sa termino ni Xi Jinping, kasalukuyang Pangkalahatang Kalihim ng CPC, kundi sa termino ng mga dating lider. Pero sa termino ni Xi, ang paglaban sa korupsyon ay mayroong mga bagong katangian.

Una, ang paglaban sa korupsyon ay sumunod sa mga may kinalamang batas at ito rin ay naglalayong pangalagaan ang kapangyarihan ng mga tadhana ng CPC at ilagay ito sa paunang puwesto sa pamamatnubay sa takbo ng partido at mga kilos ng miyembro ng CPC. Madaling unawain na kung ang kilos ng bawat miyembro ng CPC ay susunod sa mga tadhana ng partido, bihirang magaganap ang korupsyon.

Ikalawa, lumalawak ang saklaw ng paglaban sa korupsyon. Sa naturang pulong, iniharap ng CPC na dapat pahigpitin ang pagsusuperbisa sa mga bahay-kalakal na ari ng estado.

Bukod sa mga opisyal ng naturang mga bahay-kalakal, ang lahat ng mga miyembro ng CPC ay sumasailalim, hindi lamang sa mga opisyal ng pamahalaan at mga organo ng partido, kundi ng mga kawani sa iba't ibang industriya na gaya ng edukasyon, kalusugan, pananaliksik, paglilibang at iba pa. Kaya ang naturang hakbangin ay nagpapakita na ang paglaban sa korupsyon ay hindi lamang nakatuon sa mga opisyal, kundi nakaapekto sa bawat miyembro ng partido para likhain ang isang malinis na kapaligiran ng partido.

Kaya sa taong 2015, ang paglaban sa korupsyon ay siguradong pangunahing gawain ng CPC. Kahit ipinahayag ni Xi na sa kanyang unang termino, ang paglaban sa korupsyon ay nagtampok, pangunahin na, sa pagpigil ng pagkalat ng korupsyon. Pero ang kanyang mga hakbangin ay nagpapakita na nais niya ring lutasin ang ugat ng korupsyon sa loob at labas ng partido.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>