|
||||||||
|
||
Bukod sa pagpapakita ng kanyang mga damit na dinesenyo, parte ng kanyang adbokasiya ang isulong ang kapakanan ng mga magbubukid na nagtatanim ng pinya at abaca. Aniya ang paggamit niya sa pinya at jusi sa kanyang mga barong ay nangangahulugang pagsuporta sa kabuhayan ng mga magsasaka.
Kawili-wili ang fashion show na binuo ng direktor na si Raymund Villanueva, dahil ito'y pinasigla ng pagtatanghal ng Sindaw Dancers at video presentations na nagpapakita ng kultura at mga tanawin ng Pilipinas. Sa ganitong backdrop lutang na lutang ang bukod tanging mga damit na may di maitatangging tatak ni Renee Salud.
Manila segment ng fashion show na pinatingkad ng pagtatanghal ng sindaw dancers
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |